(Ara's POV)
*FLASHBACK*
"Thank you everyone for putting me in this position.I'm not promising but I will do my best as the Executive President of this University."pagtatapos ni Harlan sa speech niya.Isang masigabong na palakapakan ang sumalubong sa kanya pagkababa niya ng stage.Introduction of newly elected officers kasi ngayon.May program talagang itinatalaga para dito.
Impress na impress talaga ang mga professors sa kanya pati na rin ang mga estudyante.Tama nga lang namang maging President siya.Matalino, active na student governor ng College of Business and Accountancy.Economics student siya eh at active siyang leader ng College nila.Governor siya last year at ngayong nasa huling taon na siya ay elected na as President ng University Student Government.
"Kyaaah..ang galing talaga niya noh?At ang guwapo pa."bulong ng kung sino.Alam kong babae yun.At teka, bulong pa ba yun?Dinig na dinig ko eh..May kasama pa iyun na tili ha.
"Oo nga...Haii...Ang sarap sigurong magkaroon ng boyfriend na tulad niya.."segunda naman ng isa pa.
"Yes.Masarap nga magkaroon ng boyfriend na tulad niya."ngali-ngaling sabihin ko sa kanila.But then I control myself.Sanay na ako sa mga babaeng nagpapantasya sa boyfriend ko.Yeah.Boyfriend ko si Harlan.At proud na proud ako.
Sorry na lang sila at mukhang inlove na inlove ang lolo niyo sa lolang katulad ko.Lol^^.Isang taon na kami kahapon lang.Pa'no kami nagkakilala?Well, dahil pareho kaming active student leaders, syempre madalas kaming magkita sa mga activities ng school.Naging magkaibigan kami hanggang sa naramdaman na lang namin na gusto na naming dalhin sa ibang lebel ang relasyon namin .Date-date.Ligaw-ligaw hanggang sa naging kami.
Hindi niya pa ako naipapakilala sa mga parents niya.Sa tamang panahon na lang daw.Ok lang naman sa'kin.Di pa rin naman ako handa eh.Mayaman kaya sila.Dating mayor ang lolo niya sa lungsod na ito at sa kasalukuyan ang daddy niya naman.Isang sikat na beauty queen naman noon ang mommy niya.Sa pagkakaalam ko, may kapatid siyang babae.Kaedad rin ata ni Ivo na siyang kapatid ko naman na first year high school na ngayon.
Pagdating naman sa pamilya ko ay close talaga si Harlan sa kanila. Lalo na kay nanay.Nagtatampo nga ako minsan eh.Palagi na lang itong kinakamusta ni nanay sa tuwing dumarating ako mula sa eskwela.Ako na anak niya ay hindi,Tsk.Pero ok lang..first boyfriend ko naman kasi si Harlan.Importante sa'kin na boto si nanay sa kanya.
"Thanks Barbz..."
Nagulat ako ng may bumulong sa 'kin at kapagkuwa'y humalik sa pisngi ko.
Harlan..
At hindi nga ako nagkamali.Siya nga.Nakaupo na siya sa tabi ko.Magkakatabi kasi ng upuan ang mga newly elected officers.Hindi ko nga pala nasabi na officer rin ako.Executive Secretary naman ang posisyon ko.At inaamin kong isa sa mga dahilan kung ba't tumakbo ako sa election ay dahil kay Harlan.He encouraged me though I just want to be a Governor sa College of Education.BS Education kasi ako, major in English.Since malakas ang convincing power niya, napapayag niya ako.Isa pa ,gusto niya raw parati kaming magkasama.Kinilig ako dahil dun.At dahil inlove na inlove ako sa kanya, pumayag na ako.Akala ko nga hindi ako mananalo eh.Siguro nga nadala lang sa sikat na boyfriend kong 'to.Pero naniniwala naman ako sa sarili ko na kaya binoto nila ako dahil malaki rin ang tiwala nila sa leadership ko.Active rin kaya ako sa college namin.^^
Pasimpleng sinundot-sundot ko siya sa tagiliran niya.Nagpipigil naman siyang tumawa.Pilit niyang binabaling ang atensyon sa nagko-closing remarks na siyang President ng University namin.
Bumulong ako sa kanya."Anong thank you?"
"For helping me for that speech."aniya habang nakatuon pa rin ang atensyon sa stage.Shocks!Ba't ba ang guwapo ng boyfriend kong 'to kahit nakaside-view?Kung wala lang tao sa paligid, kanina ko pa 'to sinunggaban at hinalikan.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...