43

326 6 6
                                    

Ara's POV

"Ate?!"bulalas ni Ivo nang makita ako. Kakalabas lang nito ng kuwarto. Guwapong-guwapo ang mokong sa suot na formal attire . Graduation day niya ngayon . Di naman kasi nito alam na uuwi ako.

"Malamang, ako nga. Nag-iisa lang naman ang magandang ako sa mundo."sabi kong nakangiti,sabay flip ng hair. Niyakap niya ako kapagkuwan na ginantihan ko naman. Nakakamiss din itong kapatid kong ito kahit nakakainis 'to minsan. Ganyan naman talaga kapag pamilya mo, mamimiss mo talaga. Kaya naiintindihan ko kung bakit 'yong iba ay mas pinili na manatili sa Pilipinas kahit mahirap ang buhay basta makasama lang ang minamahal sa buhay. Ako, umalis lang naman dahil ayokong manatili rito dahil nandito lang si Harlan. Ayokong magkita kami. Two weeks lang naman ako dito sa Pinas kaya sana at di magkrus ang landas namin.Imposible naman 'yon dahil napakabusy nitong tao at tsaka wala akong planong gumala habang narito. Gusto ko lang magspend ng time kina nanay at Ivo.

"Sapatos ko?Asan na?"agad na sabi nito nang maghiwalay kami sa pagkakayakap.

I rolled my eyes. "Grabe, 'yon agad ang tanong?Di mo man lang ako kakamustahin muna? Ang cool!"

"Sus. Kakamustahin kita, magsisinungaling ka lang din naman. Sabihin mong OK kahit di naman. Sasabihing nakamove on na kay Kuya Harlan pero di pa naman talaga."

Napanganga ako. Ang mokong na 'to! Ang daming sinabi ha!

"Oh, ano na naman 'yan ha?May naririnig na naman ako."ani nanay na sumulpot dala na ang toga ni Ivo.

"Ang anak mo kasi 'nay. Sapatos agad ang bungad. Di man lang nangamusta muna. Tapos, kung anu-ano na ang sinasabi. "sabi kong napalabi.

"Totoo naman kasi."sabat naman ni Ivo. I glared at him. Here we go again.

"Mention his name again and I'll never give you what you've been asking."sabi ko sa kanya. Aba.napaenglish ata ako. Sa totoo lang, andyan naman sapatos na hinihingi niya eh. Tinethreaten ko lang.

"Ate naman...alam Kong di mo 'ko matitiis. Be true to yourself kasi. Eh ano naman kung di ka pa nakamove-on? Wala naman akong sinasabi na balikan mo siya. Ang sa akin lang, wag kang magkunwari.Ikaw din nahihirapan eh."

Aww. Should I give this bully a slap or a smile?

Napabuntung hininga ako. "Wag mo na along intindihin. I'll get by. Hindi man ngayon, soon... "

Napailing ito. Di ba kapani-paniwala mga sinabi ko? To too 'yon...

Umabrisete ako sa kanya. "Tara na nga. Ma late pa tayo eh. "

Binalingan ko si nanay na busy sa pananalamin. "Nay, maganda ka na. Ok na. Mababasag na 'yan. "

"Oo naman 'nak. Maganda ako. Pa'no na lang kayo kapag hindi? Of course, I'll give credit to your tatay too. "Proud nitong sabi na ikinaikot ng mga mata namin ni Ivo. Napangisi naman so nanay na nagpose pa sa harap ng salamin.

"Halika na nga kayo. Hahaba pa usapan kung ipagmamayabang pa natin ang ating kagandahang lahi. "

******
Harlan's POV

"So, tititigan mo lang at lalaro-laruin ang singsing na 'yan buong araw? "

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang may magsalita. It was Jedric.Kalong ang tatlong gulang na anak nito----si Trevor. Ibinulsa ko ang singsing na tinutukoy nito. Tumayo. I was getting ready to leave but suddenly I was drawn to think of the past again.

"Hey, aalis na ako. "sabi ko.

"Akala ko,diyan ka na lang eh. Kanina, noong sinilip kita, ang posisyon mo ay ang nadatnan kong posisyon ngayon-ngayon lang. Hanggang ngayon ba naman?Kung ganyan ka nang ganyan,sana sinundan mo sa Korea."

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon