16

1K 25 0
                                    

(Ara's POV)

Tiningnan ko lang ang nakalahad niyang kamay. Oo. Marami ang naniniwala na ang dating magkasintahan ay di puwedeng maging magkaibigan. Pero sa akin, puwede iyon. That is if you're mature enough to accept what had happened between the two of you. And if you don't feel anything to each other. Yeah. Alam kong may mahal na siyang iba. Wala na siyang pag-ibig para sa akin. Eh ako? MAHAL KO SIYA!

Kaya di puwedeng maging magkaibigan kami ulit. Hindi puwede ang gusto nitong mangyari. Tinalikuran ko siya at naglakad palayo rito. Ang sakit-sakit sa puso. "Hindi ko gustong maging kaibigan lang. Gusto ko ang posisyon ni Bridgette sa buhay mo!"ngali-ngaling ibulyaw ko sa kanya na hindi ko ginawa. Naramdaman ko na lang na nag-iinit na naman ang mata nito. ANAK NG! BAKIT BA GUSTO PANG LUMABAS NG MGA LUHANG ITO?! Ni hindi ko man lang napigilan at ngayo'y unti-unti ng pumapatak.

"Ara!"tawag niya.Di ako lumingon. Ayokong makita niyang umiiyak ako. Tsk. "Ara". Hindi niya na ako tinatawag na "Barbz".

Nakakalungkot. Sa katunayan, hindi ako dapat nagdaramdam ng ganito dahil wala nang "kami". It's his choice kung anong itatawag niya sa akin.

"Ara!"

Tawag niya ulit ngunit patuloy lang ako sa mabilis na paglakad.At alam kong nakasunod siya. Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko dahil umiiyak ako. Anong magagawa ko kung ayaw tumigil sa pagluha ang mga mata ko?

Pumara ako ng taxi nang sa labas na ako ng airport. Nang akma na akong sasakay ay may humawak sa braso ko. Obviously, si Harlan. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman pa kung sino ang humawak sa akin. Alam ko ang feeling kung humawak siya. At alam kong kanya ang kamay na humahawak sa akin.

"Let's talk Ara. "sabi nito.

"Bitawan mo ako kung ayaw mong maeskandalo. Hindi ba't sinabi mong di ka gagawa ng bagay na makakadungis ng reputasyon mo? Baka akalain ng mga nakakita na may girlfriend kang tao pero hinahabol mo ako ngayon?Baka kung ano ang iisipin ng mga tao. Tingnan mo, pinagtitingan tayo."

Totoo namang may mga nakakapansin na sa amin.Kahit sa ibang city naroon ang airport ng probinsiya, marami pa ring nakakakilala dito ayon kay nanay.Hindi lang dahil guwapo siya o sikat at mayaman ang pamilya niya kundi dahil na rin na mabuti raw talaga itong public servant. Hinahangaan ang galing at talino nito. Sa katunayan, ito ang pinakabatang nakahawak ng posisyon na "vice mayor" sa buong probinsiya.

"I don't care about that damn reputation! Let's talk. Harapin mo ako. Siguro nga, ito ang tamang oras pag-usapan ang nangyari noon. Ni hindi mo ako binigyan ng pagkakataong magpaliwanag." he hissed.

Binawi ko ang braso kong hawak niya at kapagkuwa'y hinarap siya. "What's there to talk about?! At bakit pa mag-uusap kung wala rin man lang magbabago. Hindi mo na kailangang magpaliwanag dahil malinaw sa akin ang lahat. "

"You cried. At huwag mong idahilan muli na napuwing ka."sa halip ay sabi nito.

"Eh ano ngayon?Trip ko lang umiyak. Paki mo?"sa halip ay pagtataray ko kahit obvious na concerned ito. Kahit sino naman siguro mahahabag kapag may nakikitang umiiyak.

Napailing ito at napabuntung hininga. "Please Ara, kailangan nating mag-usap. Linawin ang mga bagay-bagay na matagal nang dapat nilinaw."

Sasagot na sana ako ng umeksena si Manong Taxi driver. "Ma'am, sasakay po ba kayo o makikipag-away muna?"

"Hindi siya sasakay Manong." malakas na sagot ni Harlan para marinig ng driver dahil di ito yumuko.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon