(Ara's POV)
Shocks!Ano ba 'tong nangyayari sa akin?Comedy dapat ang storyang 'to,ba't ang drama?
Nag-abang ako ng tricyle para makasakay na ng tricycle pauwi.Pero,pag minamalas nga naman,walang dumadaan kung kailan gusto ko nang makalayo sa lugar kung saan nandiyan si Harlan.I'm supposed to be okay dahil matagal na kaming nagkahiwalay.Pero ba't ganito?Given na walang maayos na closure ang break up namin,time should have already healed me.
Darn it!Sa'n ba nanggagaling ang mga luha na 'to?
Nagulat na lang ako ng biglang may nag-abot ng panyo sa'kin.Hindi na ako lilingon dahil alam ko kung sino ang may hawak ng panyo.Ayokong makita niya na umiiyak ako.Teka sinundan niya ako?
Hindi ko siya nilingon.Nagkunwari na lang akong napuwing."Aray naman,ano ba 'tong pa'no ba 'tong pumasok sa mata ko?"
Kinusot-kusot ko kunwari ang mata ko.May patingala effect pa akong nalalaman.
As if daw ngayon ko lang naramdaman presensya niya."Ui..Vice mayor andiyan ka pala?Tapos na?"sabi ko sabay nguso sa loob ng brgy.hall.
He just remained looking at me.
"You cried."anito kapagkuwan.
Kunwari ay napa "ha" ako.Hindi ako aamin na umiyak ako no!Nevah.
"Ano ka ba?Napuwing lang ako no..may pumasok lang po sa mata ko na kung ano."sabi ko.
"You know what,you only suck at one thing..."
Nangunot ang noo ko."Ows?At ano naman yun?"pakikisakay ko.Ano to banat?
He smirked."You suck at lying.May napuwing bang pulang-pula at grabe ang pagluha?"
Then he smiled like he did way back then.Kinuha ang kamay ko at nilagay ang panyo doon.Oh my,what's with me?Ba't biglang may naramdaman akong pamilyar?Napatitig na lang tuloy ako sa panyong ibinigay niya.Pero maya-maya ay sinalubong ko titig niya.
"Meron nun noh!"I said defensively.Alam kong medyo natuyo na luha ko.Pero alam ko ring pulang-pula ang mata ko.Mabuti na lang at hindi ako naka mascara.Kung hindi ay baka nagsmudge na iyon.
Napailing ito.Then he smiled faintly."Don't try to deny it.Alam kung umiyak ka.I know it's too late.But I wanted to say sorry for everything.Kung nakapag-usap tayo noon,disin sana'y---"
I cut him out."Let's not talk about the past anymore.Shall we?Isa pa,you have now your own life.At ako rin.We both have moved on."
Ayoko talagang pag-usapan ang nakaraan.May mga damdaming napupukaw kapag naaalala ko yun.Wala rin namang silbi kung pag-uusapan iyon,bakit may maibabalik ba?At isa pa,sila pa ni Bridgette.Ayokong makagulo sa mga ito.
"Have you really moved on?"tanong nito na nakapagpatigil sa'kin.Nakamove on na nga ba talaga ako?
"Of course!"in an instant ay sagot ko.Pero bakit parang it sounded defensive?"At alam kong ikaw rin.Sana masaya kayo ni Bridgette."
Nanatili lang siyang nakatitig sa'kin.Nailang tuloy ako.
"Yeah.We're happy."kapagkuwan ay sabi nito.
Hindi ko alam pero parang nasaktan ako.Masaya sila.Habang ako ay apektado pa rin ng nangyari noon.Hindi iyon maaari.Dapat,hindi lang sila ang magmukhang masaya.Dapat ako rin.
"That's good.Ako rin naman.Masaya ako sa boyfriend ko."sabi ko.Patawarin sana ako sa kasinungalingang hinahabi ko.
"Really?"anito na parang bang imposibleng magkaboyfriend ako matapos niya.Kahit pa sabihing gawa-gawa ko lang 'yon,parang insulto ang reaksyon niya.
"Oo naman,hindi ba kapani-paniwala?Anong akala mo sa'kin?"mataray kong tanong sa kanya.
"Sinabi lang kasi ng nanay mo na wala kang boyfriend.."sabi niya
Napataas ang kilay.Close talaga sila ni mudra ha.
"Hindi niya pa kasi alam.Sa Sabado ay sabay pa kaming haharap ng boyfriend ko sa kanya kaya tumahimik ka."
Napatango-tango ito."So,puwede ba kayong anyayahan sa bahay pagkatapos?May konting salu-salo lang."
"Bakit?"pagmamaangmaangan ko. Alam ko namang birthday niya sa Sabado.
Dagling may dumaan na lungkot sa mata niya.Or was it my imagination again?Natampal ko kunwari noo ko na parang may naalala."Ay shocks!Kaarawan mo nga pala no?"Tumango ito."O sige,pupunta kami."
Kung hindi ba naman ako tanga noh?Tinanggap ko ang imbitasyon niya. 'Yan tuloy. Sa'n ako hahanap ng boyfriend?!
***************************************************
Finally!Nakapag-update rin!Hi guys!^^
For HaveYouSeenThisGirl for being an inspiration for all aspiring writers out there..:)))
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...