45

593 6 3
                                    

Ara's POV

I was in daze. Sa bilis ng mga pangyayari, narinig ko na lang na inanunsiyo na ng judge na mag-asawa na kami ni Harlan. Nakita ko na lang na nagpupunas na ng mata si nanay. Sina Cynelle at Ivo ay tila kinikilig. Pati na rin ang mag-asawang sina Jedric at Trixie. Pero wala ang mga magulang niya. Nakakalungkot isipin. Hindi pa rin talaga ako tanggap ng mga magulang niya. Harlan did plan all of it beforehand without considering his parents.

Ilang oras lang ang nakalipas mula nong umalis kami ng restaurant patungo sa lugar na ito. Nakahanda na ang lahat ng kakailanganin. Plantsado lahat mula sa papeles hanggang sa singsing. Nandoon na naghihintay sina nanay,Ivo at Cynelle.

Para akong tuod na nakaharap sa judge. Ni hindi ako nakatanggi sa nangyari. Bagkus naging sunud-sunuran ako. Lumagda naman ako. Baliw no? Siguro nga sa loob-loob ko ay gusto ko rin naman ang makasal talaga Kay Harlan kaya wala akong nagawa kundi sumunod. Hindi pa maayos ang pagitan sa amin ngunit heto kami at kasal na. Kahit gaano ko pa kamahal si Harlan, hindi ito ang gusto kong paraan ng pagpapakasal namin. Naiinis ako. May ganito bang kasal? Agad-agad?  Akala ko kanina mare-rape na ako ni Harlan sa restroom kanina. Tapos ito na naman?  Mahilig talaga ito sa biglaan.
Tiyak na marami kaming pag-uusapan mamaya nito. Ang dami ko pang gustong sabihin.

Akmang hahalikan niya na ako tulad ng nakagawian pag kinakasal ngunit tinakpan ko ang bibig ko. "Hindi ko sinabi na mahal kita. Unang araw ng pagkikita natin pagkatapos ng apat na taon ngunit heto at pwersahan mo akong ikinasal sa'yo."sabi ko at masama siyang tiningnan.

He chuckled. It sounded sexy. As always."Pinwersa?You could have run away a while ago but you didn't. Hindi kaya kita pinilit. Kusa kang lumagda remember?Wala ka nang kawala. Ngayon ka pa nagreklamo ngayong mag-asawa na tayo. At huwag mong sabihin na hindi mo ako mahal. Sina nanay at Ivo makakalaban mo."

Nag-init ang pisngi ko. Nagtawanan naman ang lahat sa silid na iyon.Sinulyapan ko sina nanay at Ivo na pareho pang nagpeace sign. Mga traidor! Siguro, bawat galaw ko sa Korea ay binabalita ng mga ito sa asawa ko. Asawa?  Parang kinilig ako ng bongga do'n ah. Asawa ko na talaga si Harlan. Hindi ako makapaniwala. Para akong nasa ulap ngayon sa sobrang saya.

Kinuha ni Harlan ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig ko at hinalikan na lang ako bigla. Medyo tumagal iyon hanggang sa tila kapusin na ako ng hininga. Masyado rin atat ang isang 'to. Miss na miss siguro ako katulad ng pagkakamiss ko sa kanya.

"Hoy, tama na 'yan. Di na ba makapaghintay? "narinig naming tatawa-tawang reklamo ng kaibigan ni Harlan. Napuno na naman ng tawanan ang lugar. Sa pagkapahiya ay naghiwalay kami ni Harlan. Napangiti na lang kami sa isa't isa. Hinawakan niya ng mahigpit ang isang kamay ko. Itinaas para halikan.

Nilapitan kami ni nanay at niyakap kaming dalawa. "Hay, sa wakas. Naikasal din kayo. Nakakapagod na kasi eh. Naiinis na akong makita ang malulungkot niyong mukha nang magkahiwalay kayo. Hala, dumiretso na kayo sa honeymoon at nang makarami. "

Nag-init ang pisngi ko. Natawa naman si Harlan. "Nay naman! "

"Anong masama do'n?  Kasal na kayo. Natutuwa akong naingatan mo ang sinasabi ko sa inyo ni Ivo na ingatan. "

Nagkatinginan kami ni Harlan at napangiti. Hindi alam ni nanay na dalawang beses na muntik mawala ang pinakaiingatan ko.

"Ate, bigyan niyo na agad ako ng pamangkin. "ani Ivong nakangisi. Inambaan ko siya ng suntok. Natawa lang ito at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "Congrats Ate. "

"Oo nga Ate Ara. A beautiful niece please? Pero ,congratulations sa inyong dalawa ni Kuya." ani Cynelle na yumakap at nakipagbeso sa akin. Yumakap din ito sa kapatid. Seriously, bagay nga sila ng kapatid ko. Ano yun?  Magic na bibigay agad hinihingi nila?

"Pare, Ara congrats!Mabuti naman at nagamit na ang singsing na pinakakatago mo pare."ani Jedric na ikinakunot ng noo ko. I look up at Harlan. Pero ngumisi lang ito. Then mouthed "later". Madami nga talaga kaming pag-uusapan.

"Congrats Ara. Finally!  Pinakawalan man ang isa't isa. Kayo pa rin. "anito na sinang-ayunan ko.

"Salamat. Kamusta anak niyo? "sabi ko. Malaki na anak nila. Four years old na.

"He's well. Nakakawala ng pagod. Kaya, kayo. Simulan niyo na agad nang makagawa. "tukso nito na sinang-ayunan ng lahat.  Lalong nag-init ang pisngi ko. Pressured tuloy kami ni Harlan. Char. Mamaya agad-agad ah.
Natawa ako sa iniisip. Ang laswa.

Pagkatapos ng mga tuksuhan ay naghiwa-hiwalay na kami ng landas. Of course, kasama ko si Harlan . Gusto ko pa sana umuwi ng bahay ngunit hindi pumayag si nanay. Dapat daw kami ni Harlan magkasama kasi katatapos lang namin ikasal. Kukuha lang naman sana ako ng damit.

"Where to? " tanong ko. Nagmamaneho na siya ng kotse. Kinikilig ako na ewan pero pinigilan ko. Hindi niya binitawan ang mga kamay ko simula kanina. Ngayon lang kasi nagmamaneho nga siya. Pero pasulyap-sulyap naman ito sa akin na tila mawawala ako.

"Guess where? "anito na ngumisi.

"Clue please... "nagpuppy eyes at nakalabi na sabi ko.

He chuckled. "A place where our honeymoon would take place... "he said and then winked.

Mabuti na lang madilim-dilim sa sasakyan kaya hindi halata pamumula ko.

Pinili ko na lang tumahimik at ibinaling muna paningin ko sa labas. I couldn't believe that this is happening.

"Tumahimik ka diyan ah... Kinikilig ka? "panunukso nito.

"Heh. I'm trying to think here. "sabi ko. Hindi na kasi ako makapag-isip ng maayos sa biglaang pangyayari.

He chuckled and brought my hands to his lips to kiss. Pero hindi niya naman inalis ang paningin niya sa daan. Habang nagmamaneho siya ay nakatitig lang ako sa kanya. How can this man love me after all these years?  How could he still love after not staying by his side?

*******

"And we're here. "anito nang hininto niya na ang sasakyan.

Napangiti ako. Narito kami sa lugar na puno ng mga ala-ala namin---ang Secret place. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Gusto kong maluha na ewan. Ang pangarap ko ay nasa haraapaan ko lang ngayon. Bigla ko siyang niyakap sa pagkabigla niya. I heard him chuckled. Gumanti na rin ito ng yakap. Tuluyan na akong humagulgol. I never knew happiness could hurt this much.


Humiwalay siya ng yakap sa akin. May pagsuyong nakatunghay siya sa akin. He wiped my tears using his thumb.


"Aish. Such a crybaby."anito and then he cupped my face. "Don't cry anymore. Hindi na tayo maghihiwalay."


Napatango-tango ako habang naluluha. He gave me a kiss which I received happily by responding. Tumagal iyon na para bang mapupunan no'n ang mga panahong di kami magkasama.


"I love you Barbz." anito na sandaling pinutol ang halik.


"I love you too Harhar."sagot ko naman.


Napatili na lang ako nang bigla niya akong binuhat.


"Let's start our forever together here." anito at tinungo ang gate ng Secret place. Paano niya bubuksan ang gate habang buhat ako? Ah. Bahala na. Basta asawa ko na siya. Mahal niya ako at mahal ko siya. And we will live happily ever after.


--------FIN-------

A/N:

Yes. Updated. Subject to edit pa rin to.Sorry po. Matatapos na talaga 'to. Epilogue na po ang sunod. :D

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon