11

1K 26 4
                                    

(ARA'S POV)

Alam mo yung feeling na parang may dumaklot sa puso mo? Next, you felt that it was squeezed till it shattered into pieces?

Yun ang nararamdaman ko ngayon dahil sa nakikita ko. Parang naulit lang yung nasaksihan ko noon wayback in college. Yung nakita ko sila na naghalikan. Ang kaibahan lang ay hindi lang ako ang nakasaksi. Shock lang ang lahat sa nakita.Ang sakit-sakit lang sa puso.

Bigla ko lang naramdaman ang paghawak ng kamay ni Yuan sa isang kamay ko sa ilalim ng mesa.He squeezed it. Nilingon ko siya. He gave me a reassuring smile. I smiled back though I feel like dying inside.

"Bridge...you're here!" bulalas ni Harlan na obvious na nasiyahan. Tapos na ang halik sa pagitan nilang dalawa pero masakit naman sa mga mata ko na makita silang dalawa na magkasama. Oo na! Nagseselos lang talaga ako! Shocks! I should stop feeling this way. Wala akong karapatan.

"Silly you!Of course I would be here. And it's sabi birthday today. How could I miss that?hmm.Wait, let me give you my gift."ani Bridgette at inabot kay Harlan ang isang maliit na box.

"Oh thanks. Nag-abala ka pa. Your presence is more than enough."sagot ni Harlan. At gusto kong itsahan sila ng paputok dahil kung makapag-usap, parang sila lang. Hello, may mga tao here!

"Oh come on, Harlan.Ang drama mo."

"Kuya. Akala ko ba pupuntahan na natin sila mommy?" nakasimangot na sabi ni Cynelle nakapagpatigil sa pag-uusap ng dalawa.

"Oh hi, Cyn. " nakangiting bati ni Bridgette rito. Ang ganda talaga niya. Sopistikada ang dating. But, hindi pa rin nawawala ang pagkakilala ko sa kanya bilang malandi. I've seen her before dated men and then ditched them after. Kung makapagpalit ng boyfriend ay nagpapalit lang ng damit. That was a long a time ago. At dahil sila ni Harlan ngayon, baka naman nagbago na siya. Considering that Harlan is into politics, good image dapat pinapakita niya bilang katipan ng una.

"Hello." simpleng tugon lang ni Cynelle.

"I'm sorry. Bridgette, but I want you to meet 'Nay Magda, si Ivo. Si Ara,remember her?"

"Yeah, how could I forget her? Well, hello Ara." anito at matamis na ngumiti. Nga naman, pa'no niya ako malilimutan? Eh involved ako sa relasyon nila ni Harlan noon. Kung iisipin, ako ang third party dahil matagal na pala silang ipinagkasundo para ipakasal. At nakakainis lang dahil patuloy kong minamahal si Harlan kahit ganon ang ginawa niya sa akin. Pampalipas oras lang ba ako noon? Isang laruan? Tama nga bang tawagin ko siyang "Ex" kahit di ako sigurado if totoo ang relasyon namin noon?

Pinilit kong ngumiti. "Hi." tanging nasabi ko lang.Hindi naman kami close para dagdagan ko pa sinabi ko.

"And that's Yuan. Ara's boyfriend."ani Harlan.

 Nanlaki ang mata nito.

"Oh really?But this is Yuan Kim! Sikat na singer ng Korea! Half-Filipino at Half -korean di ba?I'm working as a marketing director of a brand of clothing line in Korea,you were one of our endorsers before! Still remember me? "bulalas ni Bridgette at tumingin kay Yuan.Nainis ako sa pagsabi niya ng "oh really".Tss.Why is that? Hindi ba kapani-paniwala na magkakaboyfriend ako ng ganito kaguwapo at sikat pa?

"Yeah. I remember now. I was thinking where I could possibly have seen you. We have talked before but it was kinda brief. "

"Yes. It was purely business. But anyways, nice seeing you here. And Ara is your girlfriend huh?Small world."

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon