21

817 23 7
                                    

(Ara's POV)

Naramdaman kong may humalik sa ulo ko at kumilos. Kumawala sa pagkakayakap ko. I know si Harlan iyon.But I was too weak to open my eyes. Too weak to even move. Inaantok pa ako. Madaling araw na akong nakatulog dahil binabantayan ko si Harlan. Wala namang thermometer dito kaya panay ang salat sa noo at leeg niya. Giniginaw siya kaya I ended up hugging him. Di ko alam kung ano ang eksaktong oras na nakatulog ako. Basta, madaling araw na. Medyo humina na rin ang ulan. Naramdaman kong maya-maya ay kumilos ito. Bumaba ng kama?I don't know. Hanggang sa hinila na ako ng antok sa kadiliman. 

Sa pagmulat ko ng mata ay nabungaran ko si Harlan. Nakatitig sa akin. Nakakailang naman.Nakatagilid ako at nakatagilid din siya paharap sa akin. Kanina pa ba ako tinititigan ng isang 'to? According to what I've read, our human mind can detect if someone is staring at us though we are asleep. Kaya minsan, nagigising tayo. Gano'n siguro ang nangyari kung ba't nagising ako.

Napabalikwas ako ng bangon kahit gustong-gusto kong titigan ang guwapong mukha nito. Kung ganyan mamumulatan ko sa tuwing gigising ako, baka manatili ako sa higaan at makipagtitigan na lang dito. Bigla akong naconscious sa itsura ko. Tiyak na magulo ang buhok ko. May muta pa siguro. May laway? Pasimpleng dinama ko bibig ko. Merong natuyo. Yuck! Nakakahiya.

He chuckled. Mukhang mabuti na pakiramdam niya. Bumalik na ang normal na kulay nito.Sinimangutan ko siya. "Anong nakakatawa?"

Bumangon ito. "Wala. It's just that you're amusing."

"Gano'n?Amusing? Dahil first time mong makitang ganito ako?"

"Hmm. That and more..."

"More? Ano pang ibang amusing sa akin?"

"Secret. Come on, Let's eat lunch downstairs. Babawi ako sa pag-aalaga mo sa akin kagabi."

"Lunch?"

"It will be a brunch for you.It's nearing 12. Hindi na kita ginising kanina para mag-almusal. It would be rude. Mukhang pagod na pagod ka."

Hala. Nakakahiya.Grabe ang pagtulog ko. Sabagay, madaling araw naman akong nakatulog. "Thank you..."

Ngumiti lang ito bilang tugon.

Lumabas na kami ng silid niya at bumaba. Umuulan pa rin pero di na masyadong malakas tulad ng kahapon. Pero maginaw kahit malapit nang mag-alas dose.

But who cares?haha.Ang sarap sa feeling na nag-uusap kami na parang ok lang ang lahat. Pero maya-maya, kailangan na naming mag-usap.

*****************************

"Ahm, kamusta na pakiramdam mo?"tanong ko sa kanya para naman may mapag-usapan kami sa hapag. Ang tahimik na naman kasi.

Uminom muna ito ng juice bago sumagot. " Medyo namimigat pa rin ang ulo ko . But, I'm better than last night. Thanks to you."

I smiled."Mabuti naman kung ganoon. You looked terrible last night. I was worried. Magpahinga ka ng mabuti kapag nakauwi ka na sa inyo para tuluyan ka nang gumaling."

Ginagap niya ang isang kamay ko at pinisil. Yay! Kinikilig ako na di mawari. Yung mga titig, tagos! "Thank you. I will really rest. Let's talk after we finish eating ok?"

Tumango ako. Sige, usap tayo. Panahon na para magkalinawan talaga.

"Harlan, may isa pang kuwarto sa itaas. Kanino iyon?"tanong ko. Katatapos lang naming hugasan pinagkainan namin. Ayaw niyang ako maghugas ng kinainan namin kaya para walang gulo, kanya-kanyang hugas na lang.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon