10

1.1K 23 1
                                    

(Ara's POV)

Maraming nakaparadang kotse sa labas ng bahay ng mga Crisostomo.Out of place ang tricyle na sinakyan namin.haha. Ang bahay nila ay panahon pa ng Kastila pero pinarenovate lang.Kaya parang malaking modern ancestral house ang dating.Never pa akong nakapasok diyan noon dahil di ko naman nakilala ng personal pamilya niya.So, pa'no ako makakapasok diyan di ba?Nakikita ko lang mga magulang niya kapag may mga major events sa lungsod.For example, charter anniversary, election period,etc.

Ang mga Crisostomo ay talagang kilalang pamilya sa lungsod na ito.Di ba, nalaman niyo na simula pa noon, ang pamilya na ito na ang namumuno rito?Simula pa sa lolo ni Harlan, down to his father. At ngayon, naging vice mayor si Harlan at running for the position of mayor. Yung tito niya pa ngayon ay kasalukuyang nakaupo. Magpapa-elect din ito as a congressman.Tsk. Political dynasty at its best yow!

Bumaba na kami ng tricycle.Inalalayan ako ni Yuan bumaba.Pati na rin si inay.Gentleman talaga.Oh sinong gustong bumili kay Yuan?Kaso, medyo mahal ang presyo ng mokong na 'to. Lol.

Anyways, ang gara talaga ng tinitirhan nila Harlan. Ang yaman talaga. Kung sakaling kami pa kaya, matatanggap kaya ako ng family niya?Eh ordinaryong mamamayan lang kami dito sa lungsod. Di tulad nila na kilala talaga dito.Hai..Teka nga, ba't ko ba naiisip mga ganito?Eh sa wala na nga kami.Kaya hindi mabibigyang kasagutan ang tanong ko.

"Hoy ara, halika na.Ano pang tinutunganga mo diyan?" untag ni nanay sa akin nang nanatili lang akong nakatayo. Nasa may entrance na pala silang tatlo at ako na lang hinihintay.

"Ah eh. Sorry." sabi kong nakangisi. Tsk. Mind ko umayos ka.Kung anu-ano na iniisip mo. Wala nang Ara at Harlan ok?At tsaka, dapat di mo siya pinapantasya. Dapat, torture-in mo dahil sinaktan niya si Heart ko. Niloko ako remember? Nandito ako para ipakita sa Harlan na 'yun na hindi lang siya ang masaya. Kung may Bridgette siya, may Yuan ako.

"Haller?Is Yuan yours in the real sense?" sagot ng Mind ko.

Tsk. Aray ko po!Tama siya.Hai. Niloloko ko lang talaga sarili ko. Eh sa ayoko lang magmukhang kawawa sa harap ni Harlan. Ayoko.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago sumunod sa kanilang tatlo. Naibigay na ni nanay ang invitations namin sa nagbabantay. Ang higpit lang. Sa paligid ay nagkalat ang mga bodyguards . Oh well, pulitika 'to, magulo eh. Tsk. Baka mamaya, may magtangka ng masama sa mga Crisostomo at mga bisita. Mahirap na. Lalo na at nandito kami. Marami pa akong pangarap. Ayoko pang matigok.

Pagkapasok namin ay sinalubong kami agad ng usherettes papunta sa table na nakareserve sa'min. Whew! Ang garbo ng handaan sa kaarawan ni Harlan ah. May chorale group pang inarkilahan ha?Pangsosyal talaga. Halata rin na ang mga bisita ay bigatin.

"Wow, grabe anak. Ang yaman talaga ni Harlan noh?Ang laki ng bahay. Bongga pa ang party." sabi ni nanay habang lumilinga-linga. Nakaupo na kaming apat sa mesa namin. Di pa naman nagsta-start ang party eh. Ang mga bisita ay naeentertain lang sa saliw ng musika ng chorale.

Gusto kong mapangiwi. Kung sana hinanaan niya lang boses niya no?Kakahiya eh. Obvious lang kasi na hindi sanay sa mga ganitong party. Ngunit si nanay ay si nanay. Basta may gustong sabihin iyan, di na mapipigilan ang bunganga.

"Sayang Ate at wala na kayo ni Kuya Harlan." sabi naman ni Ivo.

Nalipat ang tingin ko sa kanya at pinandilatan siya. Dapat lang magreact ako. Iba ang dating ng sinabi niya eh. Isa pa, kahit kunwarian ay masasaktan kuno si Yuan dahil sa pagkakaalam nga nila ay nobyo ko ito. "Magtigil ka diyan Ivo ha. Zipper your mouth."sabi ko sa kanya at tumahimik naman siya.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon