(Ara's POV)
"Aaahhh!"I shrieked at the top of my lungs. Nasa bahay pa rin ako nina Harlan di ba? Di ba? Bakit ang dilim-dilim?
Nakapikit ako habang nagsusumigaw. Hindi ba ako naririnig ng kung sino o mommy man lang ni Harlan?
"Stop it. Ang sakit sa tenga ng boses mo. Mapapagod ka sa kasisigaw dahil sound-proof ang kuwartong ito.."
Eh?
Harlan?
Napamulat ako ng mata. Maliwanag na. Si Harlan ang nakita ko. Nakaupo sa kama na naroon at may hawak na unan na binend niya at itinakip sa mga tenga niya.
Obviously, kuwarto niya ito. May nakaframe na picture niya sa bedside table eh. Yung pormal na pormal. Nakabarong siya....at picture naming dalawa? Mabilis kong nilapitan iyon at kinuha. Ito ang tinutukoy na picture ni Mang Dino!
Manghang tiningnan ko si Harlan na ngayon ay nasa kama niya. Nakahigang patagilid paharap sa akin. Nakaunan ang ulo sa braso niya. We just stared with each other. It was as if we were in a trance.
"Nasa iyo nga talaga 'to."I said. Pinutol ko na ang titigan portion dahil baka may magawa na lang kami rito ng bagay na di kanais-nais. What I mean is, that "thing" should be done only inside marriage.
"Natatakot ka ba sa maaaring mangyari sa atin ngayon?"sa halip ay sabi nito. Di pa rin inaalis ang tingin sa akin. Ganoon pa rin ang posisyon niya.
Natigilan ako. Nanlalaki ang matang napatitig ako sa kanya. Pakiramdam ko, uminit ang katawan ko sa sinabi niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?"tanong ko at inilapag muli ang picture namin.
"You know what I'm talking about..."he said in a manner that would make you shiver. Natural na alam ko ang tinutukoy niya. Puro theory nga lang. Wala pang experience. Kaya kayo, naku. Huwag magpadala sa bugso ng damdamin.
"Bakit ikaw?"balik tanong ko sa kanya.
"Hindi. "sagot nito agad.
Whew! Ang lakas ng aircon pero pinagpapawisan ako sa takbo ng usapan namin.
Tumalikod ako.
"Ang ganda naman ng kuwarto mo." puri ko sa silid niya. Ayoko ng ganitong usapan.
He chuckled. "So my girlfriend is really a virgin..."
Napasinghap ako. Humarap uli sa kanya. Nakaupo na ito ngayon at nakasandal sa headboard ng kama niya.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...