4

1.3K 25 2
                                    

(Ara's POV)

"Nak,wala ka bang gagawin mamaya?"tanong ni nanay habang nagpupunas ng mesa namin.Ako naman naghuhugas ng pinggan.Yes.Naghuhugas.Ako dishwasher ngayon.Salitan kami ni Ivo.Di naman ako tamad kahit papano.Tinuruan talaga kami ni nanay sa mga gawaing bahay.

Hindi naman kami mayaman para kumuha pa ng maid.Tatlo lang naman kami dito.

Liningon ko si nanay.Weekdays ang pasok ko sa language center kaya free ako every weekends."Wala naman nay,bakit po?"

"May meeting kasi mamayang alas tres sa Barangay Hall ang mga supporters ni Harlan.Nais niya lang ilahad plataporma niya.Eh,dapat bawat pamilya may representative.Di naman ako makapunta dahil makikipagkita ako sa mga kaibigan ko ng college ako.Ka---"

Pinutol ko pagsasalita ni nanay.Meeting ng mga supporters ni Harlan?Sa pananalita ni nanay parang sinasabi niya na ring supporter ako ni Harlan.Nevah!Isa pa...di naman ako bumuboto.

"Nay,supporters po niya ang may meeting..eh hindi naman ako isa sa supporter niya.At tsaka,what's the use of listening to him kasi di ko naman siya iboboto dahil hindi ako bumoboto."

Binatukan na naman niya ako.Napa-aww ako.Si nanay namimihasa na.Baka maging bobo na ako nito dahil sa mga batok niya.

"Tapatin mo nga ako Barbara."kapag ganitong "Barbara" na tawag niya sa akin,galit na ito at siguradong may pangaral na kasunod."Ikaw ba'y galit pa rin kay Harlan?Ang tagal na simula ng maghiwalay kayo.At ikaw naman ay ni hindi mo siya binigyang pagkakataong magpaliwanag.  Dapat napatawad mo na siya.Ihiwalay mo ang personal mong issue sa kanya.At Ikaw ba'y nagmamalasakit sa bansa natin?Bilang isang Pilipino,tungkulin mong bumoto.Nagrereklamo ka minsan na hindi umuunlad ang Pilipinas.Sa totoo lang,wala kang karapatan magreklamo dahil hindi ka naman bumoto."

Amen!

I rolled my eyes."Whatever nay.Pare-pareho lang naman ang lahat ng pulitiko.Mga corrupt."

"Ibahin mo ang mga Crisostomo.Matagal na silang tapat na naninilbihan sa lungsod natin.Mahabang panahon ring naging Mayor ang lolo ni Harlan dito at pinagpatuloy ng ama niya.At siya naman ngayon."

"Tsk.Alam mo kung ano tawag diyan nay?Political dynasty.Di dapat pinapayagan ang ganyan para mabigyan rin ang ibang mamamayan ng pagkakataong makaupo sa puwesto."

Oh anu ngayon nay?Katwiran pa.hehe.Kasalanan niyo kung ba't nagkaanak kayo ng matalinong tulad ko.Charot!

"As long as satisfied ang tao sa pamamalakad nila.Nanatili sila sa puwesto dahil ibinoboto sila ng taong bayan."katwiran nito.

Napapalatak ako.

"Nay,ever heard of "pandaraya" at vote buying?"

Parang napundi na ata si nanay at sumuko."Bahala ka ngang bata ka!Ang nega mo at napaka-judgemental.Basta iproxy mu ko dun sa pulong sa ayaw at gusto mo."pagkatapos tumalikod na ito.

Nay naman eh!

Psh.Sige,dahil masunurin ako,papayag na.Pero una at huli na 'to.

Pumunta ako sa venue ng meeting ng mga supporters ng Harlan na yun.Kuu,kung hindi lang ako masunurin,nunca pupunta ako rito.I'd rather sleep.Second mass na nga ako nagsimba kanina dahil masyadong maaga kapag first mass.Kung may hobby man akong maituturing maliban sa pagbabasa ng pocketbooks ay pagtulog iyon.

Pumasok na ako.As expected,mas marami talagang babae ang dumalo.Parang fans day lang ang pupuntuhan at hindi meeting pampulitika.Isipin pa tuloy ng iba dito na atat din ako kay Harlan.Oh siya,maganda siyang lalaki.Aaminin ko yun.Pero ex ko siya.Ex.

Umupo na ako sa pinakaharap.Kahit ayaw kong pumunta rito,ayoko namang tanga dun sa likod sa kahihintay habang nagspi-speech si Harlan at mga kapartido niya.Sige,bibigyan ko sila ng privilege na mapakinggan sila.Malay nila,magustuhan ko at bumoto na ako.As if sakin nakasalalay panalo no?Hehe.

Maya-maya pa ay nagsimula na.Nag-umpisa nang lumabas ang mga kakandidatong councilors.Medyo ok pa ang crowd paglabas nila.Pero paglabas ni Harlan ay parang lumabas si Mario Maurer o Daniel Padilla dahil sa sigawan at mga tili.

My golly...gulay.Wow.Galawgaw.0_0

Parang gusto rin magwala ng other part of me.Unfair kasi.Daig pa talaga mga artista.Nakacampaign shirt lang naman siya at nakajeans pero animong model lang ng sikat na clothing line kung magdala.The unfairness of this world!

Mabuti naman at medyo kumalma na ang crowd nang maupo si Harlan.Putik lang talaga.Kahit pag-upo lang may dating.Looking at him,magdadalawang isip ka kung tumatakbo ito bilang mayor or artistang nang-eendorse ng kandidato.

Nagsimula ng magsalita isa-isa ang mga kakandidatong councilors.Tsk.How predictable ng mga sasabihin nila.Trabaho,pagsugpo ng katiwalian at kahirapan at kung anu-ano pa.Nakakaantok.Kaya hindi ako bumuboto eh.

Natapos na ang last na councilor na nag-speech.Mabuti naman.Tumayo si Harlan at lumapit sa podium.Nagsalita siya.

I don't know what happened.Pero it's as if I am transported to the time when we were still together.Yung mga panahong kami pa noong kolehiyo.

*************************************************

Bitinin ko muna ha!lol^^

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon