2

1.3K 33 5
                                    

(Ara's POV)

Ako ang naatasang tumao sa tindahan namin ngayong hapon.As usual,maraming tambay.Hindi sila yung mga adik sa kanto ha.Yung mga nakasinghot ng rugby ba.hehe.Puro babae nakatambay ngayon.Merong dalaga,May feeling dalaga (bakla o jugels),may dalagang ina,may nanay na at nanay na may anak pero namatay na ang asawa.Meron ding iniwan.Chismosa lang?No..Observant lang talaga ako.

At alam niyo ba kung sino ang topic nila?Tsk.Sino pa eh di si Harlan!Anak ng tinapa!Naririndi na talaga ako.Sikat na talaga ito ngayon.

Kanina sa palengke nang mag-grocery kami ni nanay para sa sari-sari store namin,siya pa rin ang bukambibig.Kesyo ang bait-bait daw niya,matulungin..blah..blah.at guwapo raw.Sige,mabait naman ako eh.Ibibigay ko na sa kanya ang privilege na tawagin siyang guwapo.

Katulad na lang ngayon.Kung makapag-usap ang mga peg ay parang ang layu-layo nila sa isa't isa.

Parang may megaphone lang eh.Kaya naririnig ko.

"Ang bango pa talaga ng binatang yun...Nahalikan ko kanina sa cheeks sa caravan.."sabi pa ni Aling Mina na parang nagde-daydream.Ah isa pala ang Harlan na 'yon sa dahilan kung ba't nabulabog tulog ko kanina.Tss.Kainis!

Eew..ang tanda na kumekerengkeng pa ha.Di niya alam nahalikan ko na yun.At sa lips pa.

Aish...Ano ba!Ba't ko ba inaalala ang nakaraan?

 Sumabat naman ang anak nito na parang kinulang ata sa tela ang damit.Kita na nga ang kaluluwa.

"Ako na siguro ang pinakamagandang dalaga sa buong lungsod kapag naging boypren ko si Harlan."

Dream on Marie!Dream on.Tsk.

Napailing ako.Wala ba magawa mga tao dito at ibang tao ang pinag-uusapan?

Oh ito pa isa...

"Sana man lang anakan niya ako no?"sabi naman ni Jenggay.Kaya siguro naging dalagang ina ito,kung anu-ano isip eh.

"Ay agree..sana ako rin!Hmm..yummy ni papa Harlan."ani Leo este Lea na ngayon.

"Maghulus-dili ka nga kayo...ang tanong nga lang eh,papatulan kaya kayo ni Harlan?"ani Melody.No offense meant pero hindi siya mukhang dalaga.

Napasimangot si Jenggay at Lea habang nagtatawanan naman ang iba.

Sige lang.Magtsismisan kayo!Basta ba bumili lang kayo dito sa store namin.Nagpapasalamat rin naman ako sa kanila.Sa kakadaldal nila,nakakaramdam sila ng gutom.Energy rin ang gini-give off nila eh.Natural,bibili sila ng tinapay o biscuits.At syempre,kailangan ng panulak.Ayan,ang softdrinks namin.Ayos di ba?

"Oy,,si Ara girl pala tumatao ng tindahan nila."ani Leo ESTE Lea.Bumili siya ng softdrinks."Di ba ex mo si Harlan? Pero fiancee niya raw anak ni Governor Belmonte na si Bridgette noon pa man? So ano ang totoo girl?"

Hindi ko siya pinansin.Mataray na kung mataray.Wala akong paki.Alam naman pala magtatanong pa.Tsk..Kanina pa ako dito habang pinag-uusapan nila ex ko,ngayon lang ako napansin? Biglang kumulo dugo ko nang marinig pangalan ni Bridgette. Di pa pala sila kasal?Whatever. Ayokong i-stress self ko. Kaya, dapat alisin sa isip ang naiisip ko ngayon. Disappear! Lol.

"Ara,pabili nga ng tinapay  diyan..at dalawang 12oz softdrinks na rin."ani Aling Mina.Nakigaya rin ang iba pa.

See?May pera sa tsismisan ng iba!hahaha.

Nakakainis lang ngayon dahil ang ugok kong ex ang topic nila.


*********************************

Kakatapos ko lang magsimba.Kayo,nagsimba na ba?^^It's a must!

Kailangan nating pasalamatan ang Maykapal sa lahat ng blessing na natatanggap natin.At syempre,sa mga problema na rin dahil they make us stronger.

Palapit na ako sa bahay namin.

Oh?

Kaninong magarang kotse ang naka-park sa harap ng bahay namin?

Binili ni nanay?Aba rich lang?

O di kaya napalunan niya sa pa-raffle?

Or sa textmate niya kaya at namasyal dito sa bahay?

Pumasok na ako ng gate.Si Ivo yung nagbabantay ng tindahan.Inirapan ko lang siya.Aso't pusa pa rin kami hanggang ngayon.Lakas mang-asar eh.

Siyanga pala.Ang pangalang "Ivo" ay nickname lang niya.Ang full name niya ay Primitivo.Eew.Ang hilig nina nanay at tatay sa mga sinaunang pangalan.As if yung akin hindi no?haha!Barbara nga pala full name ko.

Dumiretso ako sa loob ng bahay.May kausap si nanay sa sala.

Oh NOOOOOOO!!!!!!

Kahit nakatalikod ang lalaking kausap niya,alam kong si Harlan yan!

Ano gagawin ko?Di pa ready ang lola niyo na harapin siyang muli!!!!!

What to do? What to do?

***************************************

I'm beginning to love this story na.haha..Korni ba>?Sige.Comment naman kayo.Vote na rin kapag nagustuhan niyo.

Hi to Miss MargieOnFire!Thanks for adding this story to your RL.^^

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon