44

363 7 1
                                    

Hindi na talaga ako makakamove on nito. Ayaw tumigil ng puso ko sa mabilis na pagatibok habang nakikinig sa speech in Harlan. Ang layo-layo na namin sa stage pero ang lakas pa rin ng epekto niya sa akin.

"Just follow your heart. Do what you love. Pursue things that you want. People's opinion don't matter. So now, I want you to close your eyes and think what you really want. What you desire. What makes your heart race. "

Kahit alam kong para sa mga graduates naman ang sinabi nito, ipinikit ko pa rin ang aking mga mata. I saw Harlan's image. But nah.. kahit di ko ipikit alam kong si Harlan ang iisipin at iisipin ko.

"Now,open your eyes. I assume that you all have thought something or----even someone. I hope you'll be able to achieve the desires of your heart. Once again, congratulations graduates. Thank you. "

I opened my eyes too. Isang masigabong na palakpakan ang tumapos sa speech niya. Sinundan ko ng tingin bawat galas niya. Mula sa pakikipagkamay sa mga taong maroon sa stage hanggang sa makaupo siya. He did become a mayor. I smiled. May magandang naidulot din naman ang paghihiwalay namin. Dahil diyan,tama naman sigurong ang naging desisyon kong pagputol ng ugnayan namin kahit parang ikamatay ko iyon.

"Nak,tara na. Salubungin na natin si Ivo. Do'n sa sinabi niya."ani nanay na nakapagpapitlag sa akin. Masyado na akong engrossed sa pagmumuni-muni na hindi ko namalayan na tapos na pala ang graduation ceremony.

Tumayo na ako at sumunod kay nanay na excited na puntahan na si Ivo.

Nadatnan namin siya na may kausap----si Cynelle. She looked even prettier. No wonder Ivo was smitten by her. Ngumiti ito ng makita kami ni nanay.

"Ate Ara,kamusta? I miss you so much." anito. Nagbeso kami at nagyakapan. Nakipagbeso rin ito kay inay. Ganito rin kaya si Ivo sa mga magulang ni Cynelle?

"Eto,maganda pa rin." nakangisi at pabiro kong sagot.

Natawa ito.

"Ikaw kamusta na? Nagtatrabaho ka na ano?"tanong ko naman sa kanya.

"I'm fine Ate. You could say that I'm working. I am trying to make my business successful."sagot naman nito.

"After graduation last year, nagkabotique siya sa isang sikat na mall Ate. Next month, meron na naman ipapatayong next branch dito sa lungsod natin."proud na paglalahad ni Ivo na ikinangiti no Cynelle. Inakbayan ito ng nobyo.

"Wow. That's great. Bibisita ako sa boutique mo bago ako bumalik ng Korea. "

"Aww. Babalik ka pa pala ng Korea? Akala ko hindi na...Bakit ka pa babalik do'n?"anito na halatang nalungkot.

"Kailangan eh. "sagot ko na lang.

"May lalaking iniiwasan 'yan dito. Kilalang kilala mo nga Yam eh..."ani Ivo. Tiningnan ko siya ng masama.

"Talaga Yam? Sino ba yun?"ani Cynelle na nagmamaangmaangan. "Yam" pa talaga ang tawagan ng mga ito. Alam kong "You are mine. " ibig sabihin niyan.

"Yam-yamin ko kayong dalawa diyan eh. "naiinis na sabi ko at tinalikuran sila."Halina nga kayo. Magdinner na tayo. Nagutom na tuloy ako. "

Tatawa-tawa silang tatlo sa inakto ko. Eh sa nakakainis! Nakakainis dahil to too naman na gusto Kong bumalik ng Korea para di na makita si Harlan.

*******

"Kuya, you're here! "shocked na sabi Cynelle nang dumaan kami sa isang mesa sa isang restaurant. Kahit ako nagulat din na naroon si Harlan. Kumakain na ang mga ito.Base sa mga kasama niyang school personnel at officials, naimbitahan siya magdinner sa mamahaling restaurant na ito. Pero bakit sa dami ng restaurant, dito pa sila? Di ko naman akalain na makikita ko siya rito. Pinili ko lang naman ang lugar na ito dahil may promo for graduates. Pero kahit gano'n, mahal pa rin. Minsan lang naman ito kaya ok lang kahit gano'n. Para naman ito sa kapatid ko.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon