17

927 20 3
                                    

(Ara's POV)

"Mang Dino. Lumiko po tayo."ani Harlan na nakapagpagising sa akin mula sa pagkakaidlip.

And I've realized that I'm leaning on his shoulder. And his right arm were around me. I could smell his familiar masculine scent. Hindi iyon perfume o cologne kundi mula sa sabong ginagamit nito. Si Harlan ang tipo ng lalaking di mahilig maglagay ng perfume. Mukhang ganoon pa rin ang sabong gamit nito. Hindi ko nga lang alam kung anong brand. Ngunit kahit di ito gumagamit ng pabango,nananatiling mabango ito. Oh wait, Why am I discussing his scent when I shouldn't be? At sa halip na magprotesta dahil ito ang nagdidikta kung sa'n kami pupunta, nakatulog pa ako. Arrrghhh.Agad akong kumawala at lumayo sa kanya.

"Oh, you're awake."anitong nakangit na para bang wala lang ang pagkakaunan ko sa balikat niya.

"You---Bakit nakatulog na ako diyan sa---"

"You fell asleep. Mukhang uncomfortable ka dahil nakasandal ka lang diyan sa tabi. I voluntarily offered my shoulder for your comfort."

"Hindi ko naman sinabing gawin mo ah?!"asik ko.Walang pakialam kahit may kasama silang iba sa taxi. Mukhang naaaliw pa si Mang Dino sa amin. Pangiti-ngiti ito.

"Nasaan naman ang puso ko kung pababayaan kita diyan?Nahuhulog ka na kanina.."

"Sana, pinabayaan mo na lang ako!"

May iritasyon na biglang lumarawan sa mukha nito ngunit mahinahon pa ring nagsalita "Pag-aawayan ba natin ito? Big deal ba talagang mahiga ka sa balikat ko? Hindi ba dapat magpasalamat ka na lang dahil di kita hinayaang makatulog diyan?"

Natahimik ako. Pero big deal talaga sa akin 'yon. Kasi naman, naaalala ko ang nakaraan namin. We used to that before. Kapag may mga trips kami o lakad na di niya dala sasakyan niya at magkatabi kaming nakaupo, we would snuggle. Nakakatulog ako sa balikat niya.

"Thank you..."halos pabulong na sabi ko. Di ako tumingin sa kanya.

Narinig ko siyang napabuntung-hininga. Randam ko ring nakatingin siya sa akin."Hindi mo naman kailangan magpasalamat. But anyways, you're welcome."

Katahimikan ulit. In my peripheral vision,itinuon na lang nito ang pansin sa harap.

.Teka?Parang pamilyar sa akin ang tinatahak namin ah. At mas nakumpirma ang hinala ko nang huminto iyon sa pamilyar na gate. Muling naalala ko ang mga masasayang alaala namin sa lugar na ito. Ngunit dito ko rin naranasan ang isa sa pinasakit na nangyari sa buhay ko. Ang lugar na ito ang naging daan para malaman ko ang panloloko ni Harlan.

Di ko namalayan na nakababa na pala ng taxi si Harlan. Pinagbuksan niya ako. Umusal ako ng pasasalamat.

"Mang Dino, tawagan niyo na lang po ako kapag may kailangan kayo."anito at may binigay na card kay Mang Dino. "Nariyan po cellphone number ko.. "

"Ah sige. Salamat, hijo. Pakikamusta na lang ako sa mga magulang mo. Hayaan mo, dadalaw ako sa inyo isa sa mga araw na ito.Teka nga, sino ang susundo sa inyo mamaya. Wala kang kotseng dala ah. Masyadong malayo pa naman ang lugar na 'to..."

" Naiwan ko po sa airport ang kotse ko. Kukunin ko po iyon bukas. Tatawag ako sa kakilala ko doon. Wag po kayong mag-alala. Andiyan po sa loob ang kotse ko noong kolehiyo. Okey pa naman iyon. ."sagot ni Harlan. Napamaang ako. Andiyan pa ang kotse niyang ginagamit namin noon? Ah.Whatever. Baka naman may iba pa siyang kotse maliban doon.

"Ah siya mag-ingat kayo. Aba'y ano ba pinag-aawayan niyo kanina? Wag niyo sanang masamain. Para kasing nangangamoy balikan."nakangising sabi ni Mang Dino.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon