42

303 7 7
                                    

Ara's POV

"Anak k---amusta ka na diyan?Miss ka na--- namin n--ak." masiglang bati ni nanay sa akin. Medyo putol-putol pa dahil sa signal. Malabo pa video.Nagvideo call kasi ito sa akin.

Ngumiti ako at nagsalita. " Ok lang nay. Malamig na talaga rito kaya ang kapal ng suot ko. Ako rin Nay. Miss na kita. Kayo diyan. O, ok na ba lahat ng bayarin no Ivo? Alam no naman...hindi masasama pangalan niya sa list of graduates kapag di nabayaran mga dues."

Sumulpot ang mukha ni Ivo sa video. "Ate, ok na. Salamat ha."anitong kakaway-kaway pa. Nakakamiss din itong mokong.

"Kuu..excited na 'yan! Sana makahanap agad ng trabaho at di na tumambay dito." sabat naman ng ina.

"Nay naman. May board exam pa nga eh. Review pa kami. Chill ka lang. Aasa muna ako sa inyo hangga't di pa ako makahanap ng trabaho."

"Sus. Siguraduhin mo muna makapasa ka ng board."ani nanay. Natutuwa lang ako makita sila kahit papano. Kahit video lang. Kaya kahit mahal, ok lang basta makita ko sila. Kung day off ko, sinisikap ko talaga makausap sila. Minsan, sila naman tumatawag tulad ngayon.

" Kung may kailangan kayo diyan sa bahay, wag Lang mahiya magsabi ha."sabi ko.

"Sige anak. Aba'y pansin ko mas lalo ka nang nagmumukhang Koreana diyan ah. Gumaganda ka. May boyfriend ka na siguro. Sinagot mo na si Yuan?"

"Nay naman. Magkaibigan lang kami. Tsaka wag na natin pag-usapan lovelife ko."saway ko rito. Ayoko lang talaga na I bring up niya mga ganyang bagay. Pupunta na naman kami sa mahabang usapan tungkol sa nakaraan. Hindi pa makamove-on.

Ikaw din naman ah? sabad ng isip ko.

" Ate, alam mo si Kuya Har----"

"Hephep. Ilang ulit ko na sinabi na walang magbabanggit ng kahit ano tungkol sa kanya?"

"Eh kasi---"

"Ivo...yung hinihingi mong sapatos di ko bibilhin kapag itinuloy mo pa yang sasabihin mo."

Napakamot ito sa ulo. Walang nagawa kundi sumunod sa kanya. Napailing ang ina.

"Naku. Hindi pa rin makamove-on. O ngayon, sigurado pa rin akong nagsisisi ka na tinanggihan mo si Harlan. Ilang ulit mong tinanggihan 'yon?"

"Nay. Tama na. Ayoko nang may marinig sa kanya. Tapos na yun. Masaya na siya sa buhay niya."

"At ikaw? Masaya ba?"

"Nay...matutulog na ako. Maaga pa ako bukas." Sabi ko sa halip na sagutin ang tanong niya. Kahit sarili ko ay di ko alam ano isasagot.

"Kuu..ang batang 'to. Wala naman akong hangad kundi ang kasiyahan mo nak. Mag ingat ka diyan."

"Salamat nay. See you next month." Sabi ko. Uuwi na ako ng Pilipinas for a vacation. After four years, makakabalik na rin ako. Siguro kung di lang graduation ni Ivo, di ako magtatangkang bumalik muna.

Kumaway ako at ngumiti kay nanay kahit papano. Nawala na si Ivo sa video kanina pa. Marahil ay nagmeet na naman sila ni Cynelle. Tama talaga ang hinala ko na gusto nila ang isa't isa. Magkasintahan na sila ngayon. Siyanga pala, may girlfriend na rin si Yuan. Filipina. Pareho kaming Nagtuturo ng English dito sa Korea sa isang public elementary school. Ang cute ng love story ng dalawang 'yon..Naalala niyo ang babaeng noon sa mall na nanindigan talaga na si Yuan nga ay si Yuan? Yung pinapatanggal pa talaga shades ng huli? Siya si Fiona , ang number one fan ni Yuan. Possible naman talaga na magkatuluyan ang fan at ang iniidolo niya di ba? And speaking of her,dumungaw

"Ara, pahiram ako ng Beanie hat mo mamaya ah? May date kami ni Yuan. Pangdesguise lang."anito at ngumisi. Tumango ako pero nakangisi na nangangantyaw. Pumasok na ulitbl ito sa banyo. Ang tagal pa naman ng babaeng 'yan kung makapagbanyo. Anyways, masaya ako sa kanya na nakuha rin niya si Yuan. Dati, ayaw na ayaw ng binata rito dahil masyado raw maingay. At hayagan ang pagkakagusto rito. Ayaw nito na ang babae any masyadong aggressive when it comes to pursuing someone. Somehow, may naitulong din naman ako sa katuparan ng pag-ibig nilang dalawa. Nakikita ko naman na bagay sila. Na kailangan nila ang isa't isa. Ang galing kong magmatchmake pero ang sarili kong love life ko sira. Kasalanan ko naman. Hindi ako nanatili sa tabi no Harlan. I didn't fight for him like he fought for me. Pero maganda naman ang kinalabasan ng pag-alis ko sa tabi niya. Mas successful na siya sa political career niya. Mayor na siya ng lungsod namin. Nanalo siya noong election. Naalis siya bilang suspek sa pagpatay kay Myra. It turned out na si Marcus pala ang may pakana ng lahat. Nakakalungkot na may mga taong kayang gumawa ng masama para lang sa pulitika. At ang tungkol sa problema nito kay Bridgette? Di na ako nakibalita. Pero sabi ni nanay, magkasama raw ito at si Harlan. May anak na kasi ang mga ito. Wala naman sinabi na nagpakasal pero do'n na rin ang punta no'n di ba?

Napabuntung hininga ako. Ano kaya ang nangyari kung pumayag ako no'ng gabing 'yon na magpakasal kami? Once again, I was transported that night---a night that keeps on haunting me for the past years.

(FLASHBACK)

Tiningnan ko lang ang nakalahad niyang kamay. It was tempting to reach it. Gaano ko man kagusto na tanggapin, hindi pwede. The situation will be better if I won't take his hand.

Tumayo ako. I mustered all the courage not to cry. Kailangan ko naman gawin ito para sa ikakabuti ng lahat.

Muli, ay nakita ko pagguhit ng takot sa mukha ni Harlan. This guy loves me so much. I love him too. Ngunit sa sitwasyon namin, kailangan naming isantabi ang pagmamahalan namin. It will be better that way.

"Let's just stop Harlan..."

There. I said it.

Di ko na makita ang takot na nakalarawan sa mukha niya kanina. Seryoso na itong nakatingin sa akin. I hate it.

"Stop what?"

" All of this. Us."sagot ko at matapang na tiningnan siya sa mata. Ayokong umiyak baka malaman niya na labag sa loob itong gagawin ko.

Ilang sandali itong natahimik bago nagsalita. "How could you say that so easily?" he said in an icy cold voice.

"I don't want to be with you anymore. I want to be happy."

"Then let's get married. Ito na nga o. Pupunta sana tayo ngayon kay Tito..But now, all of the sudden, you just said to stop?"

I was shocked. Seriously? Pero ayokong bawiin ang mga sinabi ko. Paninindigan ko.

"Do you think we will be happy after we got married. Think again Harlan. "

"So, you want to stop because you're not happy? Akala ko ok lang sa'yo? That we're fine with this for now?"anito in an almost shout tone of voice.

"I want more than this Harlan... Gusto kong ipakilala mo ako sa lahat. Gusto kong magustuhan ako ng daddy mo. I want us to be a normal couple. Hindi yong ganito na kailangan pa nating lumayo sa mga mata ng tao. You only cared for yourself. Hindi mo ako iniisip."

Natahimik siya. Ok lang naman talaga sa akin ang lahat. Sinabi ko lang naman mga 'yan para may masabi lang na mga rason. Knowing Harlan, di niya ako papakawalan ng gano'n ganon na lang. I have to say those kind of things. If possible, I have to throw hurtful words.

Ilang sandali pa ang nakalipas na nanatili lang kaming nakatitig sa isa't isa bago ito nagsalita.

"Fine. Let's stop. Let's end this so you can you can finally be happy. "anito at tinalikuran na ako.

I was dying to hear those words so he can finally let me go but why is my heart feels like being shattered? Akala ko, di talaga siya papayag. Siguro, mabuti na rin ito para di rin magbago isip ko. Kasi kung nagmatigas pa siya, baka bawiin ko any desisyon ko at magpapakasal ako sa kanya.

"Hintayin mo so Mang Dino. Ipapasundo kita sa kanya."

*********

And that how everything ended. Di ko alam kung saan siya pumunta. I didn't even bother to ask. Wala na akong karapatan. So 'yon, sinundo ako ni Mang Dino ng taxi niya at hinatid sa bahay namin. Wala akong ginawa kundi magkulong sa kuwarto ko. Iyak lang ng iyak hanggang wala na akong maiiyak. Alam na rin siguro nina nanay ang nangyari kaya di na rin nagtanong pa. Hinahatiran lang nila ako ng pagkain sa kuwarto ko. Kinain ko naman. Di ko pa kaya mamatay. Ayaw ko Lang may makausap na iba. Gusto ko lang mapag-isa. Nagdecide ako magpaKorea Para magsimula ng bago. Pero heto, wala pa ring pinagbago. Ang hirap talaga pilitin ang sarili magmove on.

Darating pa ba ang panahon na hindi ko na mahal si Harlan?

★★★★★
HELLO GUYS! Yan na muna update ko. May idudugtong pa ako. :) Salamat sa mga matiyagang nagbabasa pa nito ..:) 😍

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon