41

311 13 2
                                    

( Ara's POV)

I rode his car as soon as possible.Inalagay ko muna ang mga dala ko sa backseat. Tiningan niya lang iyon at hindi na nagtanong pa na pabor sa akin. Ayokong nagtatanong-tanong siya ngayon. Then, I gave him a peck on and hugged him tight. Bumitaw ako sa pagkakayakap sa kanya. Then I smiled at him widely. Kanina, inayos ko muna ang sarili ko bago pa niya ako makita. I pretended to be happy and as if nothing was going on in my mind. Ngayon ko masasabi na nag-improve acting skill ko.

"Miss me that much huh?"amused nitong tanong. Nakangiti ito pero alam kong masyado stressed ito sa pagiging busy at sa mga nangyayari sa personal na buhay nito.

Tumango-tango ako. "Sobra. Sobra."

He crossed the distance between us and gave me a gentle kiss on my lips.

"I miss you too. Ang pagkamiss ko sa'yo 1000 times mahigit."anitong ngumisi pagkatapos ng halik na iginawad niya sa akin.

"Aba. Eh magkausap na tayo ngayon ah. Nasilayan mo na ang maganda kong mukha."sabi ko naman sa kanya. Giving my sweetest smile.

He laughed amusingly. "Kahit na. Alis na nga tayo. Baka lumakas ang hangin at malipad pa tayo."

Napatawa na rin ako." Well. Maganda naman talaga ako ah."

"Sinabi ko bang hindi?"

I reached out for his face. Sinipat ang bahagi na sinampal ng ama niya. "What happened to this?Namumula. Di naman pwede nagblush ka lang sa kabilang pisngi."pagmamaang-maangan ko.

Kinuha niya ang kamay ko at nilaro-laro."Nakatulog ako sa desk ko kanina. Ang tagal mo kasi. Di ka naman pala darating."pagsisinungaling nito. Pinigil ko ang sarili na magsalita. Ayokong malaman niya na alam ko ang nangyari.

"Tara na nga. "anito at pinaandar na ang sasakyan.

"SO ano ang gagawin natin dito?"ani Harlan nang makarating na kami sa secret place.

"Let's have a camping!"excited na sabi ko.

Nangunot ang noo niya. "Camping?"

Napatango-tango ako. " Wag mo sabihing di mo alam yun? Nagboyscout ka for sure."

"May tent ka ba dito?"tanong ko sa kanya kapagkuwan.

"I'm not sure."anito at tinungo ang isang kuwarto dun. Sumunod naman ako. Parang bodega iyon. Ang dami kasing gamit. Yung mga di pa nagagamit. Mga furniture, home decors at kung anu-ano pa.

"Wow.  Pinamili mo lahat to?"

"Oo. Kung gusto kong palitan ang ayos ng lugar na ito, ayan. May pampalit ako."

May mga karton itong tiningnan. Sana nga may tent. Di kumpleto ang camping kapag wala no'n.

"Walang tent."anito maya-maya pagkatapos tingnan ang lahat ng karton na nandun. Bigla naman akong nalungkot. Pa'no na? Mas maganda talaga kapag may tent.

"O smile ka na diyan. I can improvise. Boyscout ata to no."anitong proud nang makita sigurong nalungkot ako. May kinuha ito sa isang karton. He unfolded it then folded it again.Di ko alam kung ano ang eksaktong tawag diyan. Yung ginagamit para sa tolda. Puwede na para sa tent. Hinawakan niya ako at hinila palabas. Nakarating kami sa parte ng lugar na puwedeng tayuan ng tent. Open field at nakalatag ang mga luntiang damong bermuda. Mga alas singko pa lang ng hapon kaya't medyo maliwanag pa.

"Tapos, anong gagawin mo diyan?"tanong ko sa kanya.

"Tent nga. Wait lang. May kukunin ako."

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon