(Ara's POV)
Isang masigabong na palakpakan ang sumalubong kay Yuan pagkatapos niyang kumanta. Siyempre, pumalakpak din ako. Effort yun in his part. Nakakataba ng puso. Naiinis ako sa sarili ko dahil di ko maibaling ang damdamin ko para sa ibang lalaki. Andiyan si Yuan. He's quite a good catch.
"Eh hindi nga natuturuan ang puso. Ano ka ba?!" a voice inside me said once again.
"Oo. Alam ko 'yon. Pero, nakakainis ang ganoon. Ako ang kawawa. I deserve to be happy too. Sana may gamot na makakapagpabago ng tibok ng puso at nang si Yuan na lang ang ititibok nito." I said to myself. Ok. Baliw na talaga ako at kinakausap ang aking sarili.Tsk. Ba't ba ang drama ang takbo ng love life ko?Kainis.
"Wow, hijo. Ang galing mo pala talagang kumanta. Medyo nagulat nga ako kanina nang sinabi ni Bridgette na singer ka sa Korea." sabi ni nanay nang makabalik na sa mesa namin si Yuan. No comment naman si Ivo at patuloy lang sa pagkain.
Ngumiti naman si Yuan. "Salamat po."
Well, totoo naman talagang magaling .siyang kumanta. Sisikat ba 'yan sa Korea kung hindi?Idagdag pa ang kaguwapuhan at karismang taglay nito. Kahit di ako magsurvey, obvious na mas maraming fans itong babae at binabae kesa mga lalaki.
"Yuan, salamat. Pero, di ko naman sinabi na doon ka kumanta eh."
He pinched my cheek. "Eh,tapos na.May magagawa ka pa ba?"
Napasimangot ako. "Sabi ko nga wala."
Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. Sumusubo ako kahit wala akong gana.Pero maya-maya ay nakaramdam ako ng tawag ng CR (parang maiihi ako).
"CR lang ako ha..."paalam ko sa kanila.
Asa'n nga ba ang CR nila dito?Yung para sa guests.Matanong nga ang isa sa mga waiter.
"Excuse me, nasaan ba CR nila dito?"
"Ay ma'am sa loob po ng bahay nila eh...Pumasok na lang kayo dun."sagot ng napagtanungan ko.
"Ah sige. Salamat. "
Siyempre, nagtungo ako sa loob ng bahay nila. May ilang bisita naman na pumapasok eh. Hahanapin ko na lang ang banyo rito. Naiihi na kasi talaga ako.
In fairness, ang ganda talaga ng bahay nila. Ang elegante ng ng dating. Nasa sala ako ngayon at napahinto muna dahil sa pagkamangha. Pagtingala ko ay may malaking chandelier na nakasabit. Ang ganda. At basi sa nakikita ko, mamahalin talaga. Wala na akong ma-say. Ang yaman talaga ng mga Crisostomo.
Hinanap ko ang sadya ko. Mabuti naman at nakita ko. Eh kasi may lumabas na babae roon kaya pinuntahan ko. Tsk. Pati banyo ay elegante ang dating. Ang lapad. Pwedeng-pwede tulugan. :))
Mabilis akong umihi para gumaan pakiramdam ko.
Pagkatapos ay tumingin sa salamin na naroon. Hmm. Ang ganda ko talaga. Wag kayong umangal. Pumayag kayo. Masakit heart ko ngayon. Kailangan kong maging masaya. Ngumiti ako. Pero hindi maipagkakaila na di umabot 'yon sa aking mga mata.
Ipinasya ko na lang na lumabas na.Pagkatapos ng gabing ito, kakalimutan ko na talaga si Harlan. Isasaksak sa kukote ko na meron na siyang iba. Na simula pa lang walang "Ara at Harlan".
"Are you enjoying the night?"
Napalingon ako at napahinto sa tinig na iyon. Liliko na sana ako para makarating sa sala ng bahay.
Ang sinabi ko sa sarili na kakalimutan ko ay nasa harap ko ngayon. At nagpabilis na naman iyon ng pagrigodon ng aking puso. Pero, kailangan kong kontrolin.Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Para for the last time ay matitigan ko naman siya.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...