(Ara's POV)
Mahal ko siya.Mahal niya ako. Mahal pa rin namin ang isa't isa hanggang ngayon.
Hindi ba dapat masayang-masaya ako? Pero hindi ganyan ang nadarama ko. May konting saya ngunit lamang talaga ang kalungkutan. Nagmamahalan nga kayo pero ano? Hindi niyo naman malayang ipakita at ipagsigawan sa lahat. So, ano na pagkatapos nito? Pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan na tila ba doon ko mahahanap ang sagot sa sarili kong tanong.
Maya-maya, naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa aking likod. Alam ko siyempreng si Harlan. His hands snaked around my waist. Nakatayo ako sa glass door. "Ang lalim ng iniisip natin ah?"sabi nito. Nakatungtong ang ulo sa balikat ko.
"I was just thinking about us. How are we supposed to act after this?"
I felt him stiffened. Marahil, di niya naisip ang tanong na iyon. Humiwalay siya ng yakap sa akin. Humarap ako.
"Harlan, don't take me wrong. I understand the situation.Masaya naman ako dahil mayroon pa rin pala akong matatawag na tayo.Pero di ko talaga maiwasang malungkot."
Pinigil ko ang bugso ng aking damdamin. Baka maiyak na lang ako rito bigla.
He hugged me. Gumanti na rin ako. Namiss ko ang mga ganito. "I'm sorry for making you feel like that...I----"
"Hush..."I interrupted him. "You don't have to apologize. Naiintindihan kita. Naiintindihan ko ang sitwasyon... "
I freed myself from his hug. I reached for his hands. I gave him a smile . "Besides, pagkatapos ng eleksiyon, magiging maayos na di ba?"
Ngumiti lang ito bilang sagot.
********************************
"Here we are..."Harlan whispered as if in agony.He didn't look at me. Ayaw niya sigurong makita ko ang paghihirap niya tulad rin ng bigat na nadarama ko ngayon.Narito na kami ngayon sa harap ng bahay namin. Ibig sabihin, simula na ng paghihirap. Nag-usap kami habang pauwi na magpanggap muna. Ibig sabihin, di namin ipapaalam kahit sino ang tungkol sa amin. And that even includes our family. Iniisip ko pa lang, ang hirap na. We would act as if nothing is between us.
Imagine ignoring the one you love and at the same time the one who loves you. Parusa.Tuesday na ngayon. Kahapon kasi, malakas pa rin ang ulan. Kaya di kami makaalis pauwi. So, we just stayed there. Guess what kung ano ginawa namin? Ahem. Kayo ha, 'wag green.Nagbonding lang kami. Hanggang halik at yakap lang. Tsaka nag-usap lang kami ng mga bagay-bagay. As much as possible, we avoided about his dilemma, our dilemma.Siyempre kung apektado siya, ganun din ako.
At kanina dahil medyo sumikat na ang araw, eh nagyaya na akong makauwi. Dalawang araw na kasi akong absent sa language center na pinapasukan ko. Sinakyan namin ang kotse niya nang nasa kolehiyo pa lang kami. Harlan didn't dispose it because this was the first car that he purchased using his own money. Isa pa raw, ako ang madalas niyang isakay noon. It brings back our memories everytime he sees it. Di ko maiwasang kiligin.
Nagkatinginan kami. I think we mirrored each other's faces.
"So,paano ba 'yan mauna na ako..."I said smiling weakly.
He stared at me a little longer before he spoke. "Ingat ka..."
"Ikaw din..."ganti ko kahit ayoko pa talaga bumaba. Kung puwede lang tumakas kami at magpakalayu-layo.
Deafening silence. Nanatili lang kaming nakatingin sa isa't isa. Maya-maya ay inabot niya ang aking mukha. And a kiss happened. It felt like a goodbye kiss for me. Ilang sandali ring nanatili kaming magkayakap pagkatapos ng halik na pinagsaluhan namin.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...