ARA'S POV
"So, kamusta ang kaso ni Myra? Suspek ka pa rin ba?" I asked Harlan. Kasalukuyan kaming nakasakay sa hammock malapit sa cottage namin. Pabalang kaming nakasakay sa duyan kaya sumasayad na rin mga paa namin sa buhangin. Nakaunan ako sa braso niya. Snuggling close to his chest. Naririnig ko ang pagtibok ng puso niya. This is heaven.
May maliit na ilaw na nagsisilbing liwanag sa kinaroroonan ng hammock. Nakaharap ito sa dagat. Malayo-layo sa isa't isa ang mga cottage rito kaya may privacy. Malayo na rin ang side ng dagat na maraming naliligo. Maliban sa dagat, may mga swimming pools sa resort. Bukas na lang daw kami magsiswimming.
"Change topic please. We are here to relax remember? Don't worry. I hired someone to help me with this."anitong nakapikit pa rin. Medyo nakatingala ako sa kanya kaya kita ko ang mukha niya. Wala man lang bakas na may problema ito. He looked peaceful. Hindi ko lang naman maiwasan magtanong. Gusto ko lang alamin mga latest sa buhay niya.
"Hey, stop staring at me. Nakakailang."he said and smiled. Nakabukas ang isang mata nito.
"Ang guwapo mo kasi." I said and gave him a peck on his lips. This time he opened his both eyes. He was amused.
"Ngayon mo lang sinabi na guwapo ako ah?"
Tumango ako. " Kahit di ko sabihin, alam mo namang guwapo ka di ba?"
"Pero iba pa rin siyempre ang nanggaling sa'yo. Thank you."anito at ginaya rin ang ginawa ko. He kissed me quick on my lips. Napalabi ako. Gaya-gaya.
He chuckled.
"Wag kang maooffend. Baka nga ang mga voters mo puro babae lang. Binoto ka lang dahil guwapo ka."sabi ko. Pero siyempre, nagbibiro lang ako.
"FYI. Hindi lang puro babae kaya, may mga binabae pa na nahuhumaling sa akin, mga tomboy na naging babae ulit nang masilayan ako at tsaka mga lalaking naging binabae nang makausap ako. And that's all because guwapo ako."nakangising sabi niya.
"Aba, aba. Joke niyo ba yan Vice Mayor Harlan Crisostomo? Tatawa na ba ako? Ha.ha.ha."
He pinched my nose. "Barbz, you're pretty cute. That's all."
"Yun lang?"
"And many to mention. So please,just lay there and savor this moment. I just wanna hold you. I couldn't do this when we get back there."
I snuggled back at him. Yes. "There", we we would go back again pretending. Magpanggap na walang kami. I felt a prick in my heart.
*******
"Pare! Long time no see!"ani Harlan at niyakap ang lalaking kasing edad lang yata nito. But Harlan had an asian features while the other had western ones. This must be Jedric. May kasama itong babae na marahil asawa nga nito. Harlan was right. In fact, she was the most gorgeous pregnant woman I had ever seen. Ano nga pangalan nito? Tricia? Trina? Ah. Trixie.
"Ikaw kasi, masyado ka nang nainlove sa pulitika kaya di mo na nagawang magpakita sa akin pagkatapos ng---."ani Jedric ngunit biglang natigilan nang lumampas ang paningin nito at nakita ako.
"Ooh, Si Ara na ba yan?Am I right?"anito kay Harlan.
"Yeah. She's Ara."segunda naman ni Harlan. Nilingon ako at inabot. Kapagkuwan ay inakbayan.
"Barbz, meet Jedric. My long lost bestfriend."pagpapakilala nito.
"Well, nice to finally meet you Harlan's long lost love."ani Jedric. He offered his hand for a handshake which I accepted.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...