15

997 20 0
                                    

(Ara's POV)

Umuwi na ako sa bahay. Yuan will be leaving later. Magsa-suggest akong sasama sa paghatid sa kanya sa airport bilang pasasalamat na lang sa pagpapanggap nito bilang kasintahan ko. Hindi ako makapaniwala na totoong mahal niya ako.Hai.Ngunit friendship lang talaga ang maisusukli ko para sa kanya.

"Nay, si Yuan po, nasaan?"bungad ko kay nanay na nasa sala namin. Nagmano ako sa kanya. Nagtutupi ng mga damit namin.

"O, Ara, andiyan ka na pala. Eh andun siya sa loob ng kuwarto niya. Aba'y aalis na pala ang batang 'yon?"

"Opo Nay eh. Wala raw siyang magagawa dahil tinawagan siya ng manager niya."

"Ganoon ba?Akala ko magtatagal pa iyang kasintahan mo rito. Ang saya ring kausap ng binatang iyan. Ay nga pala, bakit ka kinausap ni Mrs. Crisostomo?Nabanggit kasi ni Yuan kanina na sumama ka raw kay Harlan dahil kakausapin ka raw ng mommy niya?"

Ikinuwento niya rito kung bakit kinausap siya ng ina ni Harlan."So, pumayag ka naman ba?"tanong nito.

Tumango siya.

"Eh parang di naman ata bukal sa loob ang pagpayag mo sa alok niya?Tingnan mo mukha mo. Bakit?May problema ba sa inaalok nito?"

Pinigil ko ang mapangiwi. Nanay ko talaga ito. Alam na alam kung may kakaiba sa akin. Pero nuncang sasabihin ko sa kanyang malaki talaga ang problema. Na ako na siyang anak niya ay umiibig pa rin sa kay Harlan. At di totoo ang relasyon naman ni Yuan. Baka kawawa ako nito mamaya kapag nalaman niya. Sukat ba namang nagsinungaling ako sa kanya.

"Wala po 'Nay. Pagod lang ako kaya kung anu-ano ang nakikita niyo sa mukha ko. Sige po. Maiwan ko na po muna kayo. Kailangan pang magkausap kami ni Yuan."sa halip ay sabi ko kapagkuwan ay tinungo ang kuwarto ni Yuan.

Nakaawang ang pinto nito. May kausap ito sa cellphone gamit. Manager siguro nito.He's speaking in Hangul. Di ko naman maintindihan dahil basic lang ang alam ko. Iyong "Annyeong" (hello),Mianhamnida (Sorry), at iba pang madali lang salitain.Kaya English lang ang gamit kong lenggwahe kapag nagko-converse sa Korea. At mga nakakausap ko roon ay yaong mga Koreanong di pa fluent sa English. Minsan lang akong makatagpo ng mga Koreanong magaling talaga mag-English. Kaya bilib talaga ako sa ating mga Pilipino. Maraming Koreans ang naglipana sa bansa para matuto ng Ingles. At isa ring konsiderasyon na mura ang bayad dito. At talo pa natin ang mga Kano na kung tutuusin, kanila ang lenggwaheng yun. Kaya, proud talaga ako na isa akong Pilipino! Bow!

Kumatok ako nang makitang tapos na si Yuan sa pakikipag-usap.

Ngumiti ito nang makita ako. "Manager mo?"tanong ko sa kanya.

"Yeah. Tinatanong kung nasaan na ako. Kaya, I really need to go. Hinintay lang talaga kita."sabi nito at kinuha ang maleta nito.

"Wala ka na bang naiwan? Yung toothbrush mo? O di kaya yung tuwalyo mo?"sabi ko sa kawalan ng masabi. Eh kasi, Hindi ko magawang magsabi ng paalam. I hate goodbyes.

Natawa ito. " Kung maiwan ko man mga 'yan dito, makakabili pa rin ako ng mga 'yan sa Korea. Mapapalitan. May maiiwan talaga dito na hindi ko puwede mabili o makita sa Korea o kahit saan man. At 'yun ang nagpapalungkot sa pag-alis ko."

"At ano naman 'yon aber?"

Sumeryoso ito at tinitigan siya. "Ikaw. Of course, I can't buy you. You're priceless. At kahit suyurin ko pa ang buong mundo, nag-iisa ka lang. Walang katulad. Walang kapareho."

Teary-eyed naman ako sa madamdaming pahayag niya. Hai.Sana.Sana.. "Stop being like that Yuan! Pinapaiyak mo naman ako eh.Hindi ka man makakahanap ng tulad ko, makakatagpo ka rin ng babaeng hihigit pa sa akin. Trust me."

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon