25

657 22 6
                                    

(Ara's POV)

"Annyeong Miss Ara!"anang isang Koreana na nakasalubong ko nang ako'y papasok sa language center na pinapasukan ko. Gumanti rin ako ng "Annyeong" at nginitian ito. Actually, estudyante ko siya. Kaso, mamayang hapon pa ang schedule ko na turuan siya at ang dalawang kasama niyang Koreana. Sa ngayon, tatlo rin ang tuturuan ko. Isang Koreano at dalawang Koreana.

Dumaan muna ako sa office kung saan kami nagta-time in. Doon din ang opisina ng may-ari na si Mrs. Lena Sung. Siya ang hands-on na nagmamanage sa language center na ito. Pure Filipino siya at nakapag-asawa ng negosyanteng Koreano.

Actually, nakilala ko siya noon sa Korea at nagtuturo rin ngunit umuwi ito agad nang mag-iisang linggo pa lang ako roon. Magpapakasal na raw kasi ito at magtatayo ng negosyo na ang naturang language center nga. Nang umuwi ako rito sa bansa ay nagkasalubong kami isang araw at inalok akong magturo rito. At dahil wala na akong balak bumalik sa Korea, tinanggap ko ang alok niya. Maganda naman ang language center nila. Mabuti ang kalidad ng pagtuturo. Maraming Koreans ang dumadayo pa rito. Meron ding mga Japanese at Taiwanese. Pagkatapos ng tatlong Koreans, may dalawang Japanese pa akong tuturuan. Bale, isa at kalahating oras every session. Sa hapon, dalawang session din. Yung tatlong Koreans sa unang sesyon at dalawang Taiwanese sa second session.

"Ara, andiyan ka na pala..."bungad ni Lena sa akin at nakipagbeso. Naging close kami nang magsimula na akong magtrabaho rito. Nagtanong nga iyan kung ba't absent ako ng dalawang araw. Nagdahilan na lang ako na may emergency akong pinuntahan. Ayokong sabihin ang totoo kahit pa close ko na rin siya. Alam niyo na. Tutuksuhin ako ng isang to at pauulanan ng napakaraming tanong.

" Good morning. O, mukhang hinihintay mo talaga ako ah?" sabi ko at nagtime in na. May 20 minutes pa ako para makipagchika rito. 8:30 pa simula ng session ko.

"Oo, eh may iaalok ako sa'yo. Online tutorial ."

"Online tutorial? Masyado na akong loaded sa mga tinuturuan ko rito eh. "

" Eh, sa gabi lang naman. May laptop ka naman di ba, at may wifi sa bahay niyo?"

Tumango ako. Pero, di ko na kailangang dumagdag ng part time. May part time na ako tuwing Sabado eh.

"Eh, pwede bang ialok mo na lang sa ibang teachers iyan dito?"

"Ara, di puwede eh. Ikaw talaga kasi gusto eh."

Napataas kilay ko. "Ako? At paano naman nalaman ng taong iyon ang tungkol sa akin?Kilala niya ako?"

"Eh di ba may website tayo at nakalagay mga pictures niyo roon? Ikaw siguro natipuhan niya roon."

"Natipuhan? Bakit ?Lalaki ba?"tanong ko. Aba, maganda ata ang lola niyong 'to.lol

"Hindi. Babae. Wait, I'll get her printed online application form."anito at tumalikod para kunin ang tinutukoy nito.

Eh?Babae? Baka tomboy at natipuhan ako? Joke lang. Baka naman may kaibigan siyang tinuturuan ko rito at ako'y inirekomenda.

"Here."tinanggap ko ang inabot niya.

"Shin Nah Oh. "basa ko sa pangalan niya. Any guess kung ano apelyido niya? You got it right if your answer is "Oh". Koreana eh. Nakabase pala siya sa Seoul kaya nagpapa-online English tutorial. At yeah. Ang ganda niya! Para siyang artista. Pramis! Mukhang ako ata ang matotomboy dito. Pero, joke lang. I am a true woman. Specifically, Harlan's woman. :D

"So ano? Tatanggapin mo ba?"

"Do I have a choice? As in hindi siya marunong mag-English?"

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon