(Ara's POV)
"What are you doing here?"tanong ni Harlan nang makaalis na ang mga pulis. Nawala ang ngiti ko I was hurt by the way he questioned me. Para bang isang kasalanan ang pagpunta ko rito.
"Bakit pupunta ka sa presinto?"tanong ko sa halip na sagutin tanong niya.
"Pinapapunta ako. So, ikaw, ba't ka narito?"he said. Seryoso pa rin ito. Gusto kong mainis.
"Masama ba? Bawal ba?"
"Alam mo namang mahirap na may makakita sa'yo rito eh. Mabuko pa tayo."mahinang sabi nito ngunit madiin. He had that look on his face that was annoying me.
"Ma'am, pasok na raw po kayo sabi niya."sabi ng guard na nakapagpigil sa akma kong pagsasalita. Nakakainis si Harlan ngayon. Pramis. Napaka-grumpy niya. Kung tratuhin niya ako parang walang namamagitan sa amin.
"Salamat po."sabi ko sa guard at muling pumasok ito. Binalingan ko uli si Harlan. "Kung iniisip mong ikaw ang pinunta ko rito, nagkakamali ka."sabi ko. Irritated.
Tinalikuran ko siya at pumasok ngunit nakita ko pa siyang napahilamos sa mukha niya.
Siguradong may problema ito. Pero,ang ibunton sa akin? Hindi iyon katanggap-tanggap. Kung sana, sabihin niya sa akin ang problema niya no? Baka matulungan ko pa siya.
Tuluyan na akong pumasok sa kanila. Bahala siya diyan. As usual, nakaabang ang mommy niya sa akin. Nakipagbeso-beso ito sa akin.
"It was a surprise hija. Akala ko, sa Sabado ka pa pupunta rito eh."
Ngumiti ako. "Gusto ko lang po makilala si Yuri. Para naman sa Sabado, di na siya mailang sa akin."
Nagulat ito. Nagtaka siguro kung ba't alam ko. Ang tanga ko. Di nag-iisip. Malamang magtatanong ito kung paano ko nalaman. Alangan namang sabihin ko na mula kay Harlan. Eh di, magtataka siya kung pa'no kami nagkausap ng anak niya. "You knew that Yuri is already here? How come?"
"Sinabi ko po sa kanya..."
Napalingon ako. Siyempre si Harlan ang nakita ko. Pinandilatan ko siya. "Niyaya ko po talaga siyang pumunta rito para makilala si Yuri."dugtong nito.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...