(Ara's POV)
"What do you think?"tanong niya rin maya-maya sa halip na sagutin ang tanong ko.
Parang gusto ko siyang pektusan tuloy. "Harlan, anong tingin mo sa akin? Manghuhula?!"
Ngumiti ito. Oh please. He shouldn't. Nakakamatay ngiti niya. Ngunit ilang sandali ay unti-unti itong sumeryoso.
"She's my fiancee..."he said as if in a whispher but loud enough so I could hear it.
"What?!"bulalas ko. Naguguluhan ako. Nagpapanggap sila dahil fiancee niya ito?
Napabuntung hininga ito. " I'm running as a mayor for the upcoming election ..."
"So, anong relate?"
"Fiancee ko siya. But not in the real sense. Nagpapanggap lang kami. Bridgette's father will resort to something if I wouldn't marry her. Alam mo namang malakas ang impluwensya ng gobernador sa probinsiya."
"Bakit naman gusto ka niyang ipakasal kay Bridgette?Something evil? Ano naman iyon? Nagpapanggap? How come? So, nagkausap kayo ni Bridgette na magpanggap kayo?"
"Whoa! Ang dami mong tanong.I'll answer the questions one at a time.First, bakit ako gustong ipakasal kay Bridgette?It's for her sake that could affect me if I won't do it.As I've said, malakas impluwensiya ni Governor Belmonte hindi lang sa probinsiya kung hindi dito rin sa lungsod. He will stain my name. He will mar my reputation. And I couldn't let that happen , not until the election is over. Malakas pa man din ang kalaban ko."
"Ang sama naman niya. Pero, bakit matatakot ka? May baho ka bang itinatago? Bridgette's sake? Parang alam ko na, patay na patay talaga siya sa'yo ah?At sino bang kalaban mo? Mas guwapo pa ba 'yon kaysa sa iyo?"
Natawa ito. Marahil sa huling sinabi ko. "Kahit alam ko sa sarili ko na wala akong itinatago na ikakasama ko, gagawa ng paraan ang gobernador para magkaroon ako. He loved his only daughter so much that he could never deny her even the most ridiculous request. Kinausap ko si Bridgette. I found out na siya ang pumilit sa ama niya ipakasal ako sa kanya. Hindi siya nahiya umamin na kahit ano gagawin niya magkatuluyan lang kami."
Napamaang ako. Grabe naman ang pagkamasokista ni Bridgette.Wala na ngang gusto si Harlan sa kanya, ipinagpipilitan pa rin sarili niya. Gagawin pa ang lahat para mapasakanya ito. Siguro, gano'n lang talaga kapag nagmamahal. Hindi ko pa rin maiwasang makadama ng selos kahit nagpapanggap lang sila ni Harlan. Pero, napanatag na loob ko. Akala ko pa naman talagang sila. Nakakainis ang Bridgette na 'yan. Hadlang siya sa pagmamahalan namin ni Harlan.
"It appeared to me as a blackmail and Bridgette is very much inlove with you."
"Yeah. Whatever you call it. In love? I don't think so. Nacha-challenge lang siya sa akin dahil hindi niya ako makuha-kuha. She is not in love with me like she claimed."
"Paano ka naman nakakasiguradong di siya in love sa iyo?"
"Well, she almost got everything----a pretty face, a body like a model, money, kilalang pamilya, her dream job. But not a partner. Andaming relasyon na pinasukan niya. Walang nagtagal."
"So pinagbigyan mo na lang siya sa pag-asang susuko rin sa'yo? "
" Hindi naman sa pinagbigyan. Alam nina mommy at daddy ang tungkol sa panba-blackmail ng gobernador sa akin kaya hinikayat nila akong pakitunguhan ng mabuti si Bridgette. Nangyari ang engagement. Kinausap ko si Bridgette na hindi bukal sa loob ang pagpayag ko at kakawala ako sa engagement pagkatapos ng eleksyon. Hindi siya tumutol sa pagtataka ko. Instead, nakiusap na magpanggap na lang muna kami.Naging mas pabor sa akin ang pagpapanggap ng dumating ka dahil gusto kitang pagselosin ngunit ako ang talagang nagselos."
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...