(Ara's POV)
"Paano? May ebidensya ba siya na ginawa mo nga?"tanong ko.
" Ang kotseng gamit ko nang araw na hinatid ko si Bridgette at naiwan ko sa airport ay na kay Myra. Natagpuan siya sa loob no'n na walang saplot at wala nang buhay. Sinakal siya ng kung sino. Nang araw na umuwi tayo, 'yan ang balitang bumungad sa akin sa bahay."
I was shocked. Nakakaawa naman. "So dahil lang sa kotse mo, ikaw na ang suspek? Paano naman napunta ang sasakyan mo sa sekretarya mo? Akala ko ba, ikaw ang kukuha no'n sa airport?"
"Tinawagan ko si Myra na kunin iyon doon dahil nga nastranded tayo at di nakauwi no'ng Lunes. May duplicate key siya ng kotse ko. " anito. Wow ha?Sekretarya niya may duplicate ng kose niya? Pero di ito panahon ng pagseselos.
"Eh di ba, may tinawagan ka sa airport, eh di alam niya na iba ang kumuha ng kotse mo."
"Hindi ko na-contact ang kakilala ko doon. Kaya si Myra ang hiningan ko ng pabor na kunin iyon sa airport. I am sure na mismo ng araw na iyon ay nakuha niya ang kotse dahil tinawagan niya ako at ipinaalam."
"Anong araw? Kailan mo siya tinawagan?"tanong ko. Di ko naman kasi nakita na may tinawagan siya.
"Sunday. 'Yung nagbihis tayo dahil nga nabasa tayo ng ulan."
"Ah...Eh di ba, may CCTV ang mga airport kahit sa parking lot?"
"Well, tinawagan ko ang management ng airport at nagrequest ng footage ng araw na 'yon ngunit sira raw ang mga CCTV doon at kahapon lang gumana."he said. Very much disappointed.
"We were together that day. I can testify for you."suhestiyon ko para mapatunayan na hindi sila magkasama ng sekretarya niya. Bakit ba kasi kumuha siya ng secretary na babae ? At bakit kaagad pumayag itong kunin ang kotse kahit gabi na ata iyon at umuulan pa? Di ba siya natatakot?
"No way."tanggi nito. "Just stay out of this Ara. I can handle this."anito.
Hindi makapaniwalang sinalubong ko ang tingin niya. "Stay out?"I said. Tumawa ako ng pagak. Nakakairita lang na sabihan niya ako ng ganoon."Do you think I wouldn't give a damn knowing that that Marcus is saying lies about you? May magagawa naman ako para pabulaanan iyon dahil ang totoo, magkasama tayo nang araw na iyon hanggang Martes ng tanghali!"
"Are you even aware of the consequences of that? Kung malalaman nila na magkasama tayo nang mga panahong iyon, magiging komplikado ang lahat. You would be involved into this mess. And I don't want that to happen."
He went on. "Magtatanong sila kung ano ang relasyon natin. Ang alam ng lahat ay si Bridgette ang fiancee ko. Lalabas na masama tayo dahil niloloko natin siya."
Natahimik ako. Oo nga pala, nakalimutan kong nagpapanggap nga pala kami na walang namamagitan sa amin. Yeah. Masakit sa damdamin. Dahil sa pagiging pulitiko niya, kailangan naming magsinungaling.
"Okay."sabi ko at tumayo. I wore my sandals. Tinungo ang pinto.
" Sa'n ka pupunta?"anito na nakapagpatigil sa akmang pagbubukas ko ng pintuan.
"I'll stay out. Di ba sabi mo?"di ko itinago sa boses ko ang hinanakit. My tears started to fall. Nakakainis. I got his point very well. Pero di ko lang talaga maiwasan ang makaramdam ng sakit. Matutulungan ko na sana siya eh.
Naramdaman ko ang paglakad niya patungo sa akin. Di pa rin ako lumilingon. Then, he embraced me from behind for a minute. Then, unti-unting pinaharap ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...