(Ara's POV)
Hanggang sa makarating kami sa kanila ay wala nang usapan na muling namagitan sa amin.Nagpark siya sa labas ng kanilang bahay. Pinagbuksan niya lang ako ng pintuan ng kotse. Kapagkuwan ay pumasok na kami sa kanila matapos pagbuksan ng guard na naroon.
Sa pintuan nila ay nakaabang ang nakangiting ina nito. Naroon din si Bridgette. Posturang-postura ito. Ngumiti na lang ako kahit hindi ko gusto ang presensya ni Bridgette. Sige, ako ng masama. Eh sa nagseselos ako sa kanya. "Hello hija. Mabuti naman at nakarating ka."sabi ng mommy ni Harlan at nakipagbeso-beso sa akin.
Ngumiti lang ako kapagkuwan. "Hi Ara.Sayang, gusto ko sanang makipagkuwentuhan sa'yo ngunit ngayon ang balik ko ng Korea. Ihahatid nga ako ni Harlan ngayon din."nakangiting saad ni Bridgette.
Pinigil ko ang aking sarili na mapaismid. Close ba kami para magkuwentuhan?Mabuti nga at bumalik ka ng Korea. Pero nakakainis, ba't parang totoo naman ang pagiging mabait niya? Kaya pala nakapostura talaga ito. Ngayon ko lang napansin ang maleta sa tabi niya.
Kaya pala ipinark ni Harlan ang kotse nito sa labas at hindi ipinasok.
Ngumiti na lang ako. At nagsalita."Sayang nga. Mag-ingat ka na lang sa pagbalik mo ng Korea."
Ngumiti ito bilang tugon.
"Mom, mauna na ho kami ni Bridgette. Ara, maiwan na kita kay Mommy."paalam ni Harlan kapagkuwan. Kinuha nito ang maleta ni Bridgette. Ara?He used to call me "Barbz". What happened? Masakit kasi ang dating sa'kin. Ngayon, wala nang tatawag sa akin ng ganyan.Ngumiti na lang at tumango kay Harlan. Dagling iniwas ang mata ko sa kanya. Baka kasi mabasa nito roon ang sakit na kanyang nadarama.
"Oh, sige. Mag-ingat kayo."sabi ng ginang at nakipagbeso-beso sa mga ito.Nagpaalam din si Bridgette at nakipagbeso-beso sa akin. Tsk. Ano 'to plastikan lang?Or is it just me?
Nang makaalis ang dalawa ay inakay ako ng ginang sa loob ng kanilang bahay. Sa sala kami nila umupo."Marahil ay nagtataka ka kung ba't gusto kitang makausap. Hindi ba't nagpunta ka ng Korea para magturo ng Ingles? At kasalukuyan kang nagtuturo sa mga Koreans sa isang language center?"
"O-opo..."sagot ko. Teka, ba't alam nito iyon?Anong koneksyon sa magiging pag-uusap namin?
It was as if binabasa nito ang mga katanungan sa isip niya at nagpatuloy.
"Nabanggit kasi iyon ni Harlan sa akin. At kaninang umaga lang ay tumawag ang aking kapatid na lalaki. Dahil sa mga issues sa asawa nitong Haponesa ay pinakausapan akong arugain muna ang walong taong gulang na anak na lalaki ng mga ito. Eh, hindi raw iyon masyadong marunong mag-English at Nihonggo lang ang sinasalita. Gusto ko sanang kuhanin ka bilang private tutor ng bata. Weekdays naman ang trabaho mo sa language center di ba?Siguro naman, wala kang gagawin kapag sabado. Baka puwedeng maturuan mo siya dito. Next school year ko pa siya pag-aaralin. Kaya sana pumayag ka hija. You can stay here for the whole Saturday. I'll pay you."
Tsk. As usual, nalaman niya through Harlan na malamang nalaman din nito either sa nanay niya or kapatid nito.
"Ahm...pag-iisipan ko pa po iyan ma'am."sabi ko tungkol sa sinabi nito. Kung tutuusin, di ko na dapat pag-isipan. Eh kasi, paano naman ang pangako ko sa sarili na tapusin ang paghihirap ko dahil kay Harlan? Gusto ko na nga siyang kalimutan eh. Tapos, pupunta pa ako dito every Saturday? Ibig sabihin, magkikita kami?Wala kayang office sa City Hall every weekend...
Kakabakasan ng dismaya ang mukha ng mommy ni Harlan. " Ma'am?Tita na lang ang itawag mo sa akin. At teka, Ano ba ang rason kung ba't nag-aalangan kang tanggapin ang alok ko hija?Si Harlan ba?"
BINABASA MO ANG
Ang Irog kong Pulitiko
ChickLitPara kay Ara, madaling malimutan ang mga bagay-bagay ngunit mahirap kalimutan ang ginawa ng "EX" niyang pulitiko na si Harlan. Pero paano kung narealize niyang mahal niya pa rin pala ito? At ang nararamdaman niyang galit ay para lang mapagtakpan ang...