20

877 21 3
                                    

(Ara's POV)

Time is up! sigaw ng isip ko.

Tapos na ang five minutes kaya iminulat ko ang mga mata ko. Pumikit kasi ako kanina para damang-dama ko ang sandali. Naririnig ko ang tibok ng puso niya dahil sa pagkakalapit naming ito. Damang-dama ko ang init ng katawan niya.

Init?Hala! May lagnat nga pala ito at kailangan niyang makainom ng gamot.

"Harlan?"pukaw ko sa kanya. Nakapikit kasi. Kumawala ako sa kanya at bumangon. Umupo sa kama.Nakatulog siya.

Nakadagdag din siguro sa dinaramdam nito ang pagod kaya knock out siya. Imagine, sa murang edad nito, vice mayor na ng lungsod. That's tough! Allergic ako sa mga pulitiko pero ngayon, gusto kong magkaroon ng tiwala sa kanila dahil kay Harlan. Base talaga sa mga naririnig ko sa mga tao, boto sila kay Harlan na maging mayor ng lungsod.

Matulungin ito ngunit di lantarang pinapakita. May mga pulitiko kasi na kung tumutulong ay hayagan. Yung tipong ilalagay talaga ang pangalan sa sako ng bigas na ipinamimigay. Ipapakita pa ang litrato tulad ng paglalagay ng tarpaulin na may imahe ng mukha nila sa mga medical missions. Hindi ko na nilalahat ngayon. May mga pulitiko talaga na bukal sa loob ang pagserbisyo sa publiko at hindi na kailangang ipaalam sa maraming tao. Katulad ni Harlan. Napakarami na pala siyang proyekto na ipinatupad sa lungsod.

Umungol ito dahilan upang maputol ang pagmumuni-muni ko. Ano ba nangyayari sa akin?Nawili ako sa pagmamasid sa mukha ni Harlan. Nakalimutan ko na naman na may sakit ito at kailangang mabigyan lunas.

Dali-dali akong lumabas at bumaba. Pumunta sa kusina. Pinagbubuksan ang lahat ng cabinet roon. Maghahanap ako ng gamot na ipapainom sa kanya. Nakakita naman ako.May medicine kit na naroon. Mabuti at mayroon. Oh wait, kailangang magkalaman ang tiyan niya bago uminom ng gamot. Kailangan kong magluto ng makakain niya. A simple soup will do.

Habang hinihintay kong maluto ang soup, naghanap naman ako ng puwede kong makain. Nakakagutom na. Mabuti na lang at may stocks siya ng pagkain dito. Hmm, madalas siguro siyang pumunta rito.

Tinapay ang pinapak ko at tumungga ng juice (parang alak lang eh?Tinungga talaga?lol).  

Ah wait, may cold patch ba siya dito?Para naman maibsan ang pagkainit niya. Hmmm.Sa paghahanap ko ay wala. So, kailangan ko ng bimpo nito at palanggana. Naku. First time kong mag-alaga sa isang maysakit. Si nanay naman kasi palagi nag-aasikaso kay  Ivo kapag may dinaramdam. Parang di naman nagkakasakit si nanay. Malakas pa 'yon sa kalabaw. Mabuti na lang at marami akong nakitang palabas sa telebisyon o pelikula na may ganitong drama.

Umakyat akong muli at dinala ang pagkain at gamot. Nakita kong nakakumot na siya. Giniginaw na kung tutuusin ang init niya. Hai. Hindi ako sanay na nakikita siyang ganyan. Hindi naman kasi siya sakitin. Ni hindi ko nga siya nakita noon na sinipon man lang o inuubo. Bumaba ulit at binalikan ang palangganang may tubig at bimpo. Pagkatapos, umakyat na naman ulit.

Lumigid ako sa kabilang panig ng kama kung saan siya nakaharap.

His eyes were closed. Hawak nito ng mahigpit ang laylayan ng kumot na para bang doon nakasalalay ang buhay nito. Sinalat ko ang noo niya. Ang init.

"Harlan, kain ka muna bago ka uminom ng gamot..."sabi ko.

Ungol lang ang sinagot nito. Maya-maya ay kumilos ito. Inalalayan ko siyang makaup at makasandal sa headboard ng kama. Akala ko di siya susunod. Mapipilitan talaga akong puwersahin siya. Nag-aalala talaga ako sa kanya.

Kinuha ko ang soup at umupo sa tabi niya. "Kailangan mong kainin 'to..."sabi ko at inuumang ang kutsara sa kanya. Hinipan ko muna dahil mainit.

Ang Irog kong PulitikoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon