Chappie 62: Genie.

262 1 0
                                    

--->MAI<---
It's Sunday and after naming magsimba nandito na ko ulit sa bahay nina Gino. Dumating na kasi yung mga napiling painting ng Mama niya and sabi niya tulungan ko daw siyang mag-ayos. So I did and by lunch time, natapos kami and syempre dun ako kumain.

Mabait na sakin nanay ni Gino. Hindi siya ngumingiti pero alam mong iba na yung pakikitungo niya sakin. Parati silang nagbabangyan ni Gino over trivial things, and during those times, naaalala ko si Papa. Ganito lang din kami a few months ago. To think na ilang months ko na siyang hindi nakikita and nakakasama.

I never thought this day would come, but I kinda miss him. Hindi man kasi kami madalas na mag-usap noon. Everyday naman kaming nagkikita since he makes it a point na hindi siya umaalis ng bahay hangga't hindi kami nagkikita sa umaga. Kahit na hindi kami sabay na magbreakfast, as long as nakita na niya kong gising and everything saka lang siya aalis.

Hindi ko man kasi pinapakita or sinasabi, pero naaapreciate ko yun. As if he makes sure I'm okay every morning, na makita lang niya ko magiging okay na yung araw niya.

And now, halos more than a month na kaming hindi nagkikita and sa tuwing nag-uusap kami, nag-aaway lang kami. To think na almost 3 years ago masaya kami ni Papa, parating magkasama, parating nag-uusap, parating masaya. And 3 years ago...

Kasama pa namin si Mama.

I miss my old family.

I miss my old life.


--->GINO<---

Nasa kwarto ulit kami ngayon ni Taray, nanonood ng tv, napatingin ako sa kanya since kanina pa siyang tahimik. Napansin kong tulala siya at parang may malalim na iniisip. Tinapik ko siya.

"O?" Sabi niya sakin.
"Okay ka lang? Anong iniisip mo?" Umiling lang siya at tumingin sa tv.
"Tss. Halata namang meron. Wala ka na naman sa sarili." Sumimangot siya at umirap sakin.
"Ano ko may sakit sa utak? Nawawala sa sarili." Napatawa ko, kahit kelan talaga napaka pikon nito. Umisod ako palapit sa kanya. Tumingin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Humiling ka nga sakin ng kahit na ano." Sabi niya sakin.
"Ha?" Napakunot noo ko.
"Sabi ko humiling ka sakin ng kahit na ano."
"Bakit? Anong meron?" Tanong ko sa kanya. Ano bang pinagsasa-sabi nitong babaeng to? Hihiling ako sa kanya?
"Basta. Dali na. One time lang to. Magsabi ka na." Pagpipilit niya.
"Bakit ba? Ano ka genie?" Pang-aasar ko naman.
"Tss, nang-aasar ka pa e."
"Bakit ba kasi? Ano bang meron? Matagal pang birthday ko. Bakit kelangan kong humiling?" Hindi siya agad sumagot at nagtitigan pa kami.

"Nakakaaasar kasing kwarto mo at kwarto ko." Sagot niya.
"Ano? Lalo ata akong naguluhan a." Napakamot ako sa ulo ko.
"Yung kwarto ko, kahit san ako tumingin may something from you. Itong kwarto mo, wala. Wala akong makitang kahit na ano galing sakin."
"E ano naman ngayon, meron naman tayong painting ah. Ayun o." Turo ko sa painting.
"Tss, e nakakainis e. Hindi pwedeng ako lang nabubwisit sa kwarto ko sa tuwing nakikita kong mga gamit mo, dapat ikaw din!" So nakakabuwisit palang mga regalo ko sa kanya? Luka-luka talagang babaeng to. Hindi ba pwedeng mag-thank you na lang siya? Napatawa ulit ako habang sumimangot naman siya lalo.

"Kahit ano? Tumango siya.
"Dito ka na lang sa bahay tumira. Para kahit kelan ko gusto, makikita kita." Ngiti ko sa kanya. Nagblush siya pero imbis na maging romantic yung atmosphere, hinampas niya ko sa balikat.
"Gago ka, yung seryoso."
"Seryoso naman ako a! O kaya naman dito ka na lang matulog?" Ngisi ko sa kanya.
"Umayos ka nga, gusto mo upakan kita?" Hampas niya ulit sakin.
"Maayos naman ako a, sabi mo humiling ako ng kahit na ano tapos puro ka naman reklamo." She rolled her eyes. Napatawa ulit ako.
"Yung materyal na bagay ang ibig kong sabihin. Hindi mga kalukohan. Dali na, bago pa magbagong isip ko." She crossed her arms staring at me.
"Hindi ko naman kelangan ng materyal na bagay e, kung may gsto ko, kaya kong bumili ng kahit na ano."
"Alam kong mayaman ka, ang ibig kong sabihin yung gling sakin. Ano na?"

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon