Chappie 69: Empty Space and Silence.

238 3 1
                                    

--->GINO<---
"Gino! You're back."
"Hi Gino!"
"Welcome back, man." Bati sakin ng mga kaklase at mga kung sinu-sino ng pumasok ako ng school. Hindi ko sila pinapansin, nagmamadali akong umakyat ng building. Isang tao lang naman kasi ang gusto kong makita at makausap.

Pumasok ako ng classroom and I immediately saw her. Inayos kong polo ko, made sure all the buttons are fine and then I walked towards her. Naririnig ko yung mga bulungan ng mga kaklase namin, pero hindi ko sila pinansin. Diretso lang ang tingin ko. Sa kanya lang nakatuon ang mga mata ko.

Four days. Apat na araw akong nagpabalik-balik sa apartment niya, apat na araw na nagdadala ng bulaklak at ng kung anu-anong regalo, pero sa apat na araw na yun, palaging yung land lady lang nila ang tumatanggap ng mga dala ko. Palaging may baong excuse na kesyo wala si Mai, nakaalis na papuntang school o tulog na. Apat na araw ko siyang parating tinetext at tinatawagan siguro sa apat na araw na yun may isang libong beses ko na siyang naitext at natawagan, pero ni isang sagot o reply wala akong natanggap sa kanya.

Apat na araw ko pa lang siyang hindi nakikita o nakakausap. Pero pakiramdam ko parang isang taon na yun. Alam kong ang corny ko, masyadong cheesy, para lang akong yung mga bida sa telenovela. Who knew something like this could happen in real life and to me of all people.

Sinong mag-aakala na magmamahal ako ng ganito? Or to be honest, that I could actually fall in love.

Nasa harapan na ko ng upuan niya pero hindi parin siya tumutunghay, tuloy-tuloy pari niyang binabasa yung librong hawak niya. Nagpapanggap na hindi ako nakikita o naririnig man lang ang mga tao sa paligid namin. 

Bakit nga ba sa dinami dami ng tao siya pang minahal ko? 

Mataray sya, mabilis uminit ang ulo, matalas ang dila, palasimangot at parating galit sakin. 

Pano ko nga ba sya natagalan at bakit ko pa ba siya sinusuyo ngayon? Ano nga bang meron sa kanya, bakit nga ba ang sakit ng makipagbreak siya sakin? 

Hindi ko alam, naguguluhan ako, nalilito ako. Basta ang importante lang sakin ngayon ay ang ayusin ang lahat. Ang magkabati na ulit kami, ang mapatawad na niya ko, ang mahalin niya rin ako.


"Mai." Tawag ko sa kaya. Hindi parin siya kumibo, nilipat lang niya yung page ng libro niya at tinuloy ang pagbabasa. 
"Can we talk." Sinabi ko ng mas malakas. Wala paring reaksyon. She turned the page again. 

At kahit na ilang oras akong nagprepare, kahit na ilang beses kong pinaulit-ulit sa sarili ko na I have to be gentle with her, hindi ko parin maiwasan ang mainis. In born na siguro and maybe old habits really die hard. 

"Mai." Hinablot ko yung libro sa kamay niya. Dahan dahan siyang tumunghay, her eyes on me. I missed those eyes. 
"Can we talk?" Tanong ko, tinitigan niya lang ako, at matapos ang ilang segundo. Hinablot niya pabalik yung libro sakin, tumayo at saka sumagot.
"No."


--->NARRATOR<---
Tumayo si Mai at lalabas na sana siya ng classroom pero pinigilan siya ni Gino.
"Can you please just hear me out?" -Gino.
"Let me go." She whispered.
"Just let me explain. Ano pa bang kelangan kong gawin para patawarin mo ko? Haven't I done enough?"
"Patawarin ka? And you're asking me if you haven't done enough? Bakit? Ano na nga bang ginawa mo?... Ahh oo nga pala, yung mga 'regalo' mo or would it be better to call them suhol? Yung pagpunta mo sa apartment araw-araw? Yung pagtawag at pagtetext mo every minute? Was that you asking for forgiveness? Pwede ba Gino, tama na. This isn't some television show or whatever. This is real life and those tactics doesn't really work, except maybe sa mga cheap and delusional na babae. Or is that what you think of me? I said it before. Hindi ko kelangan ng explanation mo, ang sorry mo at higit sa lahat ang pera mo. Kaya pwede ba, tigilan mo na ko!"

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon