Chappie 53.2: Broken Heartbeats.

322 0 0
                                    

--->MAI<---
"Hello?" Sagot ko sa cellphone ko sabay upo sa kama.
"Anong ginagawa mo?" Tanong sakin ni Gino sa kabilang linya, sembreak na namin ngayon and simula nung naghiwa-hiwalay kami after ng retreat parati na siyang tumatawag sakin at nagtetext. Parang maya't-maya nagtetext siya, every hour tumatawag kahit wala namang sinasabing importante at matino.
"Tinext na kita diba, sabi ko manonood akong tv." Napailing ako, timang talaga to.
"Aaa. Oo nga pala. Anong papanoodin mo?"
"Teka. Wala ka bang gagawin? Puro pagtawag at pagtetext lang sakin ginagawa mo e. Wala ka bang inaatupag ngayong bakasyon?"
"Tss. E kung sinasabi mo sakin kung san ka sa Lucban para pupuntahan na lang kita, edi hindi na kita kukulitin sa pagtetext at pagtawag ko." Syempre dahil sembreak, sabi ko sa mga nagtanong uuwi ako ng Lucban, pero syempre wala naman akong kilalang taga dun and dahil hindi naman ganun kahaba yung bakasyon, nasa Pilipinas parin ako, nasa Laiya ko ngayon sa beach house ni Dad. Dito ko naka house arrest ngayon.

"Gago ka pala e. Edi lalong nagwalang nanay mo pag nagpunta ka dito."
"Tss. Ilang beses ko bang kelangang sabihin na pabayaan mo na yun. Wala siyang pakelam kung ano man gusto kong gawin."
"Yeah. Whatever basta ayoko." Paguwi kasi namin galing retreat, may naging assembly pa sa school. We were gathered at the audi, tapos piniringan kami and after a few minutes, may mga katabi na kami, it turns out mga parents namin, and for me na wala si Dad. Si Yaya Liz yung nagpunta.

Semi reunion din kahit pano since siya yung nag-alaga sakin nung madalas pa kaming umuwi ng Pilipinas noon. Tapos ayun, nadun yung nanay na bruha ni Gino. And dahil wala nga siyang class whatsoever, after ng mini iyakan with the parents ayun, nilapitan niya ko.

"So I see you're still here." She frowned at me. I smirked.
"Sorry to dissapoint you, seems like no matter how 'influential' you are. You can't make someone like ME dissapear easily."
"Yes. It seems na totoo ngang kasabihan. A parasite is the hardest thing to eliminate. Stay away from Gino or else I'll make your life miserable."
"Guess what. I'm still waiting."


Up to this day naman wala parin akong nababalitaan. Ano ba naman kasing magagawa niya? Hindi naman niya ko kilala, nothing is ever recorded about me anyway, kaya no matter what she does, kahit anong halungkat gawin niya, mapapagod lang siya dahil wala din siyang mararating.


--->RICK<---
"Kung sasama ka, siguro sasama na din ako." Sabi ni Yssa, kausap ko siya ngayon sa cellphone, pinag-uusapan namin yung tungkol sa pinaplanong outing ng barkada.
"Sige, sasama na din ako. Pinilit ni Nat si Aria e."
"So kay Aria pa pala nakasalalay pagsama mo?" Tanong niya, medyo naiinis ata. Hindi ko sure dahil hindi ko naman siya nakikita, pero rinig ko yung pagtatap ng paa niya sa sahig. Malakas kasi, kaya malamang, galit to.
"Hindi naman, teka galit ka ba?"
"Hindi. Mukha ba kong galit?" Napailing ako.
"Sige na Yssa. Tinatawag ako ni Dad. Tawagan na lang kita mamaya. Bye." Hindi ko na inintay na magsalita siya. Inend ko na yung tawag.
"Girlfriend troubles?" Ngisi sakin ni Gino nasa bahay siya ngayon. Kung bakit, hindi ko din alam, tuwing sembreak naman nagbabakasyon to kung saan, ewan ko kung bakit nadito parin siya. Basta dumating siya kanina, boring daw sa kanila tapos ayun, niraid na niyang PS3 ko. Binato ko lang siya ng unan at nahiga ako sa kama ko. 

Oo. You read right, girlfriend ko na si Yssa. Oo hindi joke to. It happened a few days ago, nakina Carlo kami, may konting inuman. Tapos ayun, nag-aasaran lang naman kami e. Basta bigla nalang nangyari e. Pero hindi naman ako lasing, siguro lasing lang ako sa lungkot. Hindi ko din alam kung bakit ko ginawa yun, basta ewan.

"Bakit kasi, hindi na lang kayo ni Yssa!" Kantyaw ni Carlo sakin. Napag-usapan na naman kasing non-existent lovelife ko. Porke't lahat sila masayang buhay pag-ibig at kami lang ni Nick yung walang girlfriend, pero dahil MIA si Nick, akong napagdiskitahan nila.
"Oo nga pare, si Yssa na lang! Wala ka namang nililigawan e. Isa pa, gusto ka din naman niya e. Siya nga lang ata nagkagusto sayo e." Sabi ni Josh.
"Luko-luko talaga kayo no! Ano si Yssa, last option lang? Panakip butas?" Inis na sabi ni Aya.
"Hindi naman sa ganon Aya, parang... hmm... HAHA. Parang ganun nga no!" Sabi ni Carlo, medyo lasing na ata. Hinampas siya ni Aya. Napatingin ako kay Luisa, napatingin din siya sakin.
"So ano Yssa? Tayo na lang?" Tanong ko. 
"WHAT?!" Sabay sabay na sabi nina Bernice.
"Ano bang sinasabi mo Rick." Sabi ni Luisa.
"Sabi ko, bakit... hindi na lang tayo? Bakit hindi natin subukan?"
"Gago ka ba Rick. Ganun na lang yun? Kayo na agad? Wala man lang ligawan?" Sabi ni Nat. 
"Ganun din naman yun diba? Dun din naman patak nun e. Sa ibang bansa nagdedate na nga agad e. So ano namang kaibahan? Matagal na naman kaming magkakilala ni Yssa e. We dont need to know each other better. Gusto mo bang subukan?" Tiningnan ko si Luisa iniintay yung sagot niya.

She said yes, and now... girlfriend ko na siya.


Pabalik na ko ng kwarto, kakaalis lang ni Gino. Mukhang napagod din sa kakalaro ng PS3. Hindi ko naman sinasadya, balak ko lang tawagan si Josh dahil may itatanong ako. Promise, hindi ko naman alam na may gumagamit ng landline.

"Hindi parin ba kayo nag-uusap?" Si Aria, ibababa ko na sana yung telepono nung narinig ko kung sino yung kausap niya.
"Hindi parin..." Si Mai. Alam kong mali, alam kong hindi ko dapat pakinggan yung usapan nila, pero hindi ko parin nagawang ibaba yung telepono kasi alam kong ako yung pinag-uusapan nila.
"Pag ba tinawagan ka nya, kakausapin mo siya?" Hindi agad nakasagot si Mai.
"Siguro. Oo. Ewan, hindi ko alam." 
"Mai... you could at least... talk to him, right?"
"Siguro kakausapin ko siya, pero... I'm not sure what I'll tell him though. Naghiwalay kasi kami ng... alam mo na... magulo. May mga sinabi siya sakin na... hindi ko maintindihan, na siguro ayokong intindihin. Ewan, hindi ko alam. Ayoko na lang sigurong makigulo sa kanila ni Yssa. Ayoko ng makisawsaw pa sa kanila. Pinili niya to e. Sabi ko naman sa inyo ni Nat diba, dahil siyang nagsimula nito, siyang dapat tumapos, and I guess tapos na to, that's the path he chose to take so now, gusto ko na lang isipin na hindi nangyari yun. Na kaibigan lang ako ni Rick na magkaklase lang kami. That he never told me he likes me. Marami paring tanong, pero mas gusto kong kalimutan na lang lahat yun. Sorry Aria, pero ayoko na sanang pag-usapan pa yan. I have to go, bye." 


--->ARIA<---
“Alam mo Rick sa inaasal mong yan, stalker na stalker ka na talaga.” Sabi ko nung naibaba na ni Mai yung telepono. Hindi agad nagsalita si Rick pero alam kong nasa kabilang linya parin siya. The moment he picked up the phone alam ko na. Hindi na lang ako nagsalita coz I know he needs to hear what we were talking about.
“Okay ka lang?” Tanong ko sa kanya nung hindi parin siya sumasagot at hindi ko parin naririnig na binaba niya yung telepono.
“Oo, syempre naman. Okay lang ako."
"Rick..." 
"Para naman sa kanya tong ginagawa ko e. Kaya okay lang ako. Okay naman lahat diba. Masaya naman lahat diba.”

Napailing ako, bakit ba nagkaganito? Bakit si Rick na akala kong matalino at laging tama ang desisyon nagiging gago na sa paningin ko. Ganito ba talaga kapag love? Tama nga ba talaga sila? Na kapag na-inlove ka, kahit na yung pinakamatalinong tao, nagiging tanga, nagiging bobo.

“I’m sorry Rick pero, I think this time, you’re really just being selfish.”
“Ano?” Napabuntong hininga ako.
“Sinabi mo kay Mai na mahal mo siya, after nun di mo na ulit siya kinausap at alam kong wala kang balak na kausapin pa sya. On top of that, syinota mo si Yssa. Para saan?”
“Aria, di mo ba naiintindihan? Ginawa ko yun dahil... dahil... sa tingin ko yun yung tama.“
“Rick, kelan pa ba naging tama yung may nasasaktan? You didn’t have to do that you know. Hindi mo naman kailangang makipagrelasyon kay Yssa. Masasaktan si Yssa in the end, nasasaktan ka. Pano naging tama to?”
“Siguro nga, pero… ewan, gusto niya ko e. Mahal niya ko.”
“Mahal ka niya, pero kahit kelan naman di niya hiningi sayo na syotain mo siya kahit na wala kang nararamdaman para sa kanya. Sorry Rick, pero... hindi ko maiwasang magalit sayo! Hindi ko akalaing magiging ganyan ka. Matalino ka Rick e. You should know better. Sa ginagawa mong to, hindi ko maintindihan kung bakit ka nagkaganyan.”  

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon