Chappie 52.4:Team Building O Relationship Building?

344 0 0
                                    

--->MAI<---
Sa totoo lang kasi hindi ko inaasahang magiging ganito yung retreat. Akala ko basta activities lang, manonood lang ng mga inspirational videos, magdadasal, magcoconfession. Ganun lang. Alam kong may mag-iiyakan, alam kong may mga part na mattouch ka, alam kong may mga sasabihin yung speaker na tatagos sa puso mo't makakapagpa realize sayo ng maraming bagay.

Alam kong mangyayari yun sa iba, pero sakin, hindi ko inakalang maapektuhan din ako. Kasi akala ko I'm over the drama, akala ko hindi na ko maapektuhan ng mga ganito coz I was over it, akala ko nakalock na yung feelings ko, yun pala hindi, na kahit anong pilit kong itagao lalabas parin yung emotion, ewan. Nagulat pa nga ako nung napaiyak ako, buti na lang kanya-kanyang moment kaya walang nakapansin nung tumulo yung luha ko. Kung alam ko lang na ganito, nagdahilan na lang siguro ako para hindi makasama.  


Recess time namin ngayon, 30 minutes break ngayon kumpara sa mga nakaraang araw na 10 minutes lang, maaga kasi kaming ginising e, 6 am pa lang may activity na agad. Nasa may garden ako nakahiga sa damuhan, tinatamad kasi akong gumalaw, hindi naman ako pagod, basta tinatamad lang.

Mag-isa lang ako, yung iba kasi nasa kwarto nila dun nagssnack, yung iba sa dining hall, yung iba ewan, basta as soon as sinabi nung facilitator na break muna nagtakbuhan na sila paalis. Ako lang naiwan dahil hindi ako sumama kay Aria nung tinawag niya ko. 

Kung tutuusin gusto ko ng matapos tong retreat na to. Para pagkatapos nito, bakasyon na kami at it's either I stay here and look for mom or I go back to LA to stop ABItch with her shitty plans. Basta kahit ano, makaalis lang ako dito sa situation na to. Hindi ko na rin kasi maintindihan ang sarili ko e.

Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito, feeling ko kasi may mali na sakin. Na parang hindi na ako to. Kahit kasi sina Aria napapansing may nag-iiba sakin. Binibiro pa nila ko na baka daw umeepekto na sakin tong retreat na to. Ewan, siguro. Hindi ko din kasi maintindihan e. I think I'm already emotionally exhausted and my mind's already in turmoil, feeling ko tuloy kailangan ko ng magpa psychiatrist maiayos ko lang train of thoughts ko. Ewan, basta ang alam ko hindi ko na gustong nararamdaman ko. Ayoko na ng pakiramdam na ganito. 
 

--->NICK<---
Katatapos lang ng session namin for the day, pero dahil hindi pa tapos yung dinner namin, kalat-kalat muna kami. Yung iba nasa mga kwarto, yung iba nasa may garden, ineenjoy yung gabi yung iba namang katulad ko nasa may balkon at dun nagpapalamig. Konti lang yung tao dito, medyo madilim kasi at mostly mga lovers nadito, kaya dun ko napansin si Mai, mag-isa lang siyang nakaupo dun sa may railing, nakatingin sa langit, nilapitan ko siya, matagal na din kaming di nagkakausap ng kami lang.  

"O, seryoso ka jan a. Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.
"Oy Nick, oo. Okay lang." Ngumiti siya.
"Himala ata, wala si Gino, bat di mo siya kasama ngayon?"
"Aso ko ba siya para lagi ko siyang kasama?"
"Ewan, hindi ba?" Biro ko sa kanya. Hinampas lang niya ko, pero mahina lang.
"Yung totoo, okay ka lang ba?" This time seryoso na ko. Simula kasi nung 3rd day iba na siya e. Siguro dahil kilala ko talaga siya at madalas kong makita yung totoong siya kaya napapansin ko, pero alam kong malungkot siya na ang daming bumabagabag sa kanya.

"Ewan, sa totoo lang hindi ko na nga alam kung anong nararamdaman ko e. Pakiramdam ko ang bigat bigat at ang sikip sikip ng dibdib ko. Siguro dahil on hold na naman paghahanap ko kay Mama. Nakakainis kasi yung feeling na may lead na ko, pero hindi ko naman siya mahanap ngayon, pakiramdam ko kasi kapag hindi ako kumilos ngayon pag pinatagal ko pa lalo lang siyang mapapalayo sakin. Tapos ang huli kong balita sa LA ginagawan na ni Dad ng paraan yung sa Smitten and yung sa kasal nila ng babaeng yun. At dahil nandito ko wala akong magawa para pigilan sila. I dunno, I just feel so helpless right now and I hate it, it's annoying coz I know I can do something but because of this stupid punishment, wala akong magawa, and I'm stuck here."

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon