Chappie 70: Merry Christmas, B*tch.

204 1 0
                                    

--->NARRATOR<---
Three more days of school and everyone in St. Margaret is home free for the holidays. Katatapos lang ng exams nila and going to school we're just preparations for the Christmas Party.
So in other words, petiks lang ang lahat ng estudyante.

At kung hindi lang nanominate si Mai as part of the design committee, baka nagbakasyon na agad siya. Pero dahil walang spirito ng pasko ang mga kaklase niya, she was stuck making decorations and being bossed around.

By 2 pm, naisipan ding mag-break ng committee kaya as soon as they were released, kinuha ni Mai ang bag niya at saka hinanap ang charm bracelet na regalo ng mama niya. Tinago kasi niya ito ng nagreklamo si Lisa kesyo distracting daw at sumasabit sa mga gamit nila.

Hindi naman umangal si Mai, hinubad niya ang bracelet at saka inilagay sa bag, pero ng balikan niya ngayon. Hindi na niya makita.

Nilabas niya ang lahat ng laman ng bag, itinaktak at inalog pero hindi parin makita ang charm bracelet.

"Ginalaw mo bang gamit ko?" Tanong ni Mai sa isang kaklase na nakaupo sa tabi niya.
"Hindi no! Aanhin ko naman gamit mo!"
"Then did you see someone else?"
"Aba ewan ko? Bakit ako tinatanong mo. Gamit mo yan no!" 
"Tch. Never mind." Binabalik na ni Mai ang gamit niya ng biglang may lumapit sa kanya.

"Hinahanap mo ba yung bracelet mo?" Tanong ni Julie.
"Oo! Nakita mo?"
"Don't tell anyone I told you. Pero, si Leslie. Nakita kong kinuha niya sa bag mo yung bracelet mo."
"Where is she?"
"Sa pool."

--->RICK<----
Nasa weights room kami ngayon. Nag-woworkout kasama ang basketball team. Hindi ko din alam kung pano ko napunta dito at kung bakit katulad nina Josh, Nick, Carlo at Gab e nag-wworkout ako.

Sabi ni Carlo dahil Christmas vacation siguradong maraming party na naman kaming pupuntahan, parties equals food and food equals fat daw. You get my drift? Wala din naman kasi akong ginagawa kaya sumama ako. By year and club naman kasi ang pagpe-prepare sa Christmas Party, and usually lower years at ilan lang sa mga 4th year ang kasali sa design committee. Kung maswerte ka, two days ka lang ng tambay sa school.

Okay lang din naman sakin, at least kahit pano nakakarelax din. Pero ngayon parang gusto ko ng umalis. Nadito din kasi si Gino at simula nung rumble namin, hindi parin kami nag-uusap.

Magpapaalam na sana ako sa kanila ng mapansin kong lalong dumami ang mga lalaking nakadungaw sa baba. Nasa baba kasi ng weights room ang pool at ng dumating kami kanina, nadon naman ang cheer squad, yung iba nagsswimming, yung iba syempre nagpapa cute lang sa mga basketball player.

Lumapit ako at nakiusyoso.

And right there in the middle of the commotion is Mai.

--->NARRATOR<---
"Give it back." Mahina pero malinaw na sabi ni Mai kay Leslie.

Nasa pool siya ngayon. Kung saan kinompronta niya si Leslie. Nang tinanong niya kung kinuha nito ang bracelet nya, imbis na mag-maang-maangan si Leslie tulad ng inaasahan niya, tumayo lang ito at kinuha sa sariling bag ang bracelet ni Mai. 

"Ito ba?" Pa-inosenteng tanong ni Leslie. Lumapit si Mai para kunin ang bracelet but as soon as she reached out for it, iniiwas ni Leslie ang kamay at saka lumayo.
"I've no time for your games. Give it back."
"Bakit? Sayo ba to? Parang hindi naman e." Hindi nagsalita si Mai.
"I mean look at you. You're poor, how the hell can you afford a trinket like this?"
"Siguro ninakaw mo to no." -Desiree.
"It's mine, give it back." 
"Not until you prove it's yours." -Leslie.
"I don't need to expalain myself to you. It's mine. And there's nothing you can do about it." 

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon