Chappie 16: Good News or Bad News?

390 0 0
                                    

--->MAI<---
It’s Monday. Again. Naglalakad kami ni Nick papunta sa school and pahikab-hikab parin ako. Gabing-gabi na kasi akong umuwi e, hinatid ko pa kasi sina Harper kahapon ng 9pm sa NAIA, the weekend was really fun, we hung out, nagchikahan, nagmalling, everything. Bad thing lang talaga is I’m still staying here.

“Mukang inaantok ka pa a.” Sabi sakin ni Nick. I yawned again before replying.
“Yeah, late na ko nakauwi e.” He just nodded, last week pa kaming sabay pumasok ni Nick. I mean bakit nga ba hindi? Parehas lang naman kami ng tinutuluyan. Sa pag-uwi lang talaga kami hindi nagkakasabay since may soccer practice siya. Jock din kasi siya aside from being the drummer, kaya sikat din siya sa girls, particularly kay Desiree. Kaya laging nakairap sakin yung midget na yun e.
 

Pagdating namin sa lobby, syempre nadun na si Jacob.
“Good Morning.” He greeted us
"Morning." Sabay naming bati ni Nick.
“Tulungan na kita jan.” alok ni Jacob kinuha niya yung 2 librong bitbit ko tsaka yung paperbag ko na P.E uniform yung laman.

Aakyat na sana kami ng biglang dumating si Gino.
“Oy! Morning!”
“What do you want now?” Irap ko sa kanya.
“Sasabayan kita paakyat. Akin na Jacob yan ako ng bahala.” Sabi ni Gino sabay kuha kay Jacob nung gamit ko. Napataas yung kilay ko sa ginawa niya. May sakit ba to?
"Teka lang Gino. Ako na, nauna ko sayo dito.” Sabi ni Jacob sabay kuha nung gamit ko.
“Hindi na Jacob, ako ng bahala, baka hindi mo pa kayanin tong mga to.” 

Balak ba talagang mag-agawan ng dalawang to sa gamit ko? I watched as Gino took my things from Jacob again with another rude remark. This time telling him he might be too fragile.
“Anu ba talagang problema mo Gino?” inis na tanong ni Jacob.
“Ikaw ang problema ko. Bakit ba nandito ka pa, umakyat ka na nga!”
“Anu?! Para sabihin ko sayo mas nauna ako sayo dito kaya mas mauna kang umakyat!"

Before I knew it nagtutulakan na sila.
“ANU BA?!” sigaw ko, tumigil sila at tumingin sakin. Grabe! Parang mga timang. Nakakamatay ba pag hindi nila nadala gamit ko? 
“Para kayong mga bata a! Akin na nga yan! Ang laki ng problema niyo. Kaya kong dalhin sarili kong gamit! Tabi!” inis na sigaw ko sa kanila sabay akyat sa second floor. Grabe! Agang aga nakakairita!!

--->NICK<---
“Kasalanan mo to!’ Inis na sabe ni Gino kay Jacob.
“Ikaw tong bigla bigla na lang sumusulpot!”
“Tss. Ewan ko sayo! Tabi!” sigaw ni Gino ng mabilis siyang umakyat na sinundan naman agad ni Jacob. Napailing ako.
“Anong nangyare dun?” tanong ni Josh na nasa tabi ko na pala.
“They're fighting over Mai.” Sagot ko.
“ANO?! Asan si Mai?!” tanong niya.
“Nasa taas na.” pagkasagot ko kumaripas na din ng akyat si Josh. I shook my head. Grabeng pinsan to a, kaya napapagkamalang suitor e.

--->MAI<---
Pagakyat ko ng classroom binaba ko lang yung gamit ko tas nilapitan ko si Aria. I really need to talk to her about her relationship with Rick. Nung birthday ko kasi kinausap ko si Josh about dun and nalaman ko na yung totoo.

“Why didnt you tell me step-brother ni Aria si Rick?” I hissed at him. 
“Hindi mo ba alam?” 
“Duh. Magtatanong ba ko kung alam ko? Well?” 
“Umalis si tita 3 years ago, nag-asawa ng iba tapos nakilala ni tito yung mama ni Aria and they married, kaya nung 2nd year si Aya lumipat siya ng school.” 
“Bakit hindi sila close?” 
“Dahil ayaw ni Rick, parang ikaw hindi niya matanggap na umalis mama niya.” 
“Hindi kami magkapareho no, hindi kami iniwan ni Mama for another man.”

“I didn't say that.” 
“Mukha namang mabait yung mama ni Aria a.” 
“She is. Yun nga lang talaga, ayaw ni Rick.” 
“Kung ganon naman pala, bakit naman hindi man lang tulungan ni Rick si Aria? She’s always being bullied.” 
“Kaya siya binubully kasi parang kasalanan din ni Rick, nung nalaman sa school na step-sister siya ni Rick, akala nila pag kinaibigan nila si Aria mapapalapit din sila kay Rick, so nung nalaman nila na hindi close yung dalawa at ayaw ni Rick sa kanya, the bullying started.”

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon