Chappie 53: Broken Heartbeats.

358 0 0
                                    

--->MAI<---
Next day loner na naman ang peg ko ngayong recess time at dito parin sa garden ako nakatambay, nakahiga lang ulit, nakatitig sa langit. Hindi pa ko kumakain, nakakatamad kasi e. Alam ko naman kasi na by now, siguro alam na ng buong barkadang nangyari kagabi samin ni Luisa. Ayokong marinig kung anong iccoment nila or kahit makita kung anong magiging reaction nila, pandagdag BV lang.

Sa totoo lang hindi ko alam kung kanino ba ko mas naiinis e. Kay Jasper ba dahil sa mga pang-aaasar niya, kay Dad dahil sa mga nangyayari sakin, kay ABItch dahil siyang salot sa buhay ko, kay Leslie at Desiree dahil sa patuloy nilang pang-iinis sakin, kay Gino ba dahil sa kakulitan niya. Kay Carlo sa mga biro niya. Kay Yssa dahil sa nangyare kagabi. 

O kay Rick.

Dahil kaibigan ko siya, naging malapit kami sa isa't-isa pero in the end, katulad din siya nina Mama na iniwan ako ng walang dahilan. Nawala yung taong kinasanayan ko katulad ni Papa. And at the thought of him, naramdaman kong medyo sumikip yung dibdib ko. Naalala ko yung pinag-usapan namin ni Josh.

"Oo nga kaibigan mo sya, pero anong pagkakaiba nina Yssa kay Rick?”
“Anong ibig mong sabihin?”
“E kasi nung nakaaway mo silang tatlo, wala kang kapaki pakialam. Dedma ka lang. Pero ngayong etong si Rick ang kaaway mo, bothered na bothered ka. Kung tutuusin nga kahit kapag tayong magkaaway di ka naman ganyan e. Baka naman may gusto ka sa kanya.”

Ano nga ba si Rick sakin? Bakit nga ba ko nagkakaganito? Bakit nga ba nabobother ako sa pag-iwas niya sakin? Bakit ba gustong gusto kong maayos na kami to the point na nakipag-away pa ko kay Yssa? Gago namang lalaki yun, akala mo kung sino, kinaiinisan ko lang naman siya a, si Yatot lang naman siya pero bakit parang ang sakit nung nawala siya?

Pakyu ka Rick! Gago ka! Pakyung retreat to, ang daming realization, hindi naman welcome. Gad! Get out of my system already!
 

"Oy, anong ginagawa mo dito?" Napalingon ako dun sa nagsalita. Si Gino, may dalang banana cue at Refresh. Hindi ako sumagot. Pinikit ko lang mata ko. Pakiramdam ko pagod na pagod na ko. Naramdaman kong naupo siya sa tabi ko. Bakit itong si Gino hanggang ngayon nadito pa? Siguro konti na lang, mapupuno na din siya sakin, siguro aalis na din siya't iiwan ako.

"Tingnan mo to. Kinakausap hindi sumasagot. Kumain ka na ba?" Tanong niya ulit.
"Umalis ka nga dito." Inis na sabi ko sa kanya.
"Tss. Ano na naman bang problema mo? Teka, kumain ka na ba?" Hindi ulit ako sumagot. 
"Tss. Eto, sayo na tong banana cue ko, nakakain na naman ako kanina e." This time binuksan kong mata ko at tiningnan ko siya, nakatingin din siya sakin.
"Bakit ka ba nandito?"
"Ano?" Tanong niya, naupo ako at humarap sa kanya.

"Bakit ang bait mo sakin? Bakit kahit na ang sama-sama ko sayo najan ka parin? Bakit mo tinitiis ugali ko? Hindi ka ba napapagod sakin? Hindi ka ba nagagalit sakin? Bakit hanggang ngayon nandito ka pa't tinitiis ako?" Hindi ko alam kung bakit, pero bigla na lang lumabas lahat ng yon sa bibig ko. Medyo nagulat si Gino pero nevertheless mabilis siyang sumagot, hindi yung pang-asar, yung seryoso, na ikinagulat ko din, tumingin siya sa taas bago nagsalita.

"Sa totoo lang, hindi ko din alam e. Mataray ka, lagi kang nakasimangot, palagi mo kong inaaway at binabara, lahat ng sabihin ko sayo kinakagalit mo, kahit anong gawin ko para sayo hindi mo naaapreciate, hindi mo napapansin pag-eeffort ko na ipakita sayong gusto talaga kita, sa tuwing kasama mo ko badtrip ka, at kulang na lang diretsuhin mong sabihin sakin na layuan kita. Ewan ko, siguro gusto talaga kita kaya kahit na ganyan ka, kahit na may pagka bipolar ka, kahit na napaka manhid mo, hindi parin kita magawang iwan, na kahit na mataray ka at pala simangot, gusto parin kitang kasama. Ewan, basta ang alam ko, kahit na anong gawin mong pagtaboy sakin, hindi ako lalayo sayo. Kahit na inis na inis ka na sakin, kahit na isuka mo na ko, hindi kita iiwan."

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon