Chappie 66: A Girl's Heart.

263 1 1
                                    

--->LUISA<---
Akala ko love triangle lang ang uso, pati pala love square uso nadin. And I never thought I'd be involved in one.

Ako si Luisa. Yssa tawag sakin ng madami.

At ako ang girlfriend ni Rick Montero. 

Si Rick na ang babaeng mahal ay hindi ako kundi si Mai De los Reyes.

Si Mai De los Reyes na girlfriend ni Gino Yoon.


Maniwala man kayo o hindi, pero promise. Coincidence lang naman talaga nung nakita ko sila sa shop. Hindi ko naman talaga alam yung route ng date nila e. Tinanong ko kay Julie pero hindi niya sinabi sakin. Tinatawagan ko si Rick pero hindi siya sumasagot. So I gave up looking for them.

At sino ba namang mag-aakala na kung kelan hindi pa ko nag-ttry saka ko pa sila makikita. Kung kelan wala akong balak na masaktan saka ko naman mawiwitness yung nakita ko kanina.

Pumasok lang naman kasi ako sa shop na yun dahil may gusto kong hanapin na libro, yun lang. Walang hidden agenda. Pero hindi libro ang nakita ko kundi silang dalawa.

Nasa loob ako nung classroom na kinon-vert into a cafe/bookstore. Sila naman nasa garden at nakaupo sa isang table. Hindi ko alam kung bakit as soon as I saw them e bigla akong nagtago. Instinct? I don't really know, I just did. I ducked behind a plant and stared at them.

Kita ko silang nag-uusap, kita ko sa mga mukha nilang seryoso sila at kita ko din bawat galaw nila. Yun nga lang hindi ko marinig kung anong pinag-uusapan nila.

Hindi ko naintindihan kung anong nangyare, pero biglang ngumiti si Mai at mabilis na lumabas ng shop, nagtago ulit ako at mabuti na lang dahil hindi niya ko nakita.

Ibinalik ko ang tingin ko kay Rick, nag-iisa na siya, nagsusulat sa isang papel. Lalapitan ko sana siya, I mean, bakit nga ba ako nagtatago? Girlfriend niya ko, anong kelangan kong ikatakot o whatever?

Lumabas ako sa likod nung halaman, lalapit na sana ako sa kanya nung makita ko yung mukha niya. Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko.


PLEASE PLAY THE SONG--------------------------------------------------->
BRIGHT LIGHTS AND CITYSCAPES-SARA BAREILLES
.

Akala ko pinaka-masakit na yung, malaman mo na yung taong mahal mo e may mahal ng iba. Hindi pa pala. Mas masakit pa pala yung, makita mo yung taong mahal mo na umiiyak dahil sinaktan siya ng taong mahal niya.

Bakit ganun? Ako yung girlfriend niya, ako na yung parati niyang kasama, ako na yung parati niyang kausap, ako na yung nagmamahal ng tapat. Pero bakit siya parin yung nasa puso niya?

Akala ko okay na ang lahat. Akala ko nakalimutan na niya si Mai. Akala ko matututunan na niya kong mahalin.

Ano bang meron si Mai? Bakit isang araw lang na sila yung magkasama pero parang nabura na naman ako sa puso niya?

At bakit ba parati na lang niyang sinasaktan si Rick?

Bakit ba hindi niya magawang magparaya? Masaya naman siya kay Gino diba? Bakit kelangan pa niyang magpabalik-balik kay Rick?

Lumabas ako nung shop, nakita ko si Mai na naglalakad palayo. I took a deep breath and followed her.

 

"Can we talk?" Tanong ko kay Mai nung tumigil siya sa paglalakad. Lumapit ako sa kanya. Madilim na at konti na lang yung tao sa labas, malamang nasa gym silang lahat. Naririnig ko yung tugtog ng banda sa dikalayuan.
"I don't know. Last time we did, you slapped me." Sagot naman niya nung humarap siya sakin.
"I promise I won't slap you this time." Hindi siya sumagot, nagsimula akong maglakad, masyado kasi kaming kita ng tao at masyadong private yung pag-uusapan namin. Sumunod naman siya sakin and we ended up by the lockers.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon