Chappie 21: Baby Take A Chance On Me.

363 0 0
                                    

--->MAI<---
Saturday morning at exactly 9 sinundo ako nina Aria at Rick sa apartment tapos mineet namin si Anne at Elmo sa Puregold. Pumasok muna kami sa Mcdo para magbreakfast at para na din magplano ng kung anong lulutuin namin. By 10 we decided to make Anne’s Salsa pomodoro alla pizzaiola, medyo mahirap yung pangalan but she say’s its very easy to make tapos blueberry soda daw naman yung drinks. So ayun, tumuloy na kame sa loob ng Puregold, okay naman yung pamimili, medyo matagal since malaki yung store and ang kulit nung dalawang boys! So after a few minutes of looking for the ingredients and an extra 30 minutes for the boys shenanigans nakalabas na din kame ng Puregold.

“So ano, kayo na lang Rick mag-uwi nitong mga to ha, besides kayo naman ni Aria yung may dalang kotse e.” Sabi ni Elmo as they loaded the shopping bags inside the car.
“E ano pa nga ba, tagal natin sa loob, gutom na ko!” sabe ni Rick.
“Malamang magugutom  ka. Ang likot niyong dalawa ni Elmo.” Sabi ni Anne.
“Tss. Para nagsasaya lang. Masama na bang magsaya ngayon.” sagot ni Rick.
“So ano? Kain muna tayo, gutom na talaga ko!” sabi naman ni Elmo.
“Wala naman akong pupuntahan kaya sige, sama ko, kayo ba?” tanong samin ni Anne.
“Okay lang sakin.” Sabe ni Aria, they looked at me. At kahit na busog pa naman ako umoo na lang ako, wala naman akong gagawin sa bahay e.

Habang nag-iisip sila kung san kami kakain, I opened my pouch to check my phone only to find that I actually brought along my Iphone instead of the 5130, so that’s why it wasn’t ringing. Sino ba naman kaseng normal na tao sa LA ang gising pa ng ganitong oras.

“Oo nga pala Mai, diba may date kayo ni Gino ngayon?” tanong ni Anne.
“Sinabi lang niya yun, pero I’m sure hindi yun seryoso.”
“Hindi ka ba tinatawagan o tinetext man lang?” Tanong ni Rick. Well, hindi ko alam since hindi naman yung 5130 yung dala ko, but I guess its safe to say na hindi, I mean kaya pa naman diba?
“No, he hasn’t.”
“So maybe he wasn’t serious after all.” Sabe ni Elmo. 

--->GINO<---
11:40 na, halos 2 oras na syang late. Asan na ba yung babaeng yon?! Grabe namang magpalate yun a. Nilabas ko yung cellphone ko at dinial ko ulit yung number niya. Nagring lang ulit at walang sumagot. Pucha naman! Ano bang problema nun? Pati pagsagot ng telepono hindi magawa? So I texted her for the umpteenth time.

Oii! Asan knb?—Taray.

Mag12 na, pano na yung pinareserve kong table sa Aristocrats. Tss, sumakay na ko sa kotse ko at dumiretso sa apartment niya, malapit lang naman yung kanila dito sa Mall, wala pang 15 minutes kung lalakadin at dahil nakakotse naman ako mas magiging mabilis, we can still make it.

Pagdating ko sa kanila, pinagbuksan ako nung landlady niya.
“Ano yun iho?” tanong sakin nung matandang babae.
“Najan ba si Mai?”
“Si Mai? Naku iho, kanina pang umaga umalis, sinundo nung kaibigan niya.”
“Ha? Saan sila nagpunta?”
“Naku, hindi ko alam iho, teka utoy, baka alam ni Nick. Teka’t tatawagin ko lang.” Tatalikod na sana yung matanda kaso pinigilan ko siya.
“Hindi na, sige na lang. Pasabi nalang sa kanya hihintayin ko siya sa mall.”
“Aba ay sige iho.” Tumango lang ako tapos umalis na din.

San naman kaya nagpunta yung babaeng yun? Sino naman kayang kaibigan kasama nun? Tss, mukha namang hindi sina Carlo, kung sila edi sana kasama si Nick. Tss, fuck. Kinuha ko ulit yung cellphone ko at dinial si Mai again there was no answer.

--->MAI<---
“Bye guys, Aria salamat sa paghahatid a.” I smiled at Aria as I got off their car.
“Akong nagddrive tas siyang pinapasalamatan mo?” Rick shook his head.
“Ewan ko sayo, sige na. Ingat!” sabi ko as they sped away. Nagtatakbo ko paakyat ng second floor since umuulan at wala akong payong. 1:20 na, nagtagal pa kasi kame sa Puregold dahil kina Elmo, nagyayang mag Funhouse, ayun naadik yung dalawa kaya nagtagal kami. I wiped the rain off my skin as I saw Nick outside his room.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon