Chappie 52: Team Building O Relationship Building?

331 0 0
                                    

--->MAI<---
"Uwi na tayo Nick." Sabi ko kay Nick nung nakasakay na kami ng kotse niya.

6:30 pm na pero nasa Nagcarlan pa kami. Simula kahapon pinuntahan na namin isa-isa yung nakalistang Anna Tizon dun sa mga hospital records, siguro lahat ng sulok ng bayan napuntahan na namin pero wala parin e.

Lahat sila hindi si Mama.

Pasalamat na lang talaga ko kay Nick kasi sinasamahan niya ko. Hindi ko kasi sinabi kay Jasper at Alice e. Natatakot kasi ako na once na sabihin ko sa kanila, baka sabihin nila kay Papa at pag nangyari yun baka pigilan niya ko at dalhin sa kung saan man and I can't afford that, not when I know I'm getting close to finally finding her.


--->NICK<---
"Salamat Nick ha, sorry kung naabala na kita, promise I'll pay you back." Sabi sakin ni Mai, nakatingin siya sa labas, halatang pagod pero kita mo parin yung determination sa mata niya, na kung maaga pa siguro e tutuloy parin siya sa paghahanap. 
"Wala ka namang dapat ipagpasalamat, I'm happy to help and you don't need to pay me back for anything, kaibigan kita so of course I'll help you." Ngumiti ako tapos nagthank you ulit siya.

Pinatulog ko na muna siya dahil alam kong pagod na pagod sya at dahil lalo lang akong nagguilty pag nakikita ko siyang nalulungkot dahil wala na naman pinatunguhan tong lakad namin. Tinutulungan ko siya dahil alam kong pag hindi ako nag-offer mag-isa lang siyang maghahanap. Maghahanap ng taong ayaw namang magpakita sa kanya. Nang taong wala naman sa list na binigay ng ospital sa kanya. 


--->RICK<---
"Wala pa sina Mai at Nick?" Tanong ni Nathalie nung dumating na silang dalawa ni Jacob sa meeting place namin sa may bahay kubo, retreat namin ngayon, and 10 minutes na lang kailangan na naming sumakay ng bus at umalis at hanggang ngayon wala parin yung dalawa.
"Wala pa e, tinatawagan ko si Nick di naman sumasagot." Sagot ni Carlo. Asan na nga ba yung dalawang yun? Konting minuto na lang, baka maiwan pa sila. 
"Baka naman nakalimutan nilang ngayon retreat natin? Sa dalas nilang laging MIA sa mga shopping trip natin, baka naman nakaligtaan na nila." Sabi ni Aya. Sa sinabi niyang yun, mas lalo akong kinabahan, don't get me wrong. Oo iniiwasan ko si Mai, pero kahit naman ganun ayoko namang maiwan sya sa trip na to. 
"Tawagan ko si Gino, baka naman sinundo niya si Mai." Sabi ni Josh, kaso yung tatawagan niya lumapit samin.

"Wala pa si Taray?" Tanong nya. 
"Wala pa. Hindi mo sinundo?" Tanong ni Josh.
"Hindi. Ni hindi nga ako tinetext nun e. Ano bang pinagkakabalahan nila ni Grayson? Parati na lang silang magkasama a?" Inis na tanong Gino.
"Teka, ayan na sila!" Sabi ni Aria na excited na nilapitan si Mai.

At ako naman, feeling ko nakahinga ako ng maluwag nung nakita kong dumating sila, mga mukhang pagod na mukha talagang nagmadali sa pagpunta siguro na late ng gising. Lalapitan ko sana sila, tatanungin si Maidita kung bakit sila late. Kaso naalala ko, hindi nga pala kami nag-uusap. Napatingin siya sakin at nahuli niya kong nakatingin sa kanya, magsasalita sana ako, kaso binaling na niya kay Aria yung tingin niya.


--->MAI<--- 
"Bakit ngayon ka lang? Muntikan ka ng malate a! Wala ba kayong relo nitong si Nick? Kung nagtetext ka lang, edi sana pinaalala ko sayo't sinundo pa kita sa apartment nyo." Sabi ni Yabang sakin. Ang aga-aga ang ingay ingay na agad ng lalaking to. Nakakairita.
"Pwede Gino, wag kang maingay. Sumasakit ulo ko sa kakasalita mo." Inis na sabi ko sa kanya. Oo, late kami, nalate kasi kaming parehas ng gising ni Nick. Dahil na rin siguro sa pagod ng kakahanap kay Mama, buti na lang nakapag empake na kami ng gamit the day before kung hindi baka naiwan na talaga kami.
"Tss. Nag-aalala lang sayo yung tao ang taray mo pa. Ibang klase ka din talaga. Akin na nga yang gamit mo. Baka maiwan pa lalo tayo. Tara na." Sabi ni Yabang. Kinuha niya kay Nick yung luggage ko at hinigit na ko papunta dun sa designated bus namin.

"Oo nga pala Mai, nakita ko to dun sa may locker mo." Binigay sakin ni Aria yung isang malaking brown teddy bear na may purple ribbon and letter. 
"Kanino galing to?" Tanong ko.
"Sus naman, tinatanong pa ba yan. Malamang kay SA." Sabi ni Bernice na katapat lang namin ni Aria.
"Wow. Bongga a. May teddy bear pa. Basahin mo yung note!" Urged Josh.

Hi Mai,
Happy Retreat:) Hope you have a good week and hope you enjoy. Let this teddy bear be your guard this 5 days and I hope it takes care of you coz I can't. People leave because they care, you may not see it now, you may not understand but maybe one day you will. Keep smiling and take care of yourself:)

"Bakit? Sino bang umalis?" Tanong ni Jacob. I shrugged. Sino nga ba? Kung si Tom naman yun, e ang tagal ko ng move on dun.
"Baka naman etong si Rick." Sabi ni Aya, and by the mention of his name, nasamid si Rick. Napatingin ako sa kanya, napatingin din siya sakin.
"Ano bang problema niyong dalawa? Ilang araw na kayong di nagkikibuan a." Sabi ni Carlo. Nakatingin parin ako sa kanya, tapos umiwas siya. Tss. Edi wag.
"Ewan, at wala akong pakialam." Umayos na ko ng tayo sa upuan ko at pumikit.
"Hay naku. Kayo talagang dalawa, nung mga nakaraang araw naman super close kayo na halos di naghihiwalay tapos ganito kayo bigla." Sabi ni Aya.
"Yaan mo na, retreat natin, baka mamaya magkabati narin yang dalawa." Sabi ni Carlo. Hindi na ko nagreact, pinilit ko na lang matulog. This is gonna be a long week.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon