Chappie 7: Mai's New BFF

387 0 0
                                    

--->MAI<---
Nung pumasok ako ng classroom umupo na ko sa upuan ko and just stared out the window, gusto ko na talagang umuwi! I miss everything about LA! Ano na kayang mangyayare? Talaga bang magsstay ako  dito for one whole year? Pano ng life ko sa LA? Gad! I can't do this!!

So ayun nagdedaydream lang ako ng biglang. BAM! Paglingon ko sa may pinto nadun na yung 3 bruha and not far from them is a girl na nakaupo, pinupulot yung mga gamit niya.

“Ano ba naman yan, bakit kasi pahara-hara ka!” iritang sigaw ni Leslie, hindi umimik yung babae si Leslie naman imbis na tulungan yung babae, inapakan pa niya yung notebook niya nung dumaan siya tas syempre yung dalawa nakigaya. Mean girls talaga.

I just shook my head, ni isa man lang sa mga malalapit sa kanya hindi man lang siya tinulungan. Lalapitan ko sana siya since naawa din naman ako kaso naayos na niya yung gamit niya and pumunta na siya sa upuan niya. Tapos a few minutes later dumating na si Miss Ramirez.

Naging mabilis lang yung araw for me, bad mood parin ako dahil dun sa nangyari two nights ago, akala ko nga makakalimutan ko siya kahit pano since nagkausap kami ni Alex, kaso wala rin e, nakakainis talaga. Lalo akong naiinis since I know busy si ABitch sa pagmamanipulate kay dad ngayon and eto ako nadito sa cursed school na to, nagpapabully sa isang midget, isang queen bee na hilaw, isang evil chinita and isang childish na lalaki. At ang pinakanakakainis e si Gino. Kada oras, kada minuto ako yung pinagdidiskitahan niya. Lagi nyang inaasar at ginugulo.

“Mukhang trip na trip ka ni Gino ahh.” Puna ni Rick nung magkakasama na naman kaming maglunch. I just frowned and picked on my food again.
“Wala ka na namang ganang kumain, Mai?” tanung sakin ni Aya.
“Huh? Ah, sorry, may iniisip lang ako.” I told her as I took a spoonful of food in my mouth. Kesa naman malecturan pa ko ni Aya no.
“Okay ka lang ba?” tanong sakin ni Josh. I nodded and smiled at him tapos tinigilan ko ng patorture sa pagkain ko at kumain na ako kahit ayoko. Ewan ko kung bakit pero, wala akong gana talaga. Siguro dahil talagang tamad na tamad lang ako. Hindi naman sa pihikan ako, kung tutuusin nga kahit ano kinakain ko. Maybe I'm just really tired.

After naming kumain tumambay kami sa may fields, since maganda yung tanghali, hindi masyadong mainit kaya dun sa ilalim ulit kami ng puno tumambay. Yung mga boys nagkakantahan, kami naman nagkukwentuhan lang, madaldal si Luisa puro sya kwento sina Aya at Bernice naman, medyo lang, most of the time nakikinig lang sila sa kwento ni Luisa. Among the things she told me, sina Josh, Carlo, Jacob, Nick may sariling banda called Stereo Hearts. Si Jacob and Nick vocalist, pero most of the time si Jacob yung kumakanta, guitar si Jacob and Josh, si Carlo naman yung bass, si Nick daw, talagang magaling sa mga instrument kaya kahit ano tinutugtog niya, drums, guitar, bass ang keyboard. Dati daw kasali si Rick sa kanila kaso due to his responsibilities sa Student Council hindi na sya madalas makasama sa mga gigs nila. 

Nung pumasok ako ng TLE, sabi nung isa naming classmate wala daw si Miss nasa meeting. Ngee, ano ba naman yun, wala pa kong 1 week sa school na to wala agad akong matututunan. So ayun, half ng kaklase ko naglabasan, free period daw kaya ayun, nagloiter lang sila sa labas yung other half naman nagkkwentuhan lang, ako hindi ko feel lumabas, wala naman akong makakasama e, tsaka pag lumabas ako baka guluhin ako ni Ginong Mayabang, buti nga lumabas din yun e.

So ayun nga nakaupo lang ako sa upuan ko, nakikinig dun sa mga kanta ng cellphone ko nung nakita kong mukhang binubully na naman yung girl kanina. Nakayuko lang siya kanina may hawak na pencil and open yung notebook niya, ewan ko kung nagsusulat or nagddrawing basta ayun, busy lang siya sa ginagawa niya dun ng biglang may humablot ng notebook niya, and syempre si Desiree yun.

"Akin na yan!" Malakas na sabi nung babae.
"Ayoko nga, siguro diary mo to no! Ano naman kayang mga nakakadiring bagay sinusulat mo dito?!" Sabi ni Desiree, nakangisi niyang sabi, habang naglalakad patalikod, palayo dun sa babae. Mag-isa lang siya ngayon, asan kaya yung dalawa?
"Desiree, ibalik mo yan. Please." Sabi ulit nung babae.
"Inuutusan mo ba ko? Ayoko nga!" Tawa niya, I rolled my eyes, kinacareer niya talagang pagiging villain no? And I guess, hindi naman masama kung once in a while e magtry ako maging hero. Wala naman kasing tumutulong sa kanya, lahat sila nanonood lang kahit mukha na talagang kawawa yung babae sa pagmamakaawa kay Desiree. Sakto naman na papunta sakin si Desiree and hindi niya ko pansin, so without even standing up, nakuha ko sa kanya yung binder.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon