Chappie 54: If only my feelings could be washed away in the sea.

313 0 0
                                    

--->MAI<---
Nakaupo ako sa buhangin ngayon, yung dalawa kong kamay nasa may likuran ko, at nakatingin ako sa dagat.

Click.

Humangin ng bahagya kaya hinawakan ko yung straw hat na nasa ulo ko.

Flash.

Tumayo ako at kinuha yung sandals ko, naglakad ng konti sa tabi ng dagat.

Click.

Click.

Tumigil ako sa harapan ng dagat, tinanggal ang straw hat at tumingin sa kaliwa ko.

Flash. 

"Good take! Thank you Miss Hutcherson! That was a great shoot!" Ngiti sakin nung photographer. Nilapitan ako ng ibang crew at kinonggratulate. 

Nasa Laiya parin ako ngayon, kakatapos lang ng photoshoot ko para sa isang magazine interview. Hindi na ko nagpalit ng damit dahil sa totoo lang tinatamad na ko. Naupo lang ako dun sa isang lounge chair habang yung ibang crew tinatapos na lang yung pagliligpit at aalis na rin sila.

So ayun nga, nakaupo lang ako dun, nakapikit at nagpapahinga ng may narinig akong mga boses, napakunot yung noo ko. Natutulog na ba ko? Nananaginip ba ko? Coz I swear I just heard Josh and Rick's voices. 

"Wow! Kakatapos lang ba ng photoshoot dito?"
"Astig! Sana inabutan natin!"

Napabalikwas ako ng upo at tumingin sa paligid ko. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Shit! Anong ginagawa nila dito? Napatago ako sa upuan, nakatingin sa kanila, nagmamasid. Hindi ko alam kung pano ko sila haharapin. Anong sasabihin ko?

And then it hit me, ano nga bang kinakatakot ko? I'm Channely right now, hindi ako si Mai na kaklase or kabarkada nila. Wala akong issue sa kanila, diba? Ako yung childhood friend ni Rick, hindi yung...

yung babae na kilala niya sa school. Chanelly and Mai are two different persons.

I need to act cool. Right? I took a deep breath tapos naupo ako ng ayos. I did my yoga breathing and then I heard Josh ask where I was.

Medyo pinagpawisan ako, but nevertheless, sinuot ko yung shades ko at prenteng naglounge, pumikit pa ako as if sobrang peaceful ko lang, kahit na deep inside parang nagmamarathon ako sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. 

"Pinsan!" Tawag sakin ni Josh, niyakap niya ko sa pagkakaupo ko. Yumakap naman ako, yung yakap na halos sinasakal ko na siya. 
"Anong ginagawa niyo dito?" Bulong ko sa kanya. 
"Magsswiming." Sagot naman niya.
"Gago ka talaga, sinabi ko na sayong ayokong sumama sa inyo diba."
"Ano bang inaayaw mo? Wala ka namang ginagawa dito, nabobored ka lang. Kaya dito ko na sila dinala."
"Alam mo namang merong..."
"Oo nga, may issue si MAI sa barkada, pero si CHANELLY, wala." Humiwalay si Josh sa pagkakayakap sakin.
"Come on Mai, tama ng pagtatago mo. Sooner or later you're going to have to face them, think of this as practice." Hindi na ko nakasagot dahil lumapit na samin si Rick.
"Hi Chachoy! Miss mo ko no!" Masaya niyang ngiti sakin, napayuko lang ako tapos tumayo na ko sa pagkakaupo ko.
"Hi Rick." Bati ko sa kanya. Tapos ayun, nagsipaglapitan na samin sina Aria, laking gulat ko na lang ng makita kong may isa pa silang kasama. Pati siya? Joke ba to?
 

--->GINO<---
"The number you dialed is either unattended..." Inend ko yung tawag at tumingin sa paligid. Tss. Ano na naman bang ginagawa ng babaeng yun? Kanina pang hindi sumasagot ng tawag o text, sabi niya kanina maliligo lang siya, wag mong sabihing nalunod na yun sa banyo nila?

"O pare? Anong ginagawa mo jan?" Tanong ni Carlo sakin, nasa Laiya kami ngayon, sa beach house ng pinsan ni Josh, yung model na si Chanelly Hutcherson. May outing kasi silang magkakabarkada dito, narinig ko lang kay Rick nung isang araw. Sumama ako sa pag-aakalang baka kasama si Taray, pero mukhang hindi naman.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon