Chappie 71: Coming Undone.

183 0 0
                                    

--->MAI<---
I stared out the horizon, umaga na pala. Hindi ko man lang napansin. Halos isang linggo na ang nakakaraan after nung lunuran episode namin ni Leslie. Wala pang isang araw na nangyari yun marami na agad nagbago sa school. Yung mga taong galit na galit sakin at harapan akong pinahihirapan, sila ang nangungunang sumipsip nung pumasok ako kinabukasan. People came to me like ants as if the past few days didn't happen. They kept trying to keep me company, they gave me gifts, talked to me all the time and after one day of that horror, hindi na ko bumalik. Kahit Christmas Party hindi ako umattend.

I don't need fake friends, I have lots of them back in LA.

Nasa lumang bahay namin ako ngayon, dun sa tinitirihan namin dati kapag umuuwi kami dito. Dumating na si Nay Tabs at si Tasia from LA. So any hopes of going back there for the holidays is a dud. Kami lang lima ang nasa bahay but it still feels crowded to me and it's starying to feel harder to breathe.

I looked at my painting, isang landscape with dandelions flying around. Pinunit ko siya from my easel, nilamukos at saka itinapon sa basurahan. I've been painting since last night. Hindi ko alam kung anong oras akong nagsimula. Ubos ng papel ko pati narin mga pintura ko pero hanggang ngayon wala parin akong natatapos o nagagawa na nagustuhan ko. Everything just went in the trash.

I gave up trying and I laid down the floor. I closed my eyes. Hindi ko na matandaan kung kelan ako nakatulog ng maayos, kung kelan yung huling gabi na natulog ako at nagising ng magkaibang araw, kung kelan ako nakatulog ng hindi nagigising sa bangungot.

I always feel tired, bored, sleepy... empty. But no matter how much I try to lull myself to sleep, hindi parin ako makatulog ng mahimbing, kahit na pagod ng isip ko't katawan, hindi parin ako mapakali, hindi ako makapagrelax.

Something's wrong.

I know what it is.

I need help.

I need it and I don't want it at the same time.

"Mai! I'm so glad to see you! Kamusta ka na?" Bati sakin ng isa kong tita ng pumasok ako sa bahay. Buti na lang konti pang tao sa bahay kaya hindi ako masyadong nagtagal sa batian session. Dumiretso ako sa kusina kung saan alam kong busy si Mamu.

And just like I anticipated she was there cooking up a storm. She kissed me hello and offered me some snacks which I declined. Nasa ancestral house kami ngayon nina Mamu. Isang malaking hacienda na pinagpasapasahan ng angkan nila. Mamayang gabi gaganapin dito yung annual Christmas Party ng pamilya at ng ilang piling malalapit na kaibigan.

After 3 years ngayon lang ulit ako nakabalik dito. Last time I was here, kasama ko si Mom at Dad. We were happy, we were together. Sinong magaakalang sa sunod na pagpunta ko mag-isa na lang ako.

2pm pa lang, ilan pa lang sa mga kamag-anak namin ang nadito, lahat sila nasa loob, yung mga babae either tumutulong kay Mamu sa pagluluto, or nasa kani-kanilang kwarto at naghahanda na, yung mga lalaki naman malamang nag-ggolf o nasa shooting range. Yung mga pinsan ko, siguro nasa ilog na ngayon. Niyaya nila kong sumama sa kanila, umoo ako just to get Alice off my back. But as soon as alam kong hindi na nila ko binabantayan nagpaiwan na din ako at nagpunta sa tree house.

Nasa likuran yun ng maids quarters at sa tabi ng swimming pool. Malaki yung tree house parang katulad nung tree house sa High School Musical pero hindi detachable yung roof. Matibay parin sya even after 10 years, palagi parin kasing pinapamaintain ni Mamu dahil dito madalas naglalaro ang mga bata naming pinsan namin and minsan kahit kaming matatanda na, dito tumatambay.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon