Chappie 14: The Bet and a Surprise.

367 1 0
                                    

-->MAI<---
3rd day ng Intramurals, hindi na kami nagopen ng booth. Malaki na kasi yung naipon naming pera kaya all day nanood lang kame ng mga laro. Championship na kase and syempre seniors ang champion. Maagang natapos yung performance ng Drama Club kaya by 5 pm uwian na.

Mag-isa ako ngayong uuwi since may mga gagawin pa daw sina Aria, nagvolunteer ako na hihintayin ko sila, kaso bigla naman akong tinawag ni Jasper, may pag-uusapan daw kami. Yun naman pala aalilain lang ako sa pag-gagawa ng kung anu-anong sketch para sa art class next week.

It lasted only for a few minutes so I decided to look for Josh and the others kaso hindi ko naman sila mareach so no choice naglakad na ko pauwi. Kelangan ko na din naman itago yung Iphone and yung emergency money ko. Baka linisin ni Alice or kung sino man yung kwarto ko while I’m away, mahirap na ring malaman ni Dad.

--->GINO<---
“Pre, baka naman matunaw na niyan si De los Reyes? Kanina mo pang tinitingnan e.” Puna sakin ni Miggy.
“Ulol! Anong kanina pa, kalalabas lang niyan, ngayon lang natin nakita!” Angal ko.
“Sus, tol naman, buong araw tayong magkakasama. Basta makikita mo yan tinititigan mo na agad. Kahit nga kaninang naglalaro tayo e. Panay tingin mo.” He laughed, kaya binatukan ko naman sya.
“Ulol!”
“Pero pre, anung masasabi mo? Sexy din niyang nerd na yan noh?” sabe naman ni George. 
“Tss. Manyak ka talaga.” Tawa naman ni Miggy.
“Pero alam mo pre, pansin ko lang talaga, ibang-iba yan sa mga babae dito.” Sabe ni Jimbo.
“Anong iba?”
“Kasi tingnan mo ha, lahat ng babae sa campus patay na patay sayo. Lahat sila mamatay matay sa pagpapapansin sayo. Kahit nga si Leslie nagkakandarapa sayo e.” Sagot ni Jimbo, correction hindi lang mga taga dito nagkakandarapa sakin, kahit mga taga-ibang school at college students.

“Your point?” tanong ko.
“Point is, yang si De los Reyes, kaisa-isang babaeng lagi mong pinapansin, inaasar, and galit siya sayo imbis na magkandarapa sayo.” I frowned.
“Oo nga pre, pansin ko din yon, parang walang epekto ‘charm’ mo sa kanya.” Dagdag ni Miggy.
“Tss. Nagpapakipot lang yang babaeng yan, I’m telling you. One of this days magkakandarapa din yan saken.” Wala pang babaeng hindi nainlove kay Gino Yoon and that nerd will not be an exception.
“Anu, bet?” tanong ni Miggy.
“Bring it on. Give me a month, mapapasagot ko rin yan.”
“A month ka jan, pre promdi yan. Promdis are hard to get. I’ll say until next year.” Sabe ni Jimbo.
“Tss. No way men, until Christmas. Kayang-kaya ko yan. If I win, you guys are going on a date with Desiree. If I lose, I’ll treat you on an all expense paid trip.” I smirked. Mai de los Reyes, you're going down.

--->MAI<---
Nasa labas na ko ng school, ng may tumigil na kotse sa tabi ko. It honked twice, tumigil ako, baka si Alice to, kaso nung bumaba yung window I instantly wished I didnt stop kasi si Gino yung nagddrive.
“Oii! Mag-isa ka lang?” tanong niya.
“Nakuu hindi, dami ko ngang kasama o. Pakilala ko sila isa-isa sayo.” Irap ko sa kanya tas naglakad na ulit ako. Napatingin samin yung ibang estudyanteng naglalakad din.
“Tss. Kinakausap pa kita, Taray.” Sabe niya his car slowly following me, hindi siya mag-isa sa loob, as usual kasama niyang mga alipores niya.
“Stop following me.” I hissed at him.
“Sakay na, hahatid na kita.” What? Did I hear him right? hahatid ako? Puh-leeze, baka reypin lang ako ng mokong na to and by this time, lahat and I mean lahat ng nasa paligid namen nag-gasp sa narinig nila. Tsk, drama much?!

Hindi ko siya pinansin, kaso as always he's persistent.
“Come on, free ride na ayaw mo pa.”
“Tsk, pwede ba, kaya kong maglakad pauwi. Leave me alone!” I yelled at him. Akala ko pababayaan na niya ko but to my utter surprise bumaba siya ng kotse niya and by this time.

AGAIN.

Nag-gasp sila AND some where taking out their phones and I believe its either their taking a picture or a video. Wow, mini paparazzis, may future sila. 

“Take my car home. Mag-ingat ka, pag may nakita ako kahit gano kaliit na gasgas, patay ka sakin!” Narinig kong sabi niya kay George. Nagtuloy-tuloy na ko sa paglalakad knowing what's to come and I was right, in no time at all, his car sped past me and he was already by my side.

“Get away from me.” I muttered at mas lalo kong binilisan yung paglalakad ko.
“Tss. Bakit ba napakapakipot mo. Hahatid ka na nga o.” Sabe niya easily catching up with me.
“I didnt ask you.” I glared at him.
“Alam mo, dapat nga matuwa ka pa e, kahit kelan di ko pa ginagawang maghatid ng babae.” He smirked.
“Bahala ka na nga.” Nasa pangalawang kanto na kami from school at hanggang ngayon kasabay ko paren tong lalaking to. Grabe! Kung dati na nagtataray siya pag iniinis ko, ngayon mukang pinipigil niya, nagssmirk lang siya or lolokohin lang din niya ko. bahala siya, kung ayaw niyang umalis e di wag.

Malapit na kami sa apartment, mga 2 bahay na lang yung layo ng tumigil ako.
“Dito ka nakatira?” tanong niya sabay tingin sa bahay na tinigilan namin.
“Hindi. Just go home already.” I glared at him.
“Tss. Hindi naman pala to e, bakit tumitigil pa tayo? Tara na.” Sabi niya.
“Hindi ka ba talaga aalis hangga’t hindi mo ko nadadala samin?” tanong ko sa kanya tumango lang siya. Tsk. Bayae na nga, wala naman akong magagawa e. Kaya naglakad na ulit ako, nung narating ko na yung gate ng apartment, as soon as I opened the smaller one may mga poppers na pumutok at may mga sumigaw ng

“ADVANCE HAPPY BIRTHDAY MAI!!”

Isa sa mga ayaw ko since mom left were surprise parties. Hindi ko na siya naeenjoy, kaya nga yung party ko dito pinaalam sakin ni Josh e instead of surprising me, kase alam nilang ayoko na ng ganun. Usually kasi before si Mama yung lageng nag-oorganize ng surprise party ko.

Sina Aria yung nag surprise sakin. Nakatawa silang lahat, except kay Josh na mukhang napipilitan lang sa pagngiti. Bago pa ko nakapagsalita, tinulak ako papasok ni Gino na nasa likod ko. 

“Birthday mo?” tanong niya, sina Josh naman halatang nagulat at nakatingin sila kay Gino.

“Bakit naman pumayag kang ipaghanda nila ko?” inis na tanong ko kay Josh ng kumuha ko ng juice.
“Sorry, hindi ko naman napigilan sina Aya e, kanina ko lang din nalaman.” Sabi niya, I just frowned tapos bumalik na ko sa upuan ko. Sa garden sila naghanda, sabi nina Aya, si Jacob daw yung nagsuggest na ipaghanda ako, kinausap naman daw ni Nick si Aling Meding para payagan sila, ayun eto na nga yung result.

Simple lang naman yung handaan since 10 lang kame plus isang uninvited na mokong. May tig-1 malaking tray ng lasagna and spaghetti, may mga hotdogs on sticks with marshmallows, soda’s and choco mousse yung cake ko. Si Josh daw yung nag-suggest na choco mousse yung bilhin nila so at least kahit konti napatawaad ko na siya.

Anyway pare-parehas lang naman kaming nagulat since nagulat din silang kasama ko si Gino na ngayon e kausap nina Carlo, painom-inom ng coke.

“G-Gino? Anung ginagawa mo dito?” tanong ni Chris nung may at least 30 seconds na walang nagsasalita.
“Hinatid ko lang si Taray, birthday niya?” I rolled my eyes.
“Hindi. Kaya pwede ba, umalis ka na.” Tulak ko sa kanya.
“Tss, e bakit sabe nila Happy Birthday?!”
“Narinig mo naman pala e, bakit nagtatanung ka pa.” Inis na sagot ko sa kanya.
“Ano… bukas pa yung birthday niya, pinaghanda lang namen siya ngayon kase wala siya bukas.” Sagot ni Luisa.
“Ahh, okay. Advance Happy Birthday to you then.” He smiled, I frowned. 

At kahit pinapauwi ko na siya, he ended up staying and ‘partying’ with us. 

Ano ba talagang nasa isip nitong lalaking to or better yet, may utak ba siya?

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon