Chappie 50: The Unwritten Rule of Loving.

344 0 0
                                    

--->NICK<---
“Wala parin ba? Hindi ka parin ba tinatawagan?” Tanong sakin ni Mai, nasa liblary kami ngayon, recess time and may hinahanap akong libro para sa next subject namin, sumama lang si Mai dahil gusto niya kong kulitin.
“We only sent the request this morning.”
“Oo nga, kaninang umaga pa! Shouldn't there be something right about now?”
“Mai, lahat ng nagtatrabaho dun may ginagawa, may kaniya-kaniya silang trabahong kailangan nilang unahin, nakikisuyo lang tayo, we’re lucky if we got some result by tomorrow.”
“Tomorrow?! Nick, your dad’s not just a doctor he’s the president, can’t you do something to make it fast?” I shook my head.
“I can’t. Besides you told me not to tell my dad who you really are and ilan ba sa tingin mo ang taong may pangalan na Anna Tizon?”
“I dont know. But it wouldn't be that hard.”
“Ilan bang clinics meron yung hospital? Iisa-isahin pa nila yun, yung emergnecy room records, and marami pang iba. Just be patient.”
“Sigh, fine!” she grumbled.

In the end ayaw paring pumayag ni Tita na magpakita kay Mai, kahit na anong gawin naming pilit ayaw parin niya. That’s why I’m only pretending to help her. Hindi ibibigay ng hospital yung totoong records ni Tita Emily, although tama si Mai to think na hindi gagamitin ni titang tunay niyang pangalan. Anna Tizon. She was right on that one too.

Kaso habang tumatagal, naaawa ako sa kanya, she’s determined to find her mom, only the one she's fervently looking for, doesn't want to be found. Siguro consolation prize na lang na nakilala niya si Charlie and speaking of the brat, mukhang nararamdaman niyang related sila ni Mai. Hindi naman kasi madaldal si Charlie e, most of the time he plays by himself, he doesn’t even talk much but when he met Mai, he just kept talking, kahit na wala namang sense sinasabi niya, and the once selfish kid even offered his favorite Skittles. Gaya nga ng parating sinasabi ni Dad matalinong bata si Charlie and mukha namang nagustuhan din ni Mai si Charlie since she looked like she was having fun yesterday, siguro totoo nga yung ‘lukso ng dugo’.

“Ano bang gagawin mo pag nakita mo na mama mo?” tanong ko sa kanya. She took a deep breath and sat down on one of the step ladders.
“I don’t know, maybe I’ll hug her, cry in her arms, maybe I’ll even yell at her, tatanungin ko siya kung bakit niya ko iniwan, kung bakit siya umalis ng ganun na lang. I guess her answer wouldn’t even matter, I’ll hold on to her real tight, and this time… hindi ko na siya bibitawan, kahit anong sabihin niya, ni papa or kahit na sino pa… hindi ako bibitaw, sasama ko sa kanya, kahit san sya pumunta.”

I couldn’t help but stare at her, sa twing magsasalita kasi siya about kay Tita Emily she makes this expression na parang ang saya niya, na parang relaxed na relaxed siya, sa dami ng mga pictures niyang nakita ko sa magazines o sa tv, sa mga moments lang na ganito ko siya nakikitang totoong masaya, yung totoo niyang emosyon. And after listening to her, I feel guiltier than ever.

Gusto ko siyang tulungan, gusto kong sabihin sa kanya yung totoo. Na kilala kong nanay niya, na alam ko kung nasan sya, na kapatid niya si Charlie, na kilala ko kung sino talaga siya bago pa niya inamin sakin lahat kahapon.

Kaso...

Ano namang karapatan kong gawin yun? Grabe. Ang hirap ng sitwasyon na to. Nang sinabi ko kay Tita Emily na tutulungan ko siya, hindi ko naman inakalang magiging close ako kay Mai, akala ko nun hindi ko siya magugustuhan, na maiinis lang ako sa kanya, mag-aaway lang kami most of the time dahil spoiled brat siya.

Malay ko bang mabait pala siya kahit na spoiled brat sya, na marunong siyang tumulong sa iba at umunawa. 

At malay ko bang mapapalapit palang loob ko sa kanya, sa punto na nalilito na ko sa dapat kong gawin.

 
--->MAI<---
“Oii Taray.” Called the ever annoying voice of Yabang. Hindi ako lumingon. Bakit? Hindi naman Taray pangalan ko a. Naupo siya sa tabi ko since umusod si Nathalie.
“Oii, tinatawag kita.” Sabi niya sakin.
“Last time I checked, my name’s Mai, not Taray.” Irap ko sa kanya.
“Tss. Ayun din yon. Ano naman yang kinakain mo?” Tanong niya.
“Sour Tapes. Galing sa secret admirer niya” Sagot ni Nathalie para sakin.
“Tss, secret admirer na naman? Stalker lang yan.” Sabi ni Gino. Napaubo naman ng malakas si Rick, nasamid sa iniinom niyang Mogu-mogu which is akin nga pala for everyones information, ewan ko dito, past time na niyang angkinin mogu-mogu ko e. Akala mo kung sinong pulubi na hindi kayang bumili ng sarili niyang inumin.

“Ayan, kasi naman. Ayaw bumili ng sarili niyang inumin. Lagi na lang pakihati.” Pang-aasar ko sa kanya, tapos kinuha ko yung mogu-mogu ko.
"Teka nga, bakit ba lagi kang pakihati sa inumin ni Taray pare?" Sabi ni Gino kay Rick.
"Wala. Gusto ko lang." Sagot ni Rick.
"Tss, bahala ka pare, pag nagkasakit ka sa kakahati dito kay Taray." Hinampas ko siya.
"Gago ka, anong tingin mo sakin? May TB?" Irap ko sa kanya.
“Tss, TB agad? Puro Candy binibigay sayo, hindi na ko magtataka if one day sumakit yang ngipin mo.”
“Blah blah, wag ka ngang bitter. Besides, I love the candies he’s been giving me, tsaka F.Y.I hindi naman puro Candy binibigay niya sakin no.” I rolled my eyes at him.
"Pero Mai gusto mo bang makilala tong… secret admirer mo?” Tanong ni Aria.
“Well… yeah, it would be nice to meet this generous candy giver, para makapagpa thank you man lang ako.” I answered her.
“Stalker nga yan.” Kontra na naman ni Gino.
“Wag ka ngang nega. He doesn’t seem like a stalker to me. If he was, he’d harass me, and yung mga notes niya, it’s sweet it doesn’t feel like he’s constantly watching me, just that he notices when I’m down or something.” I shrugged.

"Tss, binibigyan ka lang ng candy at ng 'notes' tuwang tuwa ka na."
"Oo, kumpara sayo na puro BV binibigay sakin."
“At least I’m here to cheer you up, instead of just sending you cheesy notes and candies.” Grumbled Gino.
“Oh, someone’s jealous.” Whispered Carlo. Napatingin ako sa kanya, and I remembered my crying episode last Monday and I instantly blushed. Hindi na namin pinag-usapan yung pag-iyak ko non, probably because we never had the chance to but if he ever did. Man, it’s gonna be awkward. I still can't believe I cried in front of him.


--->GINO<---
"O, si Mai at Rick na naman magkasama?" Sabi ni George nasa quadrangle kami, nakaupo lang. Walang klase e, at ayun nga, tinuro niya sakin si Taray at Rick na nagtatawanan, habang naglalakad. Sila lang ulit dalawa, asan na sina Carlo? Silang magkakasama kanina a?
"Parang madalas ata silang magkasama ngayon." Sabi naman ni Jimbo.
"Shit pare, baka naman sinusulot na ni Rick si Mai sayo?"
"Gago ka ba."
"Tss, pare may possibility no. Hindi mo ba napapansin? Marami ng lalaking umaaligid kay Mai, marami ng nakakapansin na maganda siya." 
"Gago ka ba? Si Taray, maganda? Hindi no!"
"Sus naman pare, hindi mo naman gagawin yung dare kung hindi maganda si Mai no. Sige ka, baka may makaagaw sayo, at malay mo yung kaibigan mo pa." Sabi ni George.

--->RICK<---
"Rick!" Tawag sakin ni Gino, naglalakad ako papuntang classroom kasama si Mai. 
"Tss. Ayan na naman ang hoodlum, una na ko sayo." Sabi ni Maidita tapos ayun nga nanguna na.
"Tss, problema nun?" Sabi ni Gino nung inabutan na niya ko.
"Sino pa ba pare? Malamang ikaw." Sagot ko, medyo natatawa.
"Tss. Baliw talagang babaeng yun." Uminom ako dun sa hawak kong bote ng Mogu-mogu.
"Kay Taray na naman ba yan?" Tanong niya sakin.
"Hindi no. Akin to. Siyang nakikiagaw sakin kanina, sa susunod nga bigyan mo na ng isang truck ng mogu-mogu yun. Adik na dito e." Tawa ko naman. Hindi sumagot si Gino.

"Tapatin mo nga ako pare." Sabi niya, tumigil siya sa paglalakad, mukhang seryoso kaya tumigil din ako sa paglalakad.
"May gusto ka ba sa kanya?" At dahil sa gulat ko, nasamid ako sa iniinom ko.
"Pare naman! Ano bang klaseng tanong yan?" Sabi ko, pero deep inside natotorete na ko, nahalata na ba niya ko?
"Wala lang, sina Jimbo kasi, kung ano-anong pinagsasasabi."
"Gago talagang mga yun."
"Pero pare, ano nga? Gusto mo ba si Mai?" Hindi agad ako nakasagot, pano ba naman ako sasagot? Ano bang sasabihin ko. Aamin ba ko?

Alin bang pipiliin ko? Kaibigan ko o yung babaeng sa tingin ko e mahal ko na?

"Hindi, wala. Kaibigan lang turing ko sa kanya. Kaibigan lang." 

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon