Chappie 52.3: Team Building O Relationship Building?

338 0 0
                                    

--->MAI<---
Day two ng team building, and truthfully ewan ko kung may team ba kaming nabubuo sa grupo namin. Isa't kalahating araw na kaming gumagawa ng mga iba't-ibang activities pero most of them has always been unsuccessfull.

Pano ba naman kasi kami magiging team? It's either Leslie's sabotaging me, Rick refuses to interact with me or I'm too pissed to even help them. Pasalamat na lang siguro kami kasi may naisip na strategy yung tatlo naming group members para at least e may magawa naman kaming tama and right now I just cant wait for this day to end pero bukas yung recollection and spiritual blah naman yung gawin namin. Para naman magkalabo-labo na kami at hindi ko na maging kagroup yung dalawa.

"Kamustang group niyo? Mukhang improving kayo a. Di na kayo parating last." Biro ni Carlo nung nagsama-sama kami para maglunch. Inirapan ko siya. Gago din talagang lalaking to.
"Oo nga pala Rick, sabi ni Ms. Ramirez after nating kumain pumunta tayo sa kanya." Sabi ni Luisa. Tumango lang si Rick. Tapos nagcomment na naman si Carlo.
"Wow, ang sweet naman, parang kelan lang nag-iiwasan kayong dalawa tapos si Mai yung parating nagreremind sayo ng mga duties mo, tapos ngayon baligtad na. Yung totoo Rick, ano bang cycle yan?" Napatingin ako kay Rick, hindi siya umimik, kung tutuusin may point yung sinabi ni Carlo, pero kahit may point siya nakakainis parin mga jokes at pang-aasar kaya tumayo na ko't umalis.


--->NARRATOR<---
"Carlo naman kasi, ano ba naman yang bunganga mo! Wala ka ba talagang preno?" Hampas ni Aya kay Carlo.
"E anong gagawin ko? Ang awkward lagi pag magkakasama tayo. I was just trying to lighten the mood."
"Gago ka, sa ginawa mo ba, tingin mo naging 'light' yung mood?" Inis na sabi ni Nathalie.
"Pare, ano ba talagang problema?" Tanong ni Josh kay Rick, nagtingininan silang lahat kay Rick, si Rick naman hindi makasagot. Pero bago pa siya mapilit nina Josh na magsalita, nagsalita si Luisa.
"Rick! Hindi ka pa ba tapos? Tara na! Marami pa tayong gagawin." Sabi niya kay Rick. Mabilis na tumayo si Rick.
"S-sorry guys, marami pa kong gagawin e. A-no, kita kita na lang tayo mamaya." Pagkatapos nun, nagmadali silang lumabas ng dining hall ni Luisa. Nagkatinginan yung mga naiwan sa table.
"Bakit parang hindi na nawalan ng dramang barkada natin?" Sabi ni Jacob.
"I guess it's part of growing up." Sabi naman ni Nick. 


"Yssa!" Tawag ni Bernice kay Luisa na mag-isang naglalakad papunta ng garden, tumigil naman si Luisa at inintay sina Bernice at Aya.
"Tapatin mo nga kami." Sabi ni Aya.
"Ano bang ginagawa mo?" Sabi ni Bernice.
"Ha? Anong ibig niyong sabihin?"
"Si Rick, ikaw at si Mai. Ano bang nangyayari?" Sabi ni Aya.
"Ha? Anong klase analogy yan? Wala no. Basta ang alam ko may pinag-awayan yung dalawa ni Rick, that's it, ano namang kinalaman ko diyan."
"I don't know, why don't you tell us. Yssa, we're friends here. We know somethings wrong with them, pero ikaw? Anong ginagawa mo? Alam naming may alam ka, why don't you tell us?" Sabi ni Bernice.
"Wala akong alam."
"Don't lie, the way na sinave mo si Rick from the interrogation makes you guilty." Sabi naman ni Aya. Hindi nagsalita si Luisa. Pero dahil babae si Aya at Bernice at dahil when it comes to this, girls knows best, wala mang sinabi si Luisa, naintindihan na nila.
"May gusto ba si... Rick kay Mai?" Tanong ni Bernice, tumango si Luisa.
"Oh my god! Does she know?" Umiling si Luisa.
"Ayaw niyang ipasabi, guys! Please, wag niyong sabihin kay Mai." Tumango naman yung dalawa.
"So kaya pala iniiwasan ni Rick si Mai."
"Pero ikaw Yssa? Anong ginagawa mo? Bakit kahit alam mong gusto ni Rick si Mai, why do you still hang with him? Lalo ka lang masasaktan." Sabi ni Bernice. Naiyak si Luisa, tumulo na yung luhang matagal niyang tinatago.

"Alam ko, okay lang naman ako, kahit masakit na nakikita kong mahal niya si Mai, kahit na masakit na alam kong hindi niya ko gusto, na nagmumukha akong panakip butas, na kahit na rebound lang ako, masaya na ko kasi at least kasama ko siya, na at least nagiging normal kami ulit. Hindi naman ako umaasa na mahalin niya din ako, basta masaya na kong okay ulit kami." 


--->GINO<---
Kalalabas ko lang ng kwarto nung nakita ko si Taray na paakyat. Nilapitan ko siya at as usual nakasimangot na naman siya.
"O, anong nangyari sayo? Naubusan ka ba ng pagkain?" Biro ko sa kanya.
"Pwede ba Gino, tigilan mo ko. Wala ko sa mood makipag-away sayo." Mukhang bad mood talaga to a, akalain mong sinabing pangalan ko. Brrrr. Nakakakilabot. Parang nakaka ano. Shit! 

"Wag mo nga kong tawaging Gino." Sabi ko sa kanya.
"Ano?" Napatigil siya sa paglalakad at tumingin sakin.
"Sabi ko wag mo kong tawaging Gino."
"Ikaw atang gutom e, Ginong pangalan mo tas ayaw mong magpatawag ng Gino? High ka ba?" 
"Tss. Hindi, basta. Ikaw lang. Ayokong tinatawag mo kong Gino. Ang pangit e, hindi bagay sayo."
"Tss, high ka nga. Pangalan mo yun e, anong gusto mong itawag ko sayo."
"Kahit ano, Yabang naman parati mong tawag sakin a, yun na lang."
"Akala ko ba naiinis ka pag tinatawag kitang Yabang." 
"Oo nga, basta. Kahit ano wag lang Gino." Napailing siya tapos kinuha yung susi ng kwarto nila.

"Ang labo mo. Jan ka na. Gino." Ngumisi siya tapos pumasok na. Tss. Pambihira, nang-asar pa. Naglakad na ko pababa ng nakasalubong ko si Jimbo.
"Pare, anong nangyari sayo? Ba't parang ang pula mo?"
"Ha?"
"Ang pula ng mukha mo, parang kinikilig, o baka naman..." Ngumisi si Jimbo.
"Gago ka!" Sinunutok ko siya sa balikat, tumawa naman ang gago.
"Ingat ka pre, itago mong maigi, baka mahuli tayo. Asbok tayo kay Jasper." At bago ko pa siya nasipa, nagtatakbo na paakyat ang gago habang tumatawa. Tss. Si Taray lang yun, si Taray na sobrang taray at laging nakasimagot. Ano bang kagaguhan nangyayari sakin? Ano bang pakiramdam to. Tss.  

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon