Chappie 13: Sweetness Alert!

382 0 0
                                    

--->MAI<---
July 20, first day ng Intramurals and marami ngang tao. Nasa may quadrangle ng HS Building yung booth namin, which is consisted of the pergola at the middle and a little stand na may sign. Nag-gagarage sale kami ng damit and mga kung anu-ano na nakolekta namin sa buong school and as of 2 pm of the first day. 800 pesos pa lang nakokolekta namin out of all the millions of trash the school gave us.

"This isnt working! Wala man lang lumalapit sa booth naten!” sabe ni Luisa dejectedly, kakatapos lang niyang magpamigay ng flyers para sa booth namin kasama si Bernice at Josh, at hanggang ngayon hindi paren sila nangangalahati.
“Ni wala ngang gustong kumuha ng flyers natin e.” Sabi ni Josh, naupo siya sa tabi ko.

I looked at the flyers and frowned, sino ba naman maeenganyong kumuha ng mga to e masyadong plain, nasa yellow colored paper lang siya may nakaprint lang na Garage sale for the Day Care Center tas picture nung kids sa center, logo ng school. Ganun lang, sino ba naman kasing gumawa nito?

Bored na bored na ko. Katabi ko si Aria at si Jacob, nagkukwentuhan lang kami. Nakaplain na v-neck white shirt lang si Jacob at may hawak akong fabric pen, washable naman. Hindi niya napansin dinodrawingan ko na yung sleeve ng shirt niya.
“Uy! Anong ginagawa mo jan.” Sabe ni Jacob nung napansin niyang kinukulayan ko yung shirt niya.
“Wag kang malikot, patapos na.” Sabe ko. Hindi nga siya gumalaw.
“Washable to, wag kang mag-alala. Yan, tapos na. Masyadong plain damit mo e.” Sabe ko.

Tiningnan niya yung sleeve niya na dinrowingan ko ng gitara and sa ilalim pangalan niya.
“Wow, magaling ka pa lang magdrawing.” Sabi niya. Ngumiti lang ako, tas yun namang red shoes ko yung dinrawingan ko ng vines with flowers and pangalan ko.

“Ikaw Aria, san mo gustong magpalagay?” tanong ko, ngumiti siya.
“Dito na lang sa shirt na to, hindi narin naman ata to magagamit e.” Sabi niya kinuha niya yung isang plain white shirt sa plastic na binigay ng school tapos dinrawingan ko ng outline ng babae tapos may hawak na baloon. Tapos ginupit ni Aria yung sleeves, para hindi masyadong mahaba.

“Alam niyo pwede kayong designer, galing niyong dalawa e.” Sabi ni Jacob. Pinatong ni Aria yung white shirt sa may side kase medyo basa pa yung pens. Naglalaro na lang kame ng PSP ng may lumapit kina Aya.
“Magkano yung shirt na yon?” tanong nung babae.
“Anong shirt?” Tanong ni Luisa. Tinuro nung babae yung damit ni Aria.

“Kanino to?” tanong ni Bernice.
“Ay, sakin yan.” Sabe ni Aria.
“Sayo?” tanong ni Josh.
“Oo, kinuha ko dun, tapos dinrawingan ni Mai, tas ginupit ko.” sagot ni Aria.
“You guys did this?” tanong ni Luisa.
“Yeah.” Sabe ni Aria.

“Then pwede mo ba kong ipag-gawa? May mga white shirts pa naman kayo diba?” sabe nung babae.
Aya’s eyes widened and in no time at all, kumalat sa buong school na gumagawa kami ng personalized shirts and ng kung ano-ano pang bagay na meron sa booth namin. Instant money maker kami ngayon ni Aria.

4 pm, nagsialisan na yung mga tao sa booth namen. 2 straight hours din kaming 'nagdesign' ng damit. Grabe! Who knew something like this would bring in customers. Man! I’m beat!

“You guys are lifesavers!” sabi ni Aya as she hugged Aria and me.
“Kung hindi dahil sa inyo, siguro masstuck tayo sa 800 lang.” Sabi ni Bambi.
“Oo nga, hindi niyo man lang shinare samin na designer pala kayo.” Ngiti ni Luisa.

Ngumiti lang ako, tapos nagpaalam ako sa kanila na maghihilamos lang ako ng mukha, nung naglalakad ako papunta ng CR sa lahat naman ng pwede kong makita si Gino pa, and to think whole day ko rin siyang hindi nakita. Iiwasan ko sana siya thinking na baka hindi niya ko pansin kaso malas ko lang ata talaga kasi nakita niya ko.

Tumigil siya sa paglalakad tas pinauna niya yung mga kasama niya, katatapos lang atang magshower since medyo basa yung buhok niya and may towel na nakaslung sa balikat niya. Lalampasan ko na dapat siya kaso hinarangan niya ko.

I Don't Want to Fall in Love&lt;/3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon