Chapter 8

2.6K 62 1
                                    

"Bukas ay aalis na ka na sa pamamahay na ito,Andrea. Sasama ka na kay Blade dahil mula ngayon pagmamay-ari ka na niya."

Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang makarating sa kwarto namin ni Yaya Portia. Sa mga sinabi sa akin ni Papa Melchor kanina ay para akong nawalan ng lakas at batid kong mababaliw ako sa kakaisip kung bakit niya ginagawa ito sa akin.

"Andiyan ka na pala,Ana. Anong sinabi sa'yo ng Papa mo? Bakit ka niya ipinatawag kanina?" Agad akong dinaluhan ni Yaya Portia at tumabi siya sa akin sa pagkakaupo sa gilid ng aking higaan.

Hindi ko na napigilan ang pag-uunahan sa pagpatak ng aking mga luha. Kanina ko pa ito gustong pakawalan pero nagpigil lang ako dahil kapag umiyak ako sa harapan ni Papa ay baka pagbuhatan na naman niya ako ng kamay.

"A-Aalis na daw ako dito bukas,Yaya." pagsusumbong ko pa kay Yaya Portia kasabay ng aking paghikbi.

"Ano? Bakit? Bakit ka aalis?" sunod-sunod niya pang tanong sa akin.

"Hindi ko rin lubos na maintindihan si Papa,Yaya. Hindi ko alam kung bakit. Kanina nang ipinatawag niya ako ay sinabi lang niyang bukas daw ay kukunin na ako ni Blade. Yung lalaking nagpunta dito kahapon. Siya na daw ang bagong may-ari sa akin,Yaya. Pakiramdam ko basta-basta na lang akong ipinamimigay ni Papa. Ganun ba talaga ko kawalang halaga sa kanya? Kahit pa anong tanong ko ay hindi niya ako mabigyan ng matinong sagot.Bakit? Bakit ganito si Papa? Hindi ako pwedeng umalis rito,Yaya. Hindi pwedeng wala ako rito pagbalik ni Mama."

"Baka ito na yung sinasabi ng mga tauhan ng Papa mo." ani Yaya.

Napamaang ako. Anong ibig niyang sabihin?

"A-Ano po ang ibig niyong sabihin?" pagtatanong ko pa.

Ngayon ay nakita kong hilam na rin sa luha ang mga mata ni Yaya. 

"Narinig ko kasi kaninang nag-uusap ang mga bodyguard ng Papa mo. Yung binatang bisita ng Papa mo kahapon ay ang may-ari pala ng kumpanyang pinagkakautangan ng Papa mo. Napakalaking halaga ng utang ng Papa mo sa taong iyon,Ana."

"Blade. Blade yung pangalan niya,Yaya."sambit niya.

Simula nang makita niya kahapon ang binata ay hindi na ito maalis sa kanyang isipan. Lalo pa nang nagpakilala ito sa kanya ay mas tumatak pa ang pangalan nito sa utak niya. Unang kita pa lamang niya sa lalaki ay agad na siyang napahanga sa angking kagwapuhan at kisig nito. 

Hindi naman siya mang-mang para hindi humanga sa isang katulad nito.Inaamin naman niyang may atraksyon agad siyang naramdaman para rito ngunit alam niyang hindi siya bagay sa lalaki. Ang isang katulad ni Blade ay hindi mag-aaksaya ng panahon sa kagaya niya at lalong-lalo ng hindi magkakagusto sa babaeng tulad niya. 

Kung ihahalintulad niya si Blade sa mga lalaki sa pocket book na nababasa niya,ay para itong prinsipe kung saan mahirap abutin sa aliping katulad niya. Ang babaeng nababagay rito ay maganda,sexy at galing rin sa mayamang pamilya.

 At wala siya ni isa man sa mga katangiang iyon. Isa pa,natatakot rin siya. Natatakot siyang si Blade ay katulad ng kanyang ama. Maamo ang mukha ni Blade pero batid niyang may pagka-misteryoso din ito. 

Ang hindi niya maintindihan ay kung paano siya nasali sa negosyo ng kanyang ama? At bakit siya pag-mamay-ari ni Blade?

"Gi-ginagawa ba akong pambayad ni Papa sa utang niya,Yaya? Yun ba?"

Umiling si Yaya pero batid kung kahit di man niya sagutin ay tama ang hinala ko.

"Hindi ko alam,Ana. Ang tanging alam ko lang ay papalugi na ang negosyo ng ama mo. Alam mo namang matagal ng lulong sa sugal ang Papa mo at napapabayaan na niya ang pag-aasikaso ng kompanya niyo kaya naman hindi malayong ganun nga ang nangyayari ngayon." malungkot pa niyang saad.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon