"Sigurado ka bang okay ka lang dito mag-isa? Wala si Yaya Miranda,hindi siya makakapunta dito dahil katulong siya ngayon ni Mommy sa flower shop niya." pahayag ni Blade habang papababa kami sa hagdanan.
Matapos akong mahimasmasan kanina ay hinintay niya muna akong makaligo at makapaglinis ng katawan bago siya. Kusa na lang siyang lumabas kanina noong nasa banyo ako. Awkward naman kung makita niya akong nakatapi lang ng tuwalya kahit pa alam kong nakita na niya akong hubad, pero iba naman kasi ang sitwasyon kanina. Hindi ako nakaramdam na nabastos niya ako kanina. Sa halip ay ako pa itong nahiya dahil sa kadramahan ko ay nadamay pa siya at maging problema ko ay alam kong pinoproblema din niya. I know hindi niya akong gustong iwan kanina ngunit nangibabaw ang respeto niya sa hiling ko. Pumasok lang siya ulit sa kwarto niya matapos kong gumamit ng banyo. Habang nasa banyo siya ay lumabas ako ng kanyang kwarto at pumasok sa kwartong inilaan niya noon noong una akong dumating sa bahay niya. Nandoon pa rin kasi ang bag ko na naglalaman ng kokonti kong mga damit. Yung mga pinamili namin ni Blade ay nasa closet ng kwarto niya.Nahihiya naman akong isuot na ang mga iyon. Pakiramdam ko ay hindi bagay sa akin ang mga mamahaling damit. Isa pa'y nakasanayan ko na rin ang kung anong meron ako. Siguro sa ibang pagkakataon ay maisusuot ko ang mga iyon. Pag may lakad o lalabas ng bahay. Sa ngayon,pinili kong isuot ang nakasanayan ko ng damit pambahay,long sleeves na may kanipisan pero hindi naman kita ang bra ko at paldang hanggang tuhod.
Nang masigurado kong okay na ako ay saka pa lamang akong lumabas ng kwarto ngunit laking gulat ko nang pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakatayong si Blade na nakabihis ng puting long-sleeve na nakatupi hanggang siko at naka-blue faded maong pants siya.
May lakad kaya ito? tanong ko sa sarili.
"I thought umiyak ka naman." aniya.
Sa halip na tugunin ay napangiti na lang ako. Nang tignan ko siya ay nakita kong titig na titig siya sa akin.
"Bakit?" nagtataka kong tanong.
"You smile." wika niya. " You should do that often. I like to see you smile. You are more beautiful when you smile,Andrea."
Napalunok ako sa turan niya. Para bang nanghina bigla ang tuhod ko. Sa klase ng titig niya,para akong nahihipnotismo at tinatawag ng kanyang mga mata. Bigla tuloy akong na-conscious. Mukha na ba akong okay? Di na ba namamaga mata ko? Hindi ba ako maputla at mukhang ewan? Wala akong make-up sa mukha kasi hindi ako mahilig sa ganun at isa pa wala ako niyon.
Kailan ka pa na-conscious sa itsura mo,Andrea?
"Ahm,aalis ka?" pag-iiba ko na lang. Hindi niya ako nilubayan ng titig. Para bang naghahamon siya kung sino sa aming dalawa ang unang susuko sa pakikipagtitigan. Alam naman niyang nahihiya ako sa kanya.
"Yeah. Pupunta ako sa opisina."
"Ng ganito ka-late?" Did she just said that? Gosh,ano ka ba,Andrea? You sounded like a wife!
Nakita ko ang pagsilay ng munting ngiti sa labi niya. Napapikit na lang ako sa kahihiyan.
Halos manindig balahibo ko nang maramdaman ko ang kanyang presensya sa aking harapan. Pakiramdam ko hindi ako makahinga. Kahit hindi ako dumilat ay alam kong ang lapit-lapit na niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang mainit na hininga sa aking noo at ang kanyang napakabangong amoy na sumasagi sa aking ilong.
God! This man is the death of me!
"Tell me if you don't want me to go,Andrea and I will." aniya.Bakit ang sexy ng boses niya bigla?
Hindi pa rin ako dumilat. Ayokong titigan siya. Alam kong parang kamatis na sa pula ang mukha ko.
"You can open your eyes,baby." usal pa niya.
BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Roman d'amour" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]