Chapter 45

1.6K 28 2
                                    

"Saan mo ba talaga ako dadalhin,Blade?" pangungulit ko kay Blade.

Kanina pa ako tanong ng tanong kung saan niya ako dadalhin. Naka-blind fold ako at kasalukuyang iginigiya ako ni Blade sa paglalakad. He didn't allow me to wear any heels which is mabuti dahil medyo malayo-layo na itong nilakad naming dalawa ngayon.

Sunday ngayon. I woke up feeling so anew. I decided to let go of my thoughts about Aling Alona. Naisip kong hindi nga naman tamang ipilit ang gusto kong mangyari dahil mas lalo lang akong madi-disappoint. At sa kalagayan ko ngayon, I realized na I have to take good care of myself dahil may dinadala na ako. Ipinaubaya ko na lang sa diyos ang pagkakataong makita muli ang nanay ko. Naniniwala kasi akong kusang darating ang gusto kong mangyari sa tamang panahon. Marahil hindi pa ito ang tamang panahon para makilala ko ang tunay kong nanay.

"Blade, ano ba? Saan mo ba talaga ako dadalhin ha?" ulit ko.

He just chuckled. "Easy sweetheart. It's a surprise kaya I can't tell you just yet."

Sa halip na magtanong pa ulit ay nagpatianod na lamang ako sa paggiya sa akin ni Blade sa kung saan man niya ako planong dalhin. May nararamdaman akong parang buhangin na pumapasok sa aking sapatos. Naisip ko kaagad na nasa tabing dagat kami dahil bukod sa buhangin ay naririnig ko ang mahihinang hampas ng mga alon at ang magkahalong lamig at init na hangin na dumadampi sa aking katawan. Pero kung nasa beach nga kami bakit wala na akong ibang marinig na ingay? Walang mga tao kung ganun?

Huminto kami ni Blade galing sa medyo may kalayuan naming nilakad. My heart is racing so fast at magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko. 

"We're here, sweetheart." wika ni Blade na unti-unting tinanggal ang aking piring. Medyo wala akong masyadong maaninag ng tuluyan nang nawala ang pagkakapiring sa akin pero hindi naman din iyon nagtagal.

"Welcome to our beach wedding, sweetheart.." muling nagsalita si Blade. Akala ko noong una ay namali lamang ako ng rinig sa sinabi niya ngunit nang makita ko ang kapayapaan at ang saya sa kanyang mukha ay napagtanto kong totoo nga ang narinig kong sinabi niya.

Beach wedding? As in kasal namin ngayon!

Hindi ko maitago ang aking kasiyahan kaya naman kahit naguguluhan ay napangiti ako dahil sa sobrang saya at napayakap sa kanya.

"Blade..."

"This is my surprise for you, sweetheart.." bulong niya pa sa akin.

Wala akong maapuhap na iba pang salita kundi ang magpatianod na lamang sa kanyang hila sa akin papunta sa may maliit na altar. Everybody's watching our every move at hindi ko talaga malaman kung ano ang dapat kong sabihin sa mga nangyayari ngayon.

"Simulan niyo na father yung kasal."aning boses sa isa sa mga kaibigan ni Blade dahilan upang mapalingon ako sa mga naroroon.

Andoon si Yaya Poring na masayang nakangiti sa akin katabi naman niya si Papa. Ang parents ni Blade, at ang mga kaibigan niya.

"Sweetheart..." pukaw ni Blade sa akin. Bumalik ang titig ko sa kanya. Mas lalo pang nadagdagan ang kagwapuhan ni Blade sa kanyang suot ngayon. He is wearing a cream colored tuxedo with white long sleeves under it ganun din ang pang-ibaba nito. Hindi ko mapigilan ang aking sarili kundi ang humanga sa kanya. Hindi na yata ako masasanay na ganito kagwapo ang laging kasama ko at habambuhay kong makakasama.

"You look  more beautiful in your white dress, sweetheart." sabi pa niya.

"Salamat. Ikaw din naman ang gwapo mo talaga.." hindi ko mapigilang sabihin iyon.

Kaya pala kanina ay nagulat na lamang akong may nakahanda ng damit sa kama matapos kong maligo. Hindi man ang naiimagine kong damit pangkasal na nakikita ko sa simbahan at sa mga boutique, pero pang modern ang style ng damit ang suot ko ngayon. I remember one time na nakikita ko na ito sa mga magazine na binibili ni Blade para sa akin. He wants me to look at wedding gowns noong nasa kasagsagan pa lang kami ng pagpi-prepare sana sa gagawing kasalan namin ngunit marami na ang nangyari mula noon kaya siguro ay imbes na hintaying pumayag ang Lolo Steven niya ay minadali na lang ni Blade ang kasalan namin. I know naman na ikakasal din kami eventually pero hindi ko lang inaasahan na ngayon talaga.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon