Chapter 12

2.6K 85 2
                                        

Nagising akong may yumuyogyog sa aking mga balikat. Pagdilat ng mga mata ko ay mukha ni Blade ang nakita ko. Muntik pa akong mapasigaw nang naramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin. Kaya naman sa gulat ko ay agad akong napabangon ng upo.

"Ka-kanina ka pa ba?" sabi ko nang di siya matignan sa mga mata.

"Yeah..I mean no..technically..." aniya sa kung hindi ako nagkakamali ay nahihiyang tinig niya.

Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita kong medyo pumula ang mukha niya.

"Tapos na akong magluto kanina pa. I came to check on you pero nakatulog ka kaya hindi muna kita ginising." pahayag niya.

"A-anong oras na ba?" tanong ko.

Sumulyap siya sa kanyang relong pambisig. " It's past 3 in the afternoon now."

Napatakip ako ng aking bibig sa nalaman. Ilang oras ba akong nakatulog?

Napayuko ako dahil sa matinding kahihiyan. "So-sorry..."

"Oh no,it's fine. I'm glad you were able to rest and nap at the same time. Kumusta na ang pakiramdam mo?Okay ka na ba?" aniya.

"O-okay na ako kaysa kanina. Salamat,Blade." sinserong turan ko.

Nakita ko ang pagsilay ng munting ngiti sa kanyang labi. May ganito ba talagang mga lalaki sa realidad kung saan ang pula ng labi? Parang ang sarap halikan?

JUSMEYO dragong malandi! Ano ka ba Andrea! Maghunos-dili ka! Santisima! Yan ang napapala mo sa kakabasa ng mga pocket books ni Yaya Portia!

Ilang sandali pa ay nagsalita muli si Blade na titig na titig pa rin sa akin.

"I brought you your food,Andrea." wika pa niya na sinundan ko ng tingin nang abtin niya ang tray na may lamang pagkain sa katabing bed side table ng kama.

Inilagay niya iyon sa harapan ko.May kanina,adobong manok at soup pa ang naroon. May isang slice din ng cake. 

"Ikaw ang nagluto ng lahat ng ito?" biglang tanong ko.

"Yeah. Wala kasi akong katulong at tagaluto. Actually,si Mang Alfonso lang ang tumatao rito sa bahay ko. Minsan lang kasi akong umuuwi rito. Kadalasan,I stayed in my condo kasi malapit iyon sa office ko."

"Condo? May condo ka pa bukod rito?" hindi ko maiwasang magtanong ulit. So,gaano ba talaga kayaman itong si Blade? At ilang bahay na uuwian ba ang kailangan ng isang tulad niya?

"Yeah. But since I am planning to settle down soon ay balak kong ipagbili iyon and I will stay here for good.With you." makahulugang wika ka nito.

Halos mamigat na sa pamumula ang mga pisngi ko. I'm blushing for pete's sake at sa harapan pa niya! Hindi naman ako masyadong mang-mang para hindi maintidihan ang kanyang ibig sabihin. Oo nga at wala akong karanasan tungkol sa mga bagay na ito at ito'y bago lahat sa akin pero hindi ko pa rin maiwasang kiligin.

"Hey,are you okay? You're spacing out?" untag niya pa sa akin nang mapansin niyang nakatulala na lang akong nakatitig sa kanya at hindi na ako nakapagpatuloy sa pagkain.

Nang tanungin ko siya kung kumain na ba siya ay oo ang sagot niya. Sinabi niya ring nauna na siyang kumain dahil kailangan niyang sumaglit sa opisina kanina habang tulog ako. May trabaho daw siyang dapat puntahan. Meeting ata.

"O-okay lang ako. Sorry.." I don't know how many times na akong humihingi ng sorry. Marahil kasi ay sanay na akong nagsasabi niyon kahit pa wala akong nagagawang kasalanan.

"Stop saying sorry,will you? " natatawang saad niya.

Tumango naman ako agad. 

"You know what,I don't know if this is the right time to tell you this but I want you to know that I want things to work out for us,Andrea. Di ba nasabi ko na sa'yo kung bakit ka na-involve sa ganitong sitwasyon? I know you're thinking that I am only doing this to get even with your father because of his debt to my company. However,I am also doing this to help you. I know wala pa akong karapatang panghimasukan ang buhay mo dahil hindi pa tayo mag-asawa,but we will be soon,Andrea kaya naman gusto kong magsimula tayo. Maybe we could start getting to know each other. "

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon