Chapter 27

2.5K 64 2
                                        

Nakakatuwang isipin na sa hinagap ay hindi ko naimagine ang sarili kong makasalamuha ang mga taong kasama ko ngayon. They are so real and genuine yet they aren't perfect. Who would have thought that I'll be able to be interacting naturally with Blade's friends. Hindi ako nakaramdam ng pagkailang at pagka-intimidate kasi kung kanina ay kinabahan akong hindi nila ako magugustuhan para sa kaibigan nila,ngayon ang lahat ng agam-agam na iyon ay bigla na lang nawala. Hindi ko sila kinakitaan ng pangmamata. I wonder if Blade told them about who I really am. At yung kung paano kami nagtagpo ni Blade. And I wonder if they knew my father since ang alam ko ay parehong nasa business world ang mga ito.

"Would you like to drink? Do you want to go with me? O-order lang ako ng Martini ulit."

Napalingon ako kay Krista. Siniko niya ako. Nakita kong ubos na ang sinasabi niya kaninang Martini. 

"Hi-hindi kasi ako umiinom,Krista eh." wika ko. Nahihiya ako dahil baka isipin niyang killjoy ako.

Napangiti siya sa akin.

"Why don't you try? Total,it won't make you drunk naman unless you have a low alcohol tolerance. But since sabi mo never mo pang na-try uminom,then let tonight be your first time." 

Hindi ko alam kung paano magre-react. Honestly,I wanted to say no but I don't want to disappoint her. Kaya naman tumango na lang ako.

"Yay! Let's go!" masayang wika niya saka niyakag niya akong patayo. Nakita kong napalingon sa amin sina Blade.

Buong pagtataka ang nababakas sa mga mukha ng tatlong lalaki.

"Sa bar lang kami,Hon." narinig niyang paalam ni Krista kay Rob. Siya naman ay sinulyapan si Blade. Nginitian siya ng binata at tumango ito.

Wala na siyang magawa nang hilahin siya ni Krista. She admire how confident Krista walks kahit pa nakaka-intimidate ang klase ng mga tinging itinatapon ng mga kalalakihan na nadadaanan nila. She knew that they were looking at Krista. Ang ganda naman kasi nito. Bagay sa kanya ang blonde nitong buhok kahit pa na maiksi. She looks like a barbie at papasa itong modelo.

"Two orders of Martini,please." sabi ni Krista sa bartender nang marating namin ang counter. Luminga-linga ako. I still couldn't believe I'm actually here. I saw how people were freely dancing it's as if there's no tomorrow. Napangiti ako sa aking sarili. Dati,sa mga pocketbooks ko lang nababasa ang mga ganitong eksena. Yung bidang lalaki at babae,nasa isang bar at kalimitan ay dito pa nagkikita at iyon na ang simula ng kanilang love story.Iba pa rin talaga pag mismong sarili ko na ang nasa sitwasyon. Kung dati sa bahay lang ako lagi ngayon dahil kay Blade pakiramdam ko ay nagiging normal na tao ako. Gusto ko ring maranasan lahat ng mga bagay na matagal ko ng ini-imagine lang. Tao lang din naman ako. May gusto at mga pangarap sa buhay. Gusto ko ring matuto sa pamamagitan ng sarili kong pagkakamali. Pakiramdam ko kasi noong nasa bahay pa ako ni Papa,para akong buhay sa patay na katawan.Siguro masasabi kong ang pagdating ni Blade sa buhay ko ay isang biyaya at habambuhay kong utang sa kanya iyon.

"Are you okay,Andrea?"

Napatango ako kay Krista. Larawan siya ng isang babaeng masaya at para bang wala siyang matinding pinagdaanan sa buhay. Hindi ko maiwasang isipin kung paano nagsimula ang love story nila ni Rob. Fairytale? Naniniwala ako sa fairytale pero alam kong iilan lamang ang may ganoong klaseng love story.

"Alam mo,kung di ko pa kilala si Blade mula mga bata pa lang kami,iisipin kong pinilit ka niyang maging asawa."

Nagulat ako sa sinabi ni Krista. Para bang biglang umurong ang dila ko.

"Pa-paano mo naman nasabi yun?" 

"All four of us grew up together. We became friends and all. Our families have close ties with each other. They treated me like a sister that's why they were so protective of me. Vince is the happy go lucky among them,Blade is the serious type na may pagka-goffy once in awhile but sa tatlong lalaking yun,Blade has the most kindest heart. Si Rob ko naman,he is like the neutral one. We actually are quiet opposite,Rob is sometimes quiet ako naman yung maingay. Yung nagkakasundo kami is we both are aggressive on everything." makahulugang turan nito sa huling salitang binitawan nito.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon