"Blade,sigurado ka na ba talaga na pakasalan ako?" diretsahang tanong ko kay Blade ng pareho na kaming nakahiga sa kama. Hindi siya pumayag na matulog ako sa kwartong inilaan niya noong unang araw ko sa pagdating sa bahay niya. May isang parte sa akin na tutol sa set-up naming ito dahil una ay natatakot akong baka ipagkanulo na ako ng umuusbong na damdaming namumuo sa aking puso para sa kanya. Hanggang ngayon ay nalilito pa rin ako sa aking sarili. Tama bang makaramdam ako ng ganito sa napakaikling panahong nakilala at nakasama ko siya? Posible bang mahulog ang loob mo sa isang taong hindi mo pa lubusang kilala? At pangalawa,may isang parte sa akin na gusto siyang makasama at makatabi dahil sa pakiramdam ko ay walang sinuman ang pwedeng manakit sa akin hangga't nasa tabi ko si Blade. Na para bang hindi na ulit ako dadalawin ng mga hindi magandang panaginip sa akin pagtulog kapag alam kong andyan lang siya sa aking tabi.
Naramdaman ko ang paggalaw niya sa tabi ko. Nilingon ko siya at nakita kong nakaharap na siya sa akin. Kahit pa may unan sa sa gitna namin ay pakiramdam ko'y anumang oras ay ang lapit-lapit namin sa isa't-isa. Nanunuot pa rin sa aking ilong ang kanyang shower gel.
Hindi muna siya nagsalita. Pinakatitigan lang niya ako na para bang pilit na binabasa ang nasa utak ko.
"Are you having second thoughts?"
Hindi ako nakaimik. Sa mga sandaling iyon,nakalimutan kong wala nga pala akong karapatang tanungin siya dahil sa ako pala ang kapalit sa pagkakautang ni Papa. O sadyang may gusto lang akong malaman? Gusto kong malaman kong ano ang kanyang nararamdaman para sa akin,pero baka masaktan lang ako. Ang mga tulad ko'y para lamang sa mga katulad ko din. At si Blade, hindi siya nararapat na mahalin ng isang kagaya ko. Parang isang napakalaking pangarap na lang siya sa akin kapag mamahalin niya ako kung sakali man.
"Hindi naman sa ganun. Naisip ko lang baka napipilitan ka lang na pakasalan ako dahil sa utang ni Papa sayo at sa pamilya mo. Hindi ko din kasi alam kung mababayaran ko ba yun habang mag-asawa tayo. Wala akong maibibigay sayo,Blade kundi yung katapatan lang bilang asawa mo."
Halos magsitindigan ang aking balahibo ng naramdaman ko ang kanyang kamay sa aking mukha. Hinaplos-haplos niya iyon at napapikit pa ako. Para bang akong biglang nakalma sa ginawa niya. Bakit ganito? Bakit tinatraydor ako ng puso ko?
"I told you before,Andrea,we're going to work this out. I know we didn't know each other that long and alam ko ring iniisip mo na pakakasalan lang kita dahil ikaw ang naging pambayad ng ama mo sa utang niya. I get all of that,Andrea and I understand why you feel this way. I just want you to trust me on this. We will work this out. Okay?" sabi niya sabay ng paglamlam ng kanyang mga mata na nakatitig pa rin sa akin.
Sa halip na sagutin siya ay tumango na lamang ako.Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang lahat ng takot at pag-aalinlangan ko kanina ay nawala. Marahil ay batid ko ang sinseridad sa kanyang mga sinabi.
Habang tinitignan ko ang kanyang mga mata,wari ba'y tumatagos sa aking sistema ang kanyang titig. Halos mabingi na nga ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam. Ganito ba talaga ang epekto sa akin ni Blade? Simpleng titig at paghawak lamang niya sa akin ay nagreregudon na ang puso ko?
Hindi ko na alam kung gaano kami katagal nagtitigan sa isa't-isa. Ang alam ko lang mukha niya ang huling nakita ko bago pa tuluyang pumikit ang mga mata ko.
"Goodnight,Andrea." halos pagbulong na usal ni Blade sa nakapikit na ngayong anyo ng dalaga.
He could still feel the softness in her skin. God! If only she knew how much he wanted to kiss her goodnight. He must be crazy for feeling this way towards her. Who would have thought that his feelings for her will be this deep in an instant. He didn't expect that she's going to be the reason why his heart won't remain in it's calm pace. Every time she's with him,lalo lamang siyang nahuhulog rito.
Marahil ay sobra itong napagod kanina sa paglilibot nila sa mall. Even if she asked him not to buy her things ay wala pa rin itong nagawa. He could tell that she's not the kind of a woman na materialistic. When he brought her to the branded clothing store ay nahiya pa itong pumili when he asked her. Good thing na pinsan niya ang may-ari,si Lulu. Walang nagawa si Andrea kundi ang tumango na lamang sa mga piniling damit ng kanyang pinsan. Andrea wanted a one dress only but they he ended up buying all the clothing that Lulu suggested na babagay sa kanya. From there ay sinamahan din sila ni Lulu na mamili ng mga sapatos at bags. He could tell how frustrated Andrea was earlier.Siguro ay masyado lang itong mabait kaya hindi na lang ito tumanggi pa.
He wouldn't mind spending a lot for her. After all,she's going to be his wife. As much as possible,he wanted to provide all the things she wants and needs. Walang kaso sa kanya iyon. He wanted her to have the life she deserves to have.
BINABASA MO ANG
In Your Loving Arms
Romantizm" I let if fall,my heart and as it fell,you rose to claim it. It was dark and I was over until you kissed my lips and you saved me..." [Adele -Set Fire To The Rain]