Chapter 4

2.6K 61 2
                                        

Papunta na sana ako sa kusina nang masulyapan kong abala si Yaya Poring sa pag-papalit ng mantel sa dining area. Kaya naman out of curiosity ay nilapitan ko siya. Late akong nagising dahil sa kakagaling ko lang sa lagnat bunga nang pagpaparusa ulit sa akin ni Papa kahapon. Bumigay na kasi ulit ang katawan ko dahil sa mga sugat na natamo ko.

"Yaya..." namamaos ko pang tawag kay Yaya.

Sandali siyang tumigil sa kanyang ginagawa. Nang makita ako ay nag-aalala niya akong nilapitan.

"Ana..anong ginagawa mo rito?Bakit bumangon ka pa? Wala ka na bang lagnat?" sinapit-sapit pa nito ang aking noo.

"Okay na po ako,Yaya. Medyo magaan na po yung pakiramdam ko." 

"Kahit na. Nagpahinga ka na lang sana. Baka masinat ka pa.Wala namang masyadong gagawin rito at isa pa'y maagang umalis ang Papa mo kanina,may mga bibilhin lang daw.Gusto mo na bang ipaghain kita ng agahan?"

"Hindi na po,Ya. Hindi pa naman po ako nagugutom.? iling ko pa. "Teka po,may panauhin po ba? Nakita ko kasing nagpapalit kayo ng mantel sa mesa." 

Pag-iiba ko. Wala naman akong maalala na may okasyon ngayon dito sa bahay ay nagtataka ako kung bakit nagpapalit siya ng mantel. At nakita ko ring malinis at nasa ayos ang lahat sa may living room. Mukhang kanina pa nga naglilinis si Yaya. Buti na lang at may dalawa pa kaming katulong na minsan ko na lang din makita dahil sa nasa labas sila naka-assign o dili kaya'y kapag kinakailangan lang. Actually,si Yaya Poring lang talaga ang nagtagal rito sa bahay dahil sa siya na ang tumayong mayordoma noon pa mang bago pa lang nagsama sina Papa at ang Mama ko. Though,hindi sila kasal ay sinabi naman ni Yaya na nagsama ang mga ito bilang mag-asawa.

No wonder iba ang apelyido ko kay Papa dahil hindi naman pala sila kasal ni Papa. Ang tanging pagtataka ko lang ay kung bakit hindi ko nagawang maging Sandoval gayong anak ako ni Papa.Kahit ganun pa man,itinuturing ko pa rin siyang ama ko kahit kinamumuhian niya ako ng hindi ko alam kung bakit talaga.

"May bisita kasing darating mamaya. Ang sabi ng Papa mo ay espesyal na bisita raw ito at kailangang paghandaan dahil bigatin daw iyon at isa pa'y sabi niya dito daw nakasalalay ang kompanya niyo."pahayag niya pa.

Dahil sa wala naman akong ideya sa mangyayari mamaya,ay ipinagkibit balikat ko na lang iyon. Ang alam ko lang ay may business kami pero from that wala na dahil hindi naman ako binabahagian ni Papa tungkol doon.

"Tulungan ko na po kayo,Ya. Tutal kaya ko naman po." sa halip ay sabi ko na lang.

"O siya,sige ikaw na ang mag-arrange nitong mga bulaklak at ilagay mo sa gitna ng table. Buti na lang at nagpabili ang Papa mo ng mga bulaklak kanina. Himala talaga. Mukhang napakabigating tao nga ng bisita niya mamaya."

Sumunod na lang ako kay Yaya sa iniutos niya. Hindi naman iyon bago sa akin dahil sanay naman akong mag-ayos sa bahay. Kapag ka wala si Yaya at marami siyang ginagawa ay ako na mismo ang naglilinis sa bahay at nag-aayos ng mga bulaklak sa vase. Hilig ko kasi ang mga ganoong trabaho. 

Nasa bahay lang naman ako lagi.Hindi rin kasi ako nakakalabas ng basta-basta na lang dahil pag ginawa ko iyon ay tiyak paparusahan agad ako ni Papa. Sa tuwing dadalhin lang ako ni Yaya na mamalengke ay yun lang ang time na nakakalabas ako. 

Ang huli akong  malayang nakakalabas sa bahay ay noong high school ako dahil sa pumapasok pa sko noon sa pampublikong paaralan na malapit lang sa amin. At noong naka-graduate na ako ay hindi na. Hindi rin naman ako pinag-college ni Papa dahil sabi niya ay dagdag gastos lang daw iyon. Ang bagay daw sa akin ay sa bahay lang.Ang katulad ko daw ay hindi nararapat na lumabas dahil isa daw akong salot at baka makahawa pa ang pagiging salot ko sa lipunan.

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon