Chapter 36

2.3K 57 6
                                    

Dumaan ang ilang araw at mas lalong napapansin ko ang pananahimik ni Blade. May nag-iba sa kanya. He is still sweet to me pero mas tahimik siya ngayon. Ginagawa pa rin namin ang dating ginagawa niya like pagsundo at hatid sa akin sa trabaho, we go out pag may time pero hindi niya minsan pinag-usapan ang tungkol sa huling pag-uusap nila ng Lolo Steven niya.

Marami akong iniisip gaya na lamang ng tungkol sa kasal namin. It's supposed to be happening real soon but it seems like nawawala na sa isip niya. I wonder if he changed his mind? I wonder if he is having second thoughts about marrying me? Ayaw ko naman siyang kulitin baka kasi magalit siya at pagsimulan pa iyon ng away namin.

Nadatnan ko si Blade na inaayos ang kanyang neck tie. Nilingon niya ako saka nginitian. Umupo siya sa may paanan ng kama.

"Come here..." aniya sa akin at tinapik ang lap niya.Sumunod ako at kumandong sa kanya.

I wrapped my arms around in between his neck and shoulder. He smelled so good. Magkahalong aftershave at body wash ang amoy niyang nanuot sa ilong ko. I don't why lately,I like smelling him. Para bang hindi buo ang araw ko kapag di ko siya naaamoy.

Isinubsob niya ang mukha sa akin. " You left me in bed...."

"Bumaba kasi ako para magluto ng breakfast mo..." sabi ko. Pinaglalaruan ko ang medyo basa pa niyang buhok.

"I thought iniwan mo na ako..."

Nabigla ako sa sinabi niya. May himig na lungkot sa boses niya. I don't know if he is just teasing or seryoso siya.

"Bakit mo naman nasabi yun?"

I felt a lump in my throat. I admit, naiisip ko ang bagay na yan pero sa tuwing sumasagi iyon sa isip ko kinukurot na ang puso ko. Kakayanin ko bang iwan siya?

"I had a dream last night. A bad dream. You left me without me knowing...."

Para siyang batang nagsusumbong. Ngayon ko lang nakitang ganito si Blade. Para bang takot na takot siya sa napanaginipan niya.

Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. He is squishing my body na pakiramdam ko di ako makahinga sa higpit ng pagkakayakap niya.

"Panaginip lang yun,Blade..." tanging nasabi ko na lang.

Nag-angat siya ng ulit at humarap sa akin. Mataman siyang nakatigtig sa akin. Para akong natutunaw sa klase ng titig niya.

"Yeah, it's just a dream. I know, you won't leave me. Right?"

He is looking at me expectantly. Gusto niyang manigurado na hindi ko nga siya iiwan. Tumango-tango lang ako saka hinila siya para mayakap ko siya ulit. I don't want him to see my emotional. Gusto kong umiyak dahil ngayon pa lang nasasaktan si Blade. Paano pa kaya kung magkatotoo ang panaginip niya?

"Tara, baba na tayo. Kakain pa tayo ng almusal at saka baka malate ka. Di ba sabi mo,ngayon ang start ng gagawing shooting para sa bagong campaign ad niyo?"

"Yeah. I want to be with you pero I just need to show up there kasi may mga investors na pupunta to look around na rin."

Umalis ako sa kandungan niya at tumayo. Siya din ay ganun ang ginawa. Pagkuway,hinapit niya ang beywang ko kaya napakapit ako sa matipuno niyang mga braso.

" Are you going somewhere today?"

"Pupunta ako sa flower shop kahit day off ko. Nabo-bored kasi ako dito sa bahay. Okay lang ba?"

He nodded. " Doon ka na lang maghintay sa akin kung ganun. I'll try my best to pick you up before lunch time para makakain tayo sa labas bago ako bumalik ulit sa trabaho."

In Your Loving ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon